28/04/2026
“Ako Yung Nasaktan… Pero Bakit Parang Ako Pa Yung Masama?”
Ako yung umalis. Ako yung nakipaghiwalay. Ako yung nag block.
Pero hindi dahil hindi kita mahal… Kundi dahil mahal na mahal kita, pero hindi ko na kayang manatili habang paulit-ulit mo akong dinudurog.
Ang daming tao na akala kapag ikaw yung umalis, ikaw yung sumuko. Ikaw yung malamig. Ikaw yung masama.
Pero ang hindi nila alam… Hindi ako umalis dahil gusto ko. Umalis ako kasi kailangan ko nang iligtas yung sarili ko sa sakit na ikaw mismo ang nagbibigay.
Kasi paano ako mananatili… kung yung taong mahal ko, siya rin yung dahilan kung bakit gabi-gabi akong umiiyak?
Paano ako magstay… kung habang nagpapakatotoo ako, habang ibinibigay ko yung loyalty, respeto, at puso ko… ikaw naman pala, ginagawa mo lang akong tanga sa likod ko?
Ang mas masakit pa… hindi lang yung cheating. Hindi lang yung actions mo. Kundi yung katotohanang pagkatapos ng lahat… wala man lang akong narinig na “sorry.”
Ni isang pagsisisi. Ni isang pag-amin. Ni isang salitang kayang magparamdam sakin na kahit paano… nasaktan ka rin sa ginawa mo.
Wala.
At doon ako tuluyang nadurog.
Kasi minsan, mas masakit pa pala yung pananahimik ng taong nanakit sayo kaysa sa mismong kasalanan niya.
Yung tipong ikaw, wasak na wasak, kinukwestyon sarili mo, inaalala lahat, pilit iniintindi kung saan ka nagkulang…
Habang siya? Parang wala lang. Parang hindi niya winasak yung taong totoong nagmahal sa kanya.
Ang sakit isipin na habang ako, seryoso, totoo, at handang ayusin ikaw pala, pinagtatawanan nalang ako. Parang biro lang yung puso ko. Parang entertainment lang yung tiwala ko. Parang wala lang yung mga luha ko.
At mapapatanong ka nalang talaga…
“Bakit parang ako pa yung naging kontrabida?” “Bakit ako pa yung mukhang galit?” “Bakit ako pa yung parang may kasalanan… eh ako naman yung niloko, sinaktan, at binalewala?”
Siguro kasi… kapag ikaw yung napuno, kapag ikaw na yung lumayo, bigla kang nagmumukhang masama sa kwento nila kasi first time mong pinili yung sarili mo kaysa sila.
Pero eto yung totoo:
Hindi ako masama dahil umalis ako. Nasaktan lang ako nang sobra, hanggang sa wala nang natira sakin kundi piliin yung sarili ko.
At oo… binlock kita. Hindi para gumanti. Kundi dahil yun nalang yung paraan para pigilan yung sarili kong paulit-ulit masaktan sa taong alam kong hindi na kayang alagaan yung puso ko.
Kasi minsan, closure doesn’t come from their apology. Minsan, closure comes from accepting na baka hindi mo na talaga maririnig yung “sorry” na deserve mo.
At yun yung pinaka masakit… yung tanggapin na yung taong sumira sayo, baka hindi man lang makaramdam ng bigat na dala-dala mo araw-araw.
Pero balang araw, hindi ko na hahanapin yung sorry mo. Hindi ko na hihintayin yung regret mo.
Kasi yung pagkawala ko sa buhay mo… yun na mismo yung magiging consequence ng ginawa mo.
At kapag dumating yung araw na marealize mo kung gaano katotoo yung minahal mo… wala na ako.
Kasi this time, pinili ko naman yung sarili ko. 🖤