11/03/2026
Kilala mo na ba talaga ang sarili mo?
Ang mga taong may pinakamababang chance na umasenso, kadalasan sila yung akala nila kilala na nila ang sarili nila.
“Ganito lang ako.”
“Hanggang dito lang kaya ko.”
“Hindi ko kaya yan.”
Pero ang totoo…
Hindi pa nila talaga nasusubukan ang sarili nila.
Paano mo masasabi na kilala mo na ang sarili mo kung hindi ka pa dumadaan sa mga sitwasyon na susubok sa’yo?
Nasubukan mo na bang pumunta sa ibang bansa mag-isa, na halos wala kang kilala at limitado lang ang pera mo?
Nasubukan mo na bang mamuhay mag-isa, na ikaw lahat ang sasagot sa renta, pagkain, bills, at lahat ng kailangan mo para mabuhay?
Nasubukan mo na bang gumawa ng desisyon na kontra sa pamilya, sa partner, at sa mga kaibigan mo, pero alam mong iyon ang tamang gawin para sa sarili mo?
Karamihan sa mga tao…
hindi pa.
Kaya karamihan din sa kanila hindi pa talaga kilala ang sarili nila.
Hindi mo nakikilala ang sarili mo sa kaka-isip at kaka-imagine.
Nakikilala mo ang sarili mo kapag may:
• pressure
• risk
• bagong environment
• at mga problemang kailangan mong lampasan.
Hindi mo madidiscover kung sino ka sa comfort zone.
Doon mo nakikilala ang sarili mo kapag napipilitan kang maging mas matibay kaysa dati.
Ang tunay na malakas na tao, hindi tumatakbo sa challenge.
Hinaharap niya ito.
Kasi sa bawat problemang nalalagpasan mo…
may bagong version ng sarili mo na lumalabas — isang version na hindi mo pa kilala dati.