28/08/2025
Alert mga guys
Naalarma si Sen. Idol Raffy Tulfo sa malaking bantang hatid sa ating national security ng Counter-Espionage Law at National Intelligence Law ng China kung saan obligado dito ang lahat ng Chinese nationals na mag-espiya para sa Tsina.
Kaya ang tanong ni Sen. Raffy sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa hearing ng Committee on National Defense: Paano na lamang ang mga Tsinong nabigyan ng 9(G) o work visa sa Pilipinas? Namomonitor din ba nila ang galaw ng mga ito?
Isang halimbawa ni Sen. Idol ang mga Chinese teachers na nagtuturo sa ilang kilalang paaralan sa bansa na nagpapalaganap ng Chinese influence at disinformation ukol sa West Philippine Sea.
Dahil dito, inobliga ni Sen. Tulfo ang ISAFP na makipagsanib-pwersa sa Bureau of Immigration (BI) at makaroon ng monitoring system sa mga Chinese nationals na papasok ng bansa para suriing mabuti ang totoong pakay nila sa pagpunta sa Pilipinas. Sinang-ayunan naman siya ng ISAFP.