20/05/2026
Bago mo tingnan yung nasa Comment Section basahin mo muna to Papi. โค๏ธ
โ Dati, franchisee lang din ako. Dumaan ako sa punto na sobrang nangangapa, puno ng pangarap at gustong mapalago ang negosyo. Pero sa totoo lang, naranasan ko rin kung paano pabayaan at iwan lang ng dati kong franchisor. Yung tipong matapos makapag-franchise, parang bahala ka na sa lahat. Walang tunay na gabay, walang malasakit, at walang effort para tulungan kang lumago.
At dahil sa experience na yun, doon ko sinabi sa sarili ko na kapag dumating yung panahon na ako naman ang maging franchisor, hinding-hindi ko ipaparamdam sa mga business partners ko yung naranasan kong pag-iisa noon.
โ
Kaya ngayon, hindi ko tinitingnan ang mga franchisee bilang basta negosyo lang. Tinitingnan ko sila bilang mga taong may pangarap din, may pamilya ring gustong iangat, at mga taong nagtitiwala sa amin. Kaya hanggaโt kaya namin, nandito kami para umalalay, tumulong, magturo, at makipagtulungan para sama-sama nating mapalakas ang bawat branch.
Napakasarap sa pakiramdam kapag nakakabasa kami ng appreciation at magandang feedback mula sa ating mga franchisee. Yung respeto at tiwala nila, malaking bagay yun para mas lalo kaming ganahan na pagbutihin pa ang lahat.
At syempre, napakahalaga rin ng maayos na communication, pagtutulungan, maayos na pananalita, at pagsunod sa mga kailangan nating gawin para mas mapaganda ang bawat branch. Dahil kami mismo ang nakakakita kung gaano kaganda ang resulta kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang lahat.
Sa food business, hindi puwedeng pairalin lagi ang emosyon. Kailangan dito ng patience, professionalism, consistency, at teamwork. Dahil ang goal natin ay hindi lang basta kumita, kundi sabay-sabay lumago at magtagumpay.
Hindi ako perpekto at hindi rin pinakamagaling. Pero sa paraan ng pagle-lead namin ngayon, alam kong may magandang resulta. At masarap makatulong, lalo na kapag naa-appreciate ng mga tao ang lahat ng effort, pagod, at malasakit na ginagawa namin araw-araw.
Oo, hindi naman mawawala na may ilan ding hindi na ganoon ka-appreciative habang tumatagal. Pero okay lang yun. Mas pipiliin pa rin naming mag-focus sa mga taong nakikita at naa-appreciate ang tunay naming malasakit at sakripisyo.
Dahil para sa amin, hindi sapat na franchisor ka lang. Mas mahalaga pa rin yung marunong kang maging leader, partner, at taong maaasahan ng team mo.
Maraming salamat sa lahat ng business partners namin na patuloy na nagtitiwala at lumalaban kasama namin araw-araw. ๐ช๐ป๐๐๐ปโจ
Hataw Lang, galingan pa sa Marketing at Operations! ๐ฅ