20/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            KUNG SINO MAN SIYA, D'BEST KA ATE!!!
Grabe! pasikatin natin itong si ateng naka pink, si kuyang naka green kase nagbabayad sya sa Philhealth tapos sabi ng cashier kulang yung perang pambayad nya, sabi ni manong "Wala na ho akong dalang pera, yan na ho lahat, galing pa ho akong Sapang Putik tas naglakad lang po ako papunta dito. 
Sabi naman ng cashier "Hindi po mababayaran PhilHealth nyo sir kase kulang."
Parang nasa P300 plus yata yung kulang ni manong, due date nya na kase ngayon, sabi naman ni manong "Sige po uuwi na lang ho ako" tapos nung paglabas ni manong sa Bayad Center kinausap sya ni ateng naka pink narinig nya pala na kulang ang pera nya, kaya sinamahan nya ulit si manong sa counter, si ateng naka pink na daw nagbayad ng Philhealth ni manong, tapos yung perang pambayad ni manong sabi ni ate "itabi mo na lang po yan manong para may panggastos ka sa pangangaylangan ng pamilya mo. 
Wow! Napakabuti ni ate, kung sino ka man maraming salamat sa kabutihang ginawa mo kay manong! Saludo po kami sa'yo! sana dumami pa ang katulad mong may mabuting kalooban, God bless you more!   
Ctto 🫶