07/08/2026
DELIKADO BA?
Kung isa kang tao na mahilig mag adventure gaano kalaking risk yung willing ka i-take sa pag aadventure mo?
Share ko lang sa inyo experience ko, madami mdami na din akong napuntahan kung saan saan, pero hindi ko pa din kinu-consider yung sarili ko as hardcore adventurer, nandun pa alng ako siguro sa level 1 kung ire-rate ko yung sarili ko. Sobrang daming oras pa din yung nilalagay ko kasi sa pag-aaral at research bago ko gawin yun yung isang bagay.
Bago ako pumunta sa isang lugar, pinaghahandaan ko yan muna, bukod sa mga necessery info dun sa lugar hinahanda ko din yung mga skills na kailangan ko just in case magka aberya. Tapos, icoconsider ko din yung reward na makukuha ko dun sa adventure, at tatanungin ko yung sarili ko kung "WORTH IT" ba yung RISK para sa adventure na to?
Sa case natin, hindi lang tayo basta nagpupunta sa isang lugar, ang goal natin na makuha yung epic moment sa pagkuha ng litrato, kaya ang risk ay hindi lang yung sarili natin, may risk din sya sa mga equipment na investment natin na kailangan ko din iconsider.
So ang tanong gaano kalaking risk yung willing ko itake pag nag aadventure ako? Para sakin, dapat hindi lalampas yung risk sa 50%, pag lumampas doon hindi na ako tumutuloy. I always follow my gut-feeling always. Bakit 50%? Baka sabihin ng iba masyadong mataas ang 50%, para sakin hindi po, diba nga sabi nila "we only have today, tomorrow is not a promise" π
So kahit may gawin ka man o wala hindi ka sure kung may bukas ka pa, hindi ka 100% sure dun, at yun ang katotohan sa universe.
Kaya kung gusto mo din mag adventure at hindi mo pa din sinisimulan, e ang tanong kailan mo pa sisimulan yan? Gawin mo na, wag mo na hintayin na manghina yang katawan mo at yung pagdating ng tamang panahon na ilang taon mo na hinintay, kasi baka hindi na yun dumating.
Boring ang kwento ng buhay kung walang adventure lalo na kung may kakayahan ka naman. Syempre wag mo din kalimutan kuhaan ng litrato, dahil mas maganda ang kwento kung may kasamang litrato... litrato na kuha mo π