22/11/2025
₱107 BILLION NG PDIC GINAMIT SA FLOOD CONTROL?!
Tila nagngingitngit sa galit ang abogado at Geronimo Law founder na si Russell Stanley Geronimo matapos mabunyag na kinuha umano ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱107 bilyon mula sa reserba ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) para pondohan ang 2024 unprogrammed funds na ginamit sa mga flood control projects — na ngayo’y inuugnay sa kaliwa’t kanang anomalya.
Ayon kay Geronimo, halos one-third ng pondo ng PDIC ang nabawas nang ilipat ang ₱107 bilyon sa National Treasury, dahilan para bumagsak ang deposit insurance coverage mula 8.8% tungo sa 5.5%.
“Rebranded pork barrel fund”
— ayon sa kanya, ang 2024 unprogrammed appropriations ay tila bagong mukha lamang ng dating pork barrel.
Idinagdag pa niya na mula sa dating humigit-kumulang ₱310 bilyon noong 2023, bumaba ang pondo ng PDIC sa ₱203 bilyon matapos ang cash sweep. Babala niya, sakto na lamang ito para masakop ang insured deposits kung may isa sa pinakamalalaking bangko ang biglang bumagsak — isang sitwasyong maaaring magdulot ng peligro sa buong banking system.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, mismong DBM umano ang umamin na ang ₱107 bilyon ay ginastos para sa unprogrammed flood control projects, habang ang kalihim ng Department of Finance ang nagsabing may hanggang ₱118 bilyon na maaaring nawaldas sa mga ghost project noong 2023 — isang halaga na halos katumbas ng kinuha mula sa PDIC.
Dahil dito, nanawagan si Atty. Geronimo na magpaliwanag ang DBM kung paano eksaktong nagamit ang ₱107 bilyon, at linawin ng PDIC kung sapat pa ba ang reserbang dapat sana’y nagbibigay-proteksyon sa pera ng depositors .
Limang business groups na rin ang umapela na ibalik ang pondo ng PDIC sa 2026 national budget, dahil ang pagtapyas nito ay nagdulot umano ng pangamba sa financial stability at sa tiwala ng publiko sa banking system.