SMB NPJN SAB

SMB NPJN SAB SMB NPJN SAB MANILA

Maligayang ika-labing anim na anibersaryo SMB-NPJN!    -bahay
04/05/2026

Maligayang ika-labing anim na anibersaryo SMB-NPJN!



-bahay

Paanyaya:Magandang araw mga kapatid sa kapatiran ng Nuestro Padre Jesus Nazareno Kayo po ay aming inaanyayahan para sa g...
02/05/2026

Paanyaya:

Magandang araw mga kapatid sa kapatiran ng Nuestro Padre Jesus Nazareno Kayo po ay aming inaanyayahan para sa gaganaping Manianita sa ganap na alas kwatro ( 4:00pm) ng hapon sa Home base Oro B bukas( May 03, 2026), Para sa pagdiriwang ng ika-labing anim na anibersaryo ng P**ng Hesus Nazareno Samahang Magkakapit Bahay.❤️🙌🏻

Dalangin ko na tayong mga nananampalataya ay patuloy na bigyan lakas ng pangangatawan at masaganang buhay ng ating mapaglingkudan ang P**n habang buhay. Dalangin den para sa bawat isa na tayo ay gabayan para sa ating tatahaking landas sa pang araw araw na gawain🙏🏻

MABUHAY AT MAG IINGAT TAYONG LAHAT!

VIVA POONG HESUS NAZARENO!

VIVA SENIOR SMB! Smb Npjn Sab Manila

HAPPY 16th Years Anniversary!❤️♥️




He is Risen! Hallelujah, Hallelujah! Happy Easter mula sa  Samahang Magkakapit-bahay!
04/04/2026

He is Risen! Hallelujah, Hallelujah!

Happy Easter mula sa Samahang Magkakapit-bahay!


Mateo 28:6-86 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hini...
04/04/2026

Mateo 28:6-8

6 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hinimlayan niya. Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”

8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.

SI KRISTO AY MULING NABUHAY! ✨✨♥️





SABADO DE GLORIA 🖤 Isang araw ng paghihintay at pagninilay, habang inaalala natin ang paghimpil ng katawan ni Hesus sa l...
04/04/2026

SABADO DE GLORIA 🖤

Isang araw ng paghihintay at pagninilay, habang inaalala natin ang paghimpil ng katawan ni Hesus sa libingan.

"Malapit na ang katapusan ng lahat ng bagay. Kaya maging mapagmatyag at matino ang pag-iisip upang kayo ay makapanalangin. Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, dahil ang pag-ibig ay nagtatakip ng napakaraming kasalanan." (1 Pedro 4:7-8 / Katulad na mensahe sa Mateo 28:6).





Matapos tanggapin ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na.” Pagkatapos, yumuko siya at isinuko ang kanyang espiritu....
03/04/2026

Matapos tanggapin ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na.” Pagkatapos, yumuko siya at isinuko ang kanyang espiritu. JUAN 19:30

Ngayong araw ng Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon kung saan tayo ay pinapaalalahan ni Kristo sa kanyang huling mga sandali ng kanyang buhay na matututo tayo magsakripisyo,magmahal na walang kapalit at patuloy na manalig at magkaroon ng pag-asa sa gitna ng bawat pasakit.





Ang Huwebes Santo (Maundy Thursday) ay ang ikalimang araw ng Mahal na Araw na gumugunita sa Huling Hapunan ni Hesus kasa...
02/04/2026

Ang Huwebes Santo (Maundy Thursday) ay ang ikalimang araw ng Mahal na Araw na gumugunita sa Huling Hapunan ni Hesus kasama ang mga apostol. Dito itinatag ang Banal na Eukaristiya, ang paghuhugas ng paa bilang simbolo ng pagpapakumbaba, at ang pananalangin sa Getsemani. Ito ay nagtatampok sa pagmamahal at paglilingkod.

Magmahalan kayo sa isa't isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo." (Juan 13:34) - Ang "Bagong Utos" o Mandatum.

Ang paglilingkod na may pagmamahal: Isang hapag, isang tinapay, at isang puso.

Sa gitna ng katahimikan ng Huwebes Santo, muling sumisigaw ang mensahe ng pagmamahal ni Kristo.





Ang Miyerkules Santo (Holy Wednesday o Spy Wednesday) ay ang ikaapat na araw ng Mahal na Araw na nagpapaalala sa pagtata...
01/04/2026

Ang Miyerkules Santo (Holy Wednesday o Spy Wednesday) ay ang ikaapat na araw ng Mahal na Araw na nagpapaalala sa pagtataksil ni Hudas Iscariote kay Hesus kapalit ng 30 pirasong pilak. Ito ay panahon ng pagninilay sa katapatan, kahinaan ng tao, at pagtalikod sa kasalanan.

Mahahalagang Kaganapan at Kahulugan:
Pagtataksil ni Hudas (Spy Wednesday): Tinawag itong Spy Wednesday dahil sa araw na ito nakipagkasundo si Hudas sa mga pinunong saserdote upang ipagkanulo si Hesus.
Pagpapabango kay Hesus: Ginugunita rin ang pagbuhos ni Maria ng Betania ng mamahaling pabango sa ulo ni Hesus, na sumisimbolo sa paghahanda sa Kanyang libing.
Pagninilay: Hinihimok ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang sariling mga desisyon at huwag magpadala sa tukso o pansariling interes.






ANG KAHULUGAN NG (MARTES SANTO)Ang Martes Santo (Holy Tuesday) ay ang ikatlong araw ng Semana Santa na nag-aalaala sa mg...
31/03/2026

ANG KAHULUGAN NG (MARTES SANTO)

Ang Martes Santo (Holy Tuesday) ay ang ikatlong araw ng Semana Santa na nag-aalaala sa mga huling araw ni Hesus bago ang Kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Nakatuon ito sa pagpapahayag ni Hesus sa pagtataksil ni Judas at ang pagtatatwa ni Pedro, na sumisimbolo sa kahinaan ng tao ngunit nagpapakita ng walang hanggang awa ng Diyos





31/03/2026

MAGANDANG TANGHALI MGA KAPATID!

Announcement:

GRAND POSSESSION / STATION OF THE CROSS

CALLTIME: 2:00pm ( HOMEBASE ORO )
PASANAN: 3:00pm

Address

2350 Tenori Street San Andres Bukid
Manila
1017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMB NPJN SAB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share