01/05/2025
G**O, HINDI HINAYAANG MAG MARTSA SA ENTABLADO ANG ISANG ESTUDYANTENG NAKA 'SCOTCH-TAPE' LANG ANG SAPATOS!
Viral ngayon sa social media ang kwento ng tunay na kabayanihan ng isang g**o sa Zamboanga City matapos tulungan ang estudyanteng may sirang sapatos sa mismong araw ng kanyang graduation.
Habang nakapila si Rey Paul Daval para umakyat sa entablado ng Labuan Elementary School, napansin ni Sir Christian Carpio na tinalian lamang ng scotch tape ang kanyang sapatos. Sa halip na hayaan ang estudyante na mawalan ng dignidad sa isa sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay, hinubad agad ni Sir Carpio ang kanyang sariling sapatos at ipinasuot sa bata.
Bukod pa rito, tumulong din si Teacher Doris sa isa pang mag-aaral na may kaparehong sitwasyon, habang si Teacher Vanessa naman ang unang nagbahagi ng kwento sa Facebook na agad namang nag-viral.
Pinuri ng netizens ang kabutihang loob at malasakit ng mga g**o, na sa kabila ng simpleng aksyon ay naipamalas ang tunay na diwa ng edukasyon—ang pagbibigay ng dignidad, pag-asa, at pagmamahal sa bawat batang nangangarap.
Sa mga panahong ang tagumpay ay kadalasang nasusukat sa medalya o diploma, pinaalala ng mga g**ong ito na minsan, sapat na ang isang pares ng sapatos upang may matupad na pangarap.
ITO ANG BIDYO NG KANILANG GRADUATION 👇🎥➡️ https://tinyurl.com/bdh5rj3f