23/06/2025
📣 Ang Negosyo ng Autism: Dapat Mong Malaman bilang Magulang, G**o, Propesyonal, o Mambabatas
🧠 Autism ay Hindi Dapat Ginagawang Negosyo
—Pero Ginawa Na Ito
Ang autism ay isang neurodevelopmental difference—hindi ito sakit, hindi ito trahedya, at higit sa lahat, hindi ito dapat pagkakitaan.
Ngunit sa Pilipinas—gaya ng sa maraming bahagi ng mundo—ang autism ay naging bahagi ng isang multi-bilyong-pisong industriya. Mula sa therapy centers, diagnostic tools, supplements, at trainings, nabuo ang isang sistemang kumikita mula sa takot at pag-asa ng mga magulang.
Ang sistemang ito ay tinatawag ngayon na Autism Industrial Complex (AIC).
“Ginagawa ang autism na tila isang krisis upang makabenta ng solusyon—kahit walang garantiya.”
— Broderick (2009, 2010, 2011)
🧩 1. Ano ang Autism Industrial Complex?
Ang Autism Industrial Complex (AIC) ay ang sistematikong koneksyon ng mga:
Media narratives
Private therapy institutions
Unregulated diagnostic providers
Supplement companies
Education consultancies
Government inaction
Layunin nito? Gawing “produkto” ang autism at “solusyon” ang kanilang serbisyong binebenta.
Paano ito gumagana:
✅ Pinapalabas na emergency ang autism
✅ Nagbebenta ng interbensyon (therapy, tests, products)
✅ Pinaparamdam sa magulang na pabaya sila kung hindi sasailalim sa mga ito
✅ Walang sapat na ebidensyang pangmatagalan o ethical safeguards
Sa madaling sabi: Ginigisa sa sariling mantika ang mga pamilya.
💸 2. Ang Negosyo ng Takot at Pag-asa
Ang AIC ay lumalakas gamit ang mapanlinlang na wika:
“Autism Epidemic”
“Autism as Mental Illness”
“National Emergency”
Ang mga terminong ito ay ginagamit para:
Gumawa ng panic
Mag-trigger ng urgency
Maibenta ang "solution packages"
Sa likod ng mga alok na “evidence-based” o “miracle recovery”, ay madalas:
❌ Walang long-term research
❌ Walang panagutan
❌ Walang cultural sensitivity
❌ Walang respeto sa neurodiversity
📌 Emotional hook: “Gawin mo na ‘to, baka mahuli ang anak mo.”
📌 Business model: Subscription-style na therapy—walang dulo, pero may buwan-buwan na bayarin.
🏢 3. Therapy Centers: Negosyo, Hindi DEVELOPMEMTAL Institusyon
Sa Pilipinas, halos lahat ng therapy centers ay:
Pribado
Walang price regulation
Walang national accountability system
Walang grievance mechanisms
📌 Presyo ng session: ₱700 – ₱2,500
📌 Therapist credentials: Iba-iba, minsan kahit wala
Hindi lahat ay mapagsamantala—but in the absence of regulation, profit often overrides care.
Pangunahing Problema:
❌ Walang goal-tracking
❌ Walang standardized methods
❌ Walang transparent outcome reporting
❌ LIMTED required post-graduate training o CPD sa autism-specific care
🇵🇭 4. Sa Pilipinas: Kulang ang Tunay na Suporta
May batas. Walang laman.
📜 RA 11650 (Inclusive Education for Learners with Disabilities)
Bagamat promising, ito ay kulang sa:
❌ Implementing guidelines
❌ Budget allocations
❌ Required teacher training
❌ Monitoring tools
Resulta:
Naiiwan ang mga autistic na bata sa classroom—hindi dahil ayaw nilang matuto, kundi dahil hindi handa ang sistema.
🧾 5. Therapy Pricing at Therapist Credentials: Walang Kontrol
Sa kasalukuyan:
❌ Walang licensing board para sa ABA therapists
❌ Walang national competency framework
❌ Kahit sino ay pwedeng magpakilalang “autism expert”
❌ OTs, SLPs, at teachers lack access to autism-specific CPD dahil sa mahal na cost at limitadong options
📌 Walang transparency sa singil
📌 Walang standards for training, ethics, or measurable outcomes
Ang resulta?
Ang therapy ay nagiging negosyo, hindi bahagi ng public health system.
🏫 6. Public Education: Walang Autism-Inclusive Curriculum
Sa kasalukuyan:
❌ Walang national curriculum para sa autistic learners
❌ Walang mandatory training sa mga g**o ukol sa autism
❌ Walang inclusive framework para sa classroom practices
Dahil dito:
Maraming autistic na bata ang na-dedemote o dini-diagnose bilang “pasaway” or na bu-bully.
