30/03/2025
MGA SUNNAH SA ARAW NG EID AL FIT'R
Para ito sa mga kababaihan .
β
.Maligo bago pumunta sa Masjid
β
.Isuot ang pinakabagong damit. kung Walang bago, kahit luma basta maayos.
Kailangan, mahaba at maluwag, kailangan hindi manipis. ang kulay ay hindi nakaka kuha pansin sa mga kalalakihan, yung tipong malayo ka palang kitang kita ka na , Dahil sa kulay ng iyong damit.
Yung simple lang, hindi yung lahat na ata ng palamuti nasa damit mo na.
Tandaan natin Simplicity is beauty.
β
.Huwag mag pabango.
Kahit cologne pa iyan, kahit Downy pa iyan.
Yung iba kasi sa sobrang daming nilagay na Downy sa damit , nagiging pabango na ang dating.
Malayo ka pa lang , amoy na amoy ka na kung anung kulay ng Downy ang gamit mo, yung iba kasi 2 or 3 cup ang nilalagay sa konting damit, kaya sa final nagiging pabango na siya ng damit.
β
.Kumain ng 1 o tatlong tamar bago pumunta sa masjid. kung wala , kumain ng kahit ano na meron diyan sa bahay mo.
β
.Isama ang kababaihan kahit na may buwanang dalaw. Huwag lang sila mag Salaah at huwag pumasok sa masjid.
Huwag mag make up. Sa harap lang ng husband mo Ikaw mag make up at mag pabango
β
Isama ang mga bata , para masaksihan nila kung paano ang Salaatul-βEid
β
. Maglakad or kung malayo ay puwede naman sumakay , sa pag punta sa masjid.
β
Ibahin ang dadaanan pagbalik ng bahay
β
Tuloy tuloy ang pagbigkas ng " Allahu Alkbar (2x) or ( 3x) Laa ilaaha illallahu Wallahu Akbar, Allahu Akbar Walillahil-Hamd.
hinaan lang ang boses yung ikaw lang nakakarinig sa sarili mo at itigil kapag pumasok na ang imam
β
. Isagawa ang Salatol-Eid sa malawak na lugar
β
. Pakikinig ng khutbah pagkatapos ng Salatol-Eid
β
. At magbatian ng βEid Mubaarak!
Wallahu A'alam