02/07/2025
Sya si Lolo Mariano nakasabay ko sa Jeep iyak sya ng iyak kaya tinanong ko sya, "Tay, bakit po kayo umiiyak??" Ang sabi nya nawawala daw ang kanyang apo.. Jelian Saldoa raw ang pangalan 4 years old, Tatlong linggo na raw po itong nawawala. Tinanong ko si lolo kung taga saan sya sabi nya taga Bulacan pa daw sya. "hala ang layo na po ng narating nyo napadpad na po kayo dito sa Rizal" sa mga sandaling yun habang tinatanong ko sya ay iyak parin ng iyak si lolo. Lubha akong naawa sa kalagayan ni lolo. Tinanong ko sya kung mayroon pa syang pera o pamasahe man lang sabi nya "mayroon pa naman anak" hindi nya tinatanggap ang mga inaabot na pera sa kanya ng mga pasahero, akala ng iba ay namamalimos sya pero hindi. Ngunit dahil sa pag pilit na rin ng ibang pasahero na kunin nya na ito para sa kaunting tulong ay tinanggap na rin ito ni lolo Mariano at dahil malapit na ako bumaba ang huling sinabi ni lolo sakin ay "Anak, nagmamakaawa ako sa'yo tulungan mo sana akong makita ang aking apo, hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin kung saan saan na ko nagpuntang lugar pero di ko pa rin makita ang aking apo" sa mga sandaling yun ay biglang nadurog ang aking puso. Bago ako bumaba kinuhanan ko sya ng litrato at ang hawak nyang papel. Sabi ko sa kanya wag na syang umiyak dahil gagawin ko ang lahat ng alam kong paraan para matulungan sya. Sabi ko sa kanya "Tay ipopost ko po ito sa Fb baka sakaling marami pong nakakita o nakakaalam kung nasaan man po ang inyong apo" Ang sagot nya. "sige anak maraming salamat ." Sabi ko "ingat po kayo tay, sana po makita nyo na ang inyong apo." Please Share po natin ito dahil sa simpleng paraan na ito ay makakatulong na rin po tayo kay Lolo Mariano
ยฉ Pauline Manuel โ