11/07/2025
Tagalog Horror Story "APARTMENT"
Magandang araw po sa inyo at sa mga tagapakinig ninyo. Ako nga po pala si Mery, sana po mabasa din sa channel ninyo ang kwento ko. Itong kwento po na ito talagang hindi ko po sinasabi sa iba kasi natatakot ako na baka pagtawanan lang ako o hindi paniwalaan, ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsabi sa ibang tao tungkol sa naging karanasan ko.
Ilang taon na rin po yung nakalipas nung naghiwalay kami ng live in partner ko. Sobrang malaking dagok yun sa buhay ko kasi talagang isinakripisyo ko ang lahat para sa relasyon na yun, tipong nakipagtanan ako kahit na pinapaaral naman ako sa kolehiyo ng mama ko. Kaya nung naghiwalay kami, parang gumuho yung mundo ko. Hindi ko alam nun kung paano ako magsisimula ulit, kung paano ako babangon at kung paano ko ibabalik ang takbo ng buhay ko.
Sabi ng mga kaibigan ko, mas mabuti daw kung magpakalayo layo muna ako para makalimot. Mas maganda din talaga kasi yung hindi ko siya nakikita at yung mga bagay pati lugar na nakakapag paalala sa akin sa kanya, para mas mabilis akong maka move on. Naisip ko na siguro, maganda kung uupa muna ako sa malayong lugar, yung peaceful at makakapag isip ako nang maayos. Tutal may ipon naman ako at ang trabaho ko naman nun ay work from home, ipinapasa ko lang samga kliyente ko yung art na pinapagawa nil;a tapos nagkakapera na ako. Naghanap ako nun online pero puro condo yung nakikita ko. Sabi ng isang kaibigan ko, may tita daw siya sa probinsiya na nagpapaupa, di ko nalang po sasabihin saan eksakto yung probinsiya pero basta malayo at maganda yung lugar. Sinabi din niya na malapit sa sapa at talagang peaceful yung lugar, makakpag isip ako nang maayos.
Pumayag na ako agad kasi gusto ko na talagang tulungan yung sarili ko, gusto ko na ialis yung sarili ko sa sitwasyon na hindi na ako amsaya. Siguro mas mabuti talaga na mamuhay muna mag isa at magpagaling, pero ang hindi ko alam, may mas masakit at nakaktakot pala na nag aabang sa akin doon sa uupahan ko.
Noong naka byahe na ako at nakalipat na, ayos naman na sana yung lugar sa akin Talagang tahimik at parang wala nga kaming kapitbahay, maganda din yun kasi makakapag isip ako ng maayos na tema para sa mga paintings. Halata nga lang na may pagkaluma na yung bahay pero isang matandang babae lang naman yung kasama ko kaya ayos na rin. Hindi ko nga alam kung relihiyoso ba yung matanda kasi may mga nakikita akong simbolo at rebulto na nakatakip pero hindi na lang ako nagtanong nun kasi hindi naman ako pakielamerang tao.
Unang araw ko doon sa upahan eh maayos naman talaga. Emerlita yung pangalan nung matandang kasama ko pero nanay nalang ang tinatawag ko sa kaniya. Mabait naman at palangiti pero hindi nga lang masyadong nagsasalita, siguro ay ganun talaga kapag matanda na, mas gusto na lang yung tahimik at payapa. Pagtapos ko ayusin yung mga gamit ko, lumabas muna ako nun ng bahay para maglakad lakad, iba na aksi yung pakiramdam ko nun eh, pakiramdam na ipinagsawalang bahala ko lang, pero noong mga oras na yun, talagang hindi ako makampante na ewan. Akala ko nga eh baka namamahay lang ako.
Noong lumabas ako, medyo malalayo talaga yung pagitan ng mga bahay, habang naglalakad lakad, pansin ko na tinitignan ako ng mga tao tas medyo iba yung tinginan nila. Siguro halata na bago lang ako sa luagr kaya ipinag kibit balikat ko nalang ulit. Wala naman kasi akong pakielam talaga kung pinagchichismisan na ba ako ng mga tao. Basta payapa lang akong naglalakad lakad nun hanggang sa mahanap ko yung sapa na sinasabi sakin. Doon kinalimutan ko muna lahat ng stress, pero ramdam ko, ramdam ko pa rin na may mga matang nakatingin sa akin at sa bawat pagkilos ko, pero gaya ng lagi kong ginagawa, pinabayaan ko lang ulit dahil nga baka pinaglalaruan lang ako ng isip ko.
Kinagabihan nun, hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog nang maayos. Hindi naman sa hindi ako komportable, pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa bahay, pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nag pinta nalang ako para kahit papaano eh antukin ako, hanggang sa inantok na ako tapos nakatulog na. Kinabukasan nun, sinabihan ako ng may ari na maaga daw ako magpahinga tapos wag na raw ako lalabas ng mga lagpas alas dose. Hindi ko man naintindihan kung bakit ayaw niyako palabasin sa kwarto nang ganung oras, sinunod ko nalang. Tutal eh siya naman ang may ari ng bahay. Medyo lutang din kasi ako nun aksi iniisip ko kung bakit parang may marka ng k**ay yung painting ko. Hindi pa kasi yun natuyo bago ako natulog. Pero pag gising ko, parang may ibang humawak, sure naman akong hindi ako kasi tinignan ko yun nang maigi bago ako matulog.
Gabi nanaman, maaga naman ako nakatulog. Pero nagising ako sa ingay, sa mga kanta. Iba yung dating sa akin nung mga boses nilang kumakanta. Alam mo yung mga kanta ng pabasa sa mga patay? Parang ganon eh per yung lengguwahe nila eh hindi ko maintindihan, at talagang tumatayo yung balahibo sa hindi ko malamang dahilan. Gusto kong lumabas para silipin kung ano ba yung ginagawa nila sa sala sa baba, sa taas kasi yung kwarto ko, pero natatakot akong baka magalit sa akin si Nanay Emerlita, sinabihan pa naman niya ako na wag na munang lalabas. Paghiga ko sa k**a, halos mahimatay ako sa gulat kasi may natanaw akong bata sa gilid ng pinto ko, parang naka laylay na yung ulo niya dahil hiniwa yung nararamdaman ko at talagang hindi ako nakatulog, dilat lang ako hanggang umaga.
Kinabukasan nun, nagpaalam na ako kay Nanay, pinigilan niya pa nga ako epro sinabi kong pinapauwi ako ng mama ko sa Maynila. Nung lumingon ulit ako sa bahay bago umalis, nakita ko nanaman yung batang duguan at nalaslas ang leeg, halos manghina ako at talagang mabilis na umalis. Noong nasa bus na ako naisip ko na baka myembro ng kung anong kulto yung may ari ng inupahan ko. Baka yung bata na nagpakita eh dati nilang inialay, tapos tinulungan lang ako para maka alis na ako dun sa lugar. Pero kahit ano pa yun, isa lang yung sigurado ako, hinding hindi na ulit ako basta basta uupa lalo an kung sa malayong lugar.