Hindi nauunawaan ang kanilang sensory, social, o learning differences
Ang eskwelahan ay nagiging lugar ng trauma—hindi pag-unlad
💸 7. PhilHealth Coverage: Mahirap Ma-Access
Tama—may coverage, pero 9 sessions lang kada taon para sa autism therapy.
Limitado ang saklaw:
❌ Developmental pediatrician consultations
❌ Home programs
❌ Functional assessments
❌ Long-term therapy needs
Kailangan pa ng:
❌ Updated PWD ID (renewable every 3 years)
❌ Multiple certifications and forms
📌 Effect: Tanging may kaya lang ang nakakakuha ng tuloy-tuloy, kalidad, at maagang interbensyon.
📌 Ang mahihirap?
Nawawalan ng access, nahuhuli sa intervention, at mas lumalaki ang gap.
🧭 8. Mula Pangako Patungong Aksyon: Mga Panukalang Solusyon
✅ 1. Full Implementation ng RA 11650
May malinaw na pondo, roadmap, at monitoring
Inclusive classrooms, trained SPED and general education teachers
✅ 2. Regulation ng Therapy Centers
Standardized at transparent pricing
Required display of therapist credentials
May grievance systems para sa pamilya
✅ 3. National Licensing Board para sa Autism Therapists
Ethical standards
Continuing education requirements
Disciplinary measures para sa negligence o abuso
✅ 4. Mandatory Neurodiversity Training for ALL Teachers
Hindi lang SPED ang dapat may kaalaman
Dapat bahagi ng teacher licensure exam at training
✅ 5. Expanded PhilHealth Coverage
Include diagnostics, therapy, home programs
Alisin ang financial barriers sa access
👨👩👦 9. Bigyang Lakas ang Magulang—Hindi Ibenta ang Solusyon
Ang pinakadelikadong paniniwala:
“Ang mga propesyonal lang ang makakaayos sa anak mo.”
Ang totoo:
Ang ganitong kaisipan ay nagpapahina sa magulang, at lumilikha ng lifelong dependence sa mamahaling serbisyo.
Ang tunay na suporta ay:
✅ TRAIN Parent coaching para sa home-based Intervention
✅ Pagkilala sa kaalaman, pagmamahal, at consistency ng pamilya
✅ Pagbuo ng empowered, informed parents—not helpless, anxious ones
🧪 10. The Myth of "Science-Based" Services
Maraming therapy providers ang nagsasabing “evidence-based”—pero:
❌ Luma na ang research
❌ Hindi culturally appropriate
❌ Ginagamit lang bilang marketing tool
❌ Walang third-party verification
“Scientism is used to create market legitimacy—not truth.”
— Broderick (2009)
🧩 11. Ano Talaga ang Ibinebenta Nila?
Hindi therapy ang produkto ng kakulangan.
Ang binebenta nila ay ang ideya na may kulang sa anak mo.
“Hindi sapat ang anak mo. Kami ang mag-aayos—kapalit ng bayad.”
“Your child is raw material.
We sell ‘improvement.’”
At habang naniniwala ang magulang sa ganitong narrative, lalakas ang negosyo—at lalalim ang pagsasamantala.
🔁 12. Kaya—Ano ang Dapat Gawin?
Hindi natin kailangan ng slogan.
Kailangan natin ng:
📌 Polisiya
📌 Regulasyon
📌 Etika
📌 Katarungan
💬 Tandaan:
Ang autism ay hindi krisis.
Hindi ito negosyo.
Ito ay pagkakaiba—na karapat-dapat sa suporta, hindi sa pagsasamantala.
📢 Kung ikaw ay magulang, g**o, health professional, o mambabatas—kasama ka sa laban na ito.
🤝 Sama-sama nating buuin ang mundong mas ligtas, mas maunawain, at mas makatarungan para sa lahat ng autistic na bata at kanilang pamilya.
📢 Pakikalat ito.
Hindi ito laban ng iilang pamilya lang—ito ay usapin ng katarungan, kabutihan, at kinabukasan.
📌
📚 References
Broderick, A. A. (2009). Making sense of autism: Critical reflections on what it means to “support” children with autism. Disability Studies Quarterly, 30(1). https://doi.org/10.18061/dsq.v30i1.1061
Broderick, A. A. (2010). Autism as metaphor: Narrative and counter-narrative in the representation of disability. In D. J. Connor, J. W. Valle, & C. Hale (Eds.), Interrogating assumptions about inclusion: Perspectives from the field (pp. 127–142). Routledge.
Broderick, A. A. (2011). The Autism Industrial Complex: Diagnoses, identities, and the politics of neurodiversity. Presented at the American Educational Research Association (AERA) Annual Meeting, New Orleans, LA.
Republic Act No. 11650. (2022). An Act Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education. Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2022/03/11/republic-act-no-11650/
Universal Health Care Act (Republic Act No. 11223). (2019). An Act Instituting Universal Health Care for All Filipinos, Prescribing Reforms in the Health Care System. Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2019/02/20/republic-act-no-11223/