30/08/2025
“ALAM KONG MALI NA NAHULOG AKO SA PINSANG BUO KO, PERO…”
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘to kasi hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tanggapin. Pero salamat sa page nya, may mapagsasabihan ako ng kwento ko. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig yung sa kwentuhan ng family namin na may "generational curse" daw kami… kasi halos kada generation talaga, may magpipinsan na nagkakagustuhan, tapos sa bandang huli, sila pa rin ang nagkakatuluyan, may mga pinsan pa akong nagkakaanak pa sa isa’t isa. Noon, mejo nandidiri at hindi ko talaga maintindihan, kasi alam ko na bawal yun, sa batas ng tao at kasalanan yun sa Diyos… Pero ngayon? Tang*na, hindi ko akalain na ako na pala ‘yung susunod.
Lumaki kami ni P na parang magkapatid, magpinsang buo kami kasi parehong nanay namin ay magkapatid. Magkakasama kami sa lahat… birthday, field trip, sleepover, out-of-town, kahit mga simpleng tambay sa bahay ng lola. Compound kasi yung bahay namin. Lahat ng magkakapatid sa side ng lola ko sa mama ko, magkakasama sa bahay. Alam ninyo na... typical na extended family sa pilipinas. Mas close pa nga kami kaysa sa tunay kong kapatid. High school nung una kong napansin na iba yung titig niya, habang tumatagal, parang nag-iiba ‘yung kilos nya. Mas naging malambing, mas maalaga, mas present sa lahat ng bagay. Ako naman, engot. Hindi ko agad na-realize na baka nga ako rin, unti-unti nang nahuhulog.
Hanggang sa umabot sa point na kami na tahimik lang, walang label, walang kahit anong commitment, pero alam namin pareho na “kami.” May mga simpleng hawak ng kamay sa dilim ng kwarto habang may family gathering, may mga palihim na chat na puro “ingat ka ha” o “miss na kita” kahit kakakita lang namin nung isang araw. Naghahalikan na din ng palihim... Pero dumating din yung araw na nabuking kami. Sa isang birthday, may nakakita sa amin. Kumalat agad sa mga matatanda at nagkagulo. Binugbog ako ni Papa. Si P, sinugod ng tatay niya. So pinaghiwalay kami ng bahay. Bawal na kaming magkita. Bawal magchat. Bawal lahat.
Pero alam mo ‘yung masakit? Kahit bawal, hindi kami natapos. Mas lalo kaming naging marupok. Mas naging totoo… may nangyayari na sa amin… kaya mas naging mahirap kumawala. Yung totoo, masarap ngayon pero nakakakonsensya.
Minsan naiisip ko, sumpa ba talaga ‘to gaya ng sinasabi nila? O baka kami lang yung mga taong minahal ang mga taong hindi dapat. Pero kung pagmamahal nga ‘to... bakit ganito kasakit? Bakit ganito nakakahiya?
Habang kausap ko siya, iniisip ko at alam ko na kasalanan pa rin ‘to. Mali pa rin kahit gaano namin kamahal yung isa’t isa. Hindi ko alam kung love ba talaga ‘to, o sumpa na hindi ko kayang labanan. Sabi nya, tiis lang kasi alam niya kagaya ng mga pinsan namin sa mga nakaraang henerasyon, “matatanggap” din naman kami…
Minsan iniisip ko, dapat ba akong lumayo para matapos na? O baka naman totoo ngang may pattern na kami at kahit pilitin kong putulin, babalik at babalik pa rin ako sa kanya. Ang hirap kasi… kung sa puso ko, siya na talaga. Pero sa utak ko, mali lahat ng ‘to.
Ilalaban ko pa ba, or isusuko ko na…?