Mark Anthony Pens

Mark Anthony Pens “Sa likod ng ngiti ay may kalungkutan,
ngunit hindi ito handlang para itigil ang kapalaran.”
-MAP

‎Mahikang Ganda‎nina: Mark Anthony & Lesmel ‎‎Dalagang aking nakilala, noong ikaw ay unang makita,‎ang puso ko ay nababa...
24/12/2025

‎Mahikang Ganda
‎nina: Mark Anthony & Lesmel

‎Dalagang aking nakilala, noong ikaw ay unang makita,
‎ang puso ko ay nababalisa sa tuwing ika'y lumalapit.
‎Sa oras na kausap ka hindi ko alam ang aking nadarama,
‎kahit sa pagtulog sa gabi presensiya mo ang hinahanap.

‎Ang nakasaradong paniha ay muling nabuksan ng matagpuan ang isang tulad mo,
‎ikaw na aking sinisinta ang ninanais na makasama hanggang sa pagtanda.
‎Wala ng makakahadlang na alagaan ka.
‎Sana pagbigyan ni Bathala ang kahilingan ng puso.
‎✍🏻Mark Anthony

Wala na akong ibang hinahangad kundi ang makasabay ka sa bawat bangkang sinasakyan,
hawak-hawak ang mga kamay mong puno ng pag-alalay.
Ikaw ang estrelyang sa mga mata ko‘y nakakaakit,
tinatanaw ka habang bumubuo ng iba‘t ibang imahe na balang-araw magkakaroon din ng sariling istorya.

Dinadala ako palagi sa iyong bisig,
hindi ko batid kung bakit!
Kusang nararamdaman ng damdamin,
ang mahalin ka at hintayin.
✍🏻Lesmel



Litrato: Pinterest

‎𝗧𝗶𝗻𝘂𝗹𝗱𝘂𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗿𝗼𝗴‎‎𝗞𝗼𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝗻𝗮: 𝗟𝗲𝘀𝗺𝗲𝗹 & 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 ‎‎‎Paano magiging payapa ang nararamdaman,‎kung hanggang...
24/12/2025

‎𝗧𝗶𝗻𝘂𝗹𝗱𝘂𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗿𝗼𝗴

‎𝗞𝗼𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝗻𝗮: 𝗟𝗲𝘀𝗺𝗲𝗹 & 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆


‎Paano magiging payapa ang nararamdaman,
‎kung hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang ating sinimulan?
‎Sinimulan na ngang tapusin ang pagmamahalan,
‎ngunit ang gunita ay kayhirap pakawalan.
‎-𝐋𝐞𝐬𝐦𝐞𝐥✍🏻

‎Bakit nahihirapang kalimutan ang mga alalala na bitbit ng ating pagmamahalan,
‎'di ko na alam kung paano pa sisimulan.
‎Pag-ibig na parang naglalaro sa ulan—simula ng iyong iniwan.
‎Bakit hangang ngayon sakit ay patuloy pa rin nararanasan?
‎-𝐌𝐚𝐫𝐤✍🏻

‎Ikaw ang nag-iisang kasiyahang naging dahilan kung bakit naging luhaan,
‎umaasang may patutunguhan din ang pinaglalaban,
‎bumitaw ka na sa ating tagpuan,
‎masakit man—nararapat na kitang bitawan.
‎-𝐋𝐞𝐬𝐦𝐞𝐥 ✍🏻

‎Sa mga panahon na dapat na kitang bitawan,
‎bakit patuloy pa rin kitang pinaglalaban,
‎masisiglang memorya ay napalitan ng kalungkutan,
‎tuldok ng ating pagmamahalan ay mananatili nalang talaga sa isang nakaraan.
‎-𝐌𝐚𝐫𝐤 ✍🏻



"KANLUNGAN"‎‎Sa panahon na ako ay nahihirapan,‎Ikaw Panginoon ang 'lagi kong nalalapitan,‎sa mundong puno ng kalungkutan...
24/12/2025

"KANLUNGAN"

‎Sa panahon na ako ay nahihirapan,
‎Ikaw Panginoon ang 'lagi kong nalalapitan,
‎sa mundong puno ng kalungkutan ikaw lang ang S'yang nasasandalan,
‎kapatawaran na Iyong binigay sa aking maitim na kasalanan,
‎sa aking munting tahanan Ikaw ang palaging kanlungan.

‎Malupit na nakaraan na nagdadala sa akin hanggang kawalan,
‎tila puso ay nahihirapan sa sakit
‎na aking nararamdaman,
‎pag-ibig ng Diyos ay aking naranasan,
‎naging daan para matutong lumaban,
‎buhay ay nabibigatan, ang Diyos lang ang nagbibigay kaginhawahan.

‎Problemang kayhirap malampasan,
‎sa tulong N'ya ay aking nakamtan.
‎Diyos na makapangