25/10/2025
SPORTS: CASIMERO TALO KAY KAMEDA VIA UNANIMOUS DECISION
Matapos ang halos isang taong pagkawala sa boxing ring, nabigo si John Riel βQuadro Alasβ Casimero sa kanyang pagbabalik matapos talunin ng Japanese boxer na Kyonosuke Kameda via unanimous decision nitong Sabado ng gabi (Manila time) sa Bishkek, Kyrgyzstan.
Mas maingat at taktikal ang naging galaw ni Kameda, dahilan para makuha niya ang pabor ng tatlong hurado matapos ang 10 rounds.
Sa panalong ito, umangat ang record ng 27-anyos na boksingerong Hapon sa 16-5-2, habang bumagsak naman si Casimero sa 34-5-1.
π Bagamaβt agresibo at determinado si Casimero sa paghahabol sa kalaban, nanaig ang diskarte ni Kameda sa buong laban.
Photo courtesy: BOXINGSCENE