26/10/2025
BINIGYAN KA NGA NG LALAKING TAPAT, PERO HINDI MARUNONG UMINTINDI NG NARARAMDAMAN MO. 😂
Minsan, akala natin sapat na ang katapatan. Pero habang tumatagal, mapapansin mong may kulang. Hindi niya naririnig ang tahimik mong pagod, hindi niya napapansin ang mga luha mong pilit mong tinatago. Tapat nga siya, pero parang hindi niya alam kung paano maging kasangga sa emosyon mong araw-araw mong nilalabanan.
Ang hirap, di ba? Kapag gusto mo lang naman maramdaman na naiintindihan ka rin. Yung kahit hindi mo sabihin, ramdam pa rin niya. Pero sa halip, kailangan mo pang ipaliwanag ang bawat lungkot, bawat tampo, bawat dahilan kung bakit ka nananahimik.
Kasi minsan, hindi lang pagiging "loyal" ang sukatan ng pagmamahal. Kailangan din ng malasakit, effort, at empathy. Yung marunong umintindi kahit hindi mo sabihin, yung alam kung kailan ka kakapitan, hindi yung puro "basta mahal kita" lang.
Napapagod din kasi yung palaging umaintindi. Yung ikaw na nga yung laging nagbibigay, ikaw pa rin ang kailangang magpaliwanag. Ang sakit kapag ikaw pa ang lumalabas na masama, kahit ikaw na nga ang sumusubok intindihin ang lahat.
Pero tandaan mo, hindi mo kailangang tiisin ang hindi pantay na pag-unawa. May taong kaya kang mahalin nang buo, hindi lang sa tapat na paraan kundi sa marunong ding makinig, umintindi, at maramdaman ka. Sa tamang oras, darating din yung taong hindi mo kailangang turuan kung paano ka pakiramdaman.
゚ ccto.