Project Klaro

Project Klaro Let’s make things Klaro.

Posibleng makita na sa November electricity bill ng mga consumers ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa allowable s...
20/09/2026

Posibleng makita na sa November electricity bill ng mga consumers ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa allowable system loss charges, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni ERC Chairperson Francis Saturnino Juan na nakipagpulong na ang komisyon sa mga stakeholders nitong Biyernes upang ayusin at pabilisin ang pagpapatupad ng circular ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Target ng ERC na maipatupad ang walang VAT sa system loss charge para sa October electricity consumption, na inaasahang makikita sa November bill.

Nais ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipagpulong sa Department of Information and Communi...
20/09/2026

Nais ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipagpulong sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Kongreso para talakayin ang mga hakbang na maglilimita sa access ng mga bata sa internet at social media.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, isinulong niya ang hakbang kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato na ikinasawi ng tatlong menor de edad, kabilang ang Grade 9 student na umano’y gunman.

Sinabi ni Remulla na nakipagpulong na rin ang DILG sa mga game developer at nakita nilang may mga batang naglalaro sa isang platform habang sa ibang social media platform naman nagpapatuloy ang kanilang mga usapan.

MAS MAHIGPIT NA WASTE MANAGEMENT, KAILANGANSa paggunita ng National Clean-Up Month ngayong Setyembre, nanawagan si Senat...
20/09/2026

MAS MAHIGPIT NA WASTE MANAGEMENT, KAILANGAN

Sa paggunita ng National Clean-Up Month ngayong Setyembre, nanawagan si Senate President Win Gatchalian para sa mas maayos na waste management at responsableng pagtatapon ng basura.

Aniya, isa rin sa mga nakadaragdag sa pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ang baradong mga daluyan ng tubig, kaya mahalagang maiwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Tatlong estudyante, kabilang ang gunman, ang nasawi habang anim pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng isang pa...
19/09/2026

Tatlong estudyante, kabilang ang gunman, ang nasawi habang anim pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.
Nangyari ang insidente sa isang classroom ng Banga National High School sa Barangay Benitez bandang alas-1:15 ng hapon.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., Grade 9 pupil ang gunman na matapos barilin ang kanyang mga kaklase ay binaril din ang sarili sa ulo.

Sinabi naman ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council head Rolly Aquino na tatlo ang kumpirmadong patay hanggang alas-4 ng hapon—dalawang lalaki at isang babaeng estudyante.

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes, Setyembre 18, na sumasailalim sa preliminary investigation ang mg...
19/09/2026

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes, Setyembre 18, na sumasailalim sa preliminary investigation ang mga graft complaint laban sa ilang miyembro ng pamilya Villar kaugnay ng mga alegasyon sa PrimeWater Infrastructure Corporation.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, kabilang sa mga inireklamo sina Senators Mark at Camille Villar, dating senators Manny at Cynthia Villar, at businessman Paolo Villar.
Ang preliminary investigation ay proseso kung saan sinusuri kung sapat ang ebidensiya para sampahan ng kaso sa korte ang mga respondent.

Pinapatawag ng House of Representatives si Meta CEO Mark Zuckerberg sa isang congressional hearing ng Department of Info...
19/09/2026

Pinapatawag ng House of Representatives si Meta CEO Mark Zuckerberg sa isang congressional hearing ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakatuon sa social media safety.

Ayon sa DICT, tatalakayin sa pagdinig ang harmful content online, responsibilidad ng social media platforms, at mga posibleng safeguards para mas maprotektahan ang mga Pilipinong gumagamit ng digital platforms.

18/09/2026

“HUSTISYA ANG HINAHANAP NG TAUMBAYAN SA INYO”

Idiniin ni Retired Chief Justice Artemio Panganiban na ang kailangan ng bayan ay hustisya mula sa mga Senador na nagsisilbing hukuman para sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.

Hinimok ni Abra Rep. JB Bernos ang mga local government units (LGUs) na i-integrate ang kanilang emergency response syst...
18/09/2026

Hinimok ni Abra Rep. JB Bernos ang mga local government units (LGUs) na i-integrate ang kanilang emergency response systems sa Unified 911 Emergency Hotline upang maiwasan ang duplication at kalituhan sa oras ng emergency.

Ayon kay Bernos, mahalaga ang buong suporta ng LGUs para maging epektibo ang Unified 911 at matiyak na malinaw sa publiko kung saan dapat humingi ng tulong.

Ang Unified 911 ay centralized emergency network na nag-uugnay sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at LGUs para magbigay ng 24/7 emergency assistance sa buong bansa.

#911

MGA DATING MAHISTRADO, NAGBIGAY NG LEGAL NA PANANAWNaglahad ng kani-kanilang legal na opinyon ang mga dating mahistrado ...
18/09/2026

MGA DATING MAHISTRADO, NAGBIGAY NG LEGAL NA PANANAW

Naglahad ng kani-kanilang legal na opinyon ang mga dating mahistrado ng Supreme Court tungkol sa kung maaari pa bang bumoto ang mga senador na hindi dumalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Naging sentro ng diskusyon ang papel at pakikilahok ng mga senator-judge sa paglilitis, kabilang ang epekto ng kanilang pagliban sa mga sesyon.

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules ang hiling ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romu...
17/09/2026

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules ang hiling ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na ilipat sa hospital detention, dahil may iba umanong persons deprived of liberty (PDLs) na mas malubha ang kondisyon sa kalusugan.

Ayon kay Sandiganbayan Third Division Chairperson Karl Miranda, hindi sapat na dahilan ang pagkakaroon ng karamdaman para manatili sa ospital ang isang akusado.

Kasalukuyang nakakulong si Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas kaugnay ng ₱7.4-bilyong plunder case.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Klaro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share