20/06/2026
'Hindi ako mag-play sa ego niya'
Binatikos ni Senator Ping Lacson si Senator Rodante Marcoleta matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa isang pagdinig ng Commission on Appointments kaugnay ng kumpirmasyon ng mga promosyon sa Armed Forces of the Philippines at foreign service officials.
Ayon kay Lacson, hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Marcoleta na bawiin ang kanyang manifestation.
“Ano siya, hilo? Ang gusto niya, ego 'yan eh... Hindi ako mag-play sa ego niya,” ani Lacson.
Dagdag pa niya, madalas umanong ipilit ni Marcoleta ang kanyang posisyon at hindi ito nakikinig sa paliwanag ng iba.
“Kilala naman natin siya. Basta maipilit ang kanya, 'yan ang tama. Ayaw niya makinig ng explanation, ayaw niya makinig ng reason,” dagdag ng senador.