
13/02/2025
"Ten Million Pesos...kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!' Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig. Hindi ako makapaniwa.
Pumunta lang ako sa mansyong ito upang mag-apply bilang isang kasambahay, ngunit hindi ko inakala na sasabihin sa akin ng matandang babaeng punong-puno ng alahas ang ganoong bagay.
"Eeerrr Mam, katulong po ang ina-aplayan ko. Hindi po para maging asawa." nanginginig kong sagot. Natigilan ito at seryoso akong tinitigan. Pagkatapos ay gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito.
"Naghahanap ka ng pera diba? Bibigyan kita ng Ten Million pesos ngayun din pakasalan mo ang apo ko!" ulit nito. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para masigurado kong nanananginip ba ako
"Lorna, kunin mo ang tseke sa kwarto!" narinig kong utos nito sa babaeng nasa likod nito. Agad naman itong tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Madam habang hindi inaalis ang titig sa akin.
"Tumakas ang bride ng apo ko. Naka-set na ang kasal mamayang alas tres ng hapon sa garden. Napansin mo naman siguro ang mga decoration sa labas diba? Hindi ko maatim na mapapahiya ang apo ko sa madla dahil sa kagagawan ng malading si Ingrid. Kaya pumayag ka na, after ng kasal malaya ka ng bumalik sa pinggalingan mo dala ang pera na ibabayad ko sa iyo." mahabang wika nito. Halos hindi naman ako makapaniwala sa offer na binibigay nito sa akin.
Kung sakaling papapayag ako ng maikasal sa apo nito tiyak na maggiging instant millionaire kami sa probensiya. Mabibili namin ang isang lupain na binibenta ng aming kapitbahay. Hindi na din kailangan pang mamasukan akong katulong dito sa Maynila at maipagpapatuloy ko na ang aking pag-aaral.
"Ehhhh Mam, baka naman po scam ito ha?" wala sa sarili kong sagot. Huli na ng maisip ko ang bagay na iyun kaya naman agad akong napakagat ng aking labi. Minsan talaga ang bunganga ko hindi mapigilan.
"Dont worry...this is not scam Ashley. Ihahanda ko na ang tseke ngayun din at isuot mo na ang damit pangkasal na para sa lintik ng Ingrid na iyun. Wala ng panahon pa para sa mahabang pag-uusap na ito. Sabihin mo sa akin kung pumapayag ka at susulatan ko na ang tseke na ito kapalit ng pagpayag mong maikasal sa apo ko. Sa nasabi ko na, after the wedding, malaya kang makaalis sa lugar na ito na parang walang nangyari dala ang ibinayad ko sa iyo." nakangiti nitong sagot. Halatang magaling mangumbinsi si Madam. Kanina lang ay halos gusto na nitong kumain ng tao at bumuga ng apoy dahil sa galit ngayun naman parang ang bait-bait nito. Wala sa sariling napatango ako.
Choosy pa ba ako? Pera na ito! Matutupad lahat ang pangarap ko kung sakali. Magiging proxy lang naman ako sa kasal na ito at tsaraan instant milyones na! Para akong nakajackpot sa lotto kung sakali.
"Great! Since nagkasundo na tayo, ibibigay ko na sa iyo ang kabayaran. Baka maging busy ako mamaya at makalimutan kong ibigay sa iyo ito. Gusto ko lang din ipakita sa iyo na may isang salita ako Ashley!" Wika nito at agad na sinulatan ang tseke na ibinigay kanina ng kanyang kasambahay. Napalunok ako ng makailang beses ng makita ko mabilis nitong pagsulat at pagpirma.
This is it pancit! After ng kasal, mayaman na kami! Uuwi agad ako ng probensiya pag-alis ko dito.
"Here! take this! Ten Million Pesos no more, no less!" Nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng tseke. Nanginginig naman ang aking kamay na inabot ito at agad na ipinasok sa dala kong bag.
"Well done! Sumama ka sa akin. Kailangan mo ng maayusan dahil wala na tayong time. Ano mang sandali ay darating na ang mga bisita at ang pari na magkakasal sa inyo. Uumpisahan na agad ang kasalan kaya kailangan mo ng maayusan." wika nito pagkatapos ay sinipat ang suot na relo. Muli akong napalunok at habang nakasunod sa kanyang likod. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap.
"Ayusan niyo siya! Papalitan niya si Ingrid kaya ipasuot niyo sa kanya ang damit pangkasal na iyan." agad na utos ni Madam sa tatlong bading na naabutan namin dito sa isang kwarto. Agad na tumampad sa mga mata ko ng isang napakagandang wedding gown na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita. Katulad ng chandelier sa labas puno ng nagkikislapang dyamante ang kabuuan ng gown.
"I think kailangan mo munang maligo Miss bago ka namin ayusan para naman presko ka bago mo isuot ang gown na iyan." napukaw ako sa sinabi ng binabae sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala dahil ng iikot ko ang paningin sa buong paligid wala na si Madam.
"Baka po mapasma ako...galing po ako sa initan kanina.." wala sa sarili kong sagot. Nakita ko naman na pigil na matawa ang mga kaharap ko. Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagkapahiya. Pagkatapos ay tumango at inilapag sa isang sulok ang hawak kong bag.
"Sa-saan po ang banyo?" tanong ko. Tipid naman na ngumiti ang kaharap ko at itinuro nito ang nakasarang pintuan. Bantulot pa akong pumasok sa loob at dahil kita kong naiinip na ang mga kaharap ko dali-dali ko ng sinara ang pintuan ng CR at agad na naligo.
"Bahala ng mapasma basta may Ten Million pesos ako.