
19/06/2025
MULA SA HIYA, HANGGANG SA KARANGALAN: ANG KWENTO NG TUYO
Naalala ko pa nung bata ako, nahihiya akong buksan ang baon ko sa harap ng mga kaklase.
Bakit?
Kasi ang ulam ko—TUYO.
Minsan daing, minsan pusit.
Masarap, pero amoy pa lang, alam mo na agad.
Takot akong pagtawanan. Ayokong sabihing “mahirap” ang pagkain ko.
Gusto ko sana burger, hotdog, spaghetti—yung sosyal tignan.
Pero ngayong malaki na ako, may nakita ako sa isang 5-star hotel buffet na hindi ko makakalimutan…
TUYO.
Maayos ang plating. May konting garnish. May kasamang gourmet s**a.
At ang mga bisita—foreigner man o Pinoy—nasa pila para tikman ito.
Dun ko narealize…
Yung dating ikinahihiya ko, ngayon ipinagmamalaki na.
Mga natutunan ko:
1. Wag mong ikahiya ang pinanggalingan mo. Iyan ang bumuo sayo.
2. Ang mundo ay umiikot—pero ang kwento mo, pwedeng maging lakas mo.
3. Ang dating tinatago mo sa hiya, pwedeng maging simbolo ng tagumpay.
Ngayon, proud akong ihain ang tuyo sa pamilya ko.
Hindi dahil wala kaming ibang ulam, kundi dahil ito ang paalala ng pinagdaanan namin.
Kung ikaw man ay may “tuyo moment” sa buhay mo… wag mong itago.
Dahil balang araw, yan din ang magiging dahilan kung bakit ka titingalain ng ibaq
Meron ka dn bang baon sa school na ikinakahiya noong araw??share mo nman sa comment