25/08/2025
Maligayang Araw ng mga Bayani Ka-Montalbeรฑos! ๐โจ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ngayong Agosto, sabay-sabay nating ginugunita ang Araw ng mga Bayaniโisang mahalagang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng talino, lakas, at buhay para sa bayan. Mula sa mga kilalang lider ng rebolusyon hanggang sa mga tahimik na bayani ng ating mga pamayanan, kanilang ipinaglaban ang ating kalayaan, dangal, at kinabukasan.
Ang kanilang buhay at kamatayan ay nagsilbing mitsa ng muling pagkabuhay ng diwang makabayan ng sambayananโisang paalala na "Ang Pilipino ay pinanganak upang maging dakila." Sa kanilang pag-aalay ng sarili, nabuksan ang mata ng marami sa kahalagahan ng paglilingkod, pagkakaisa, at matatag na paninindigan.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Punong Bayan Ronnie S. Evangelista, Pangalawang Punong Bayan Edgardo Z. Sison, at ng Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ni Konsehal Mark David Acob, Tagapangulo ng Komite ng Turismo at Kultura, at ng Tanggapan ng Turismo at Ugnayang Pang-Kultura sa pamumuno ni Gng. Jomelyn M. Abuan, DPA, ay buong pusong nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanilang halimbawa upang tayo man ay maging bayani sa ating sariling paraanโsa paglingap sa kapwa, sa pagtataguyod ng katotohanan, at sa tapat na paglilingkod sa ating bayan.
Mabuhay ang ating mga Bayani!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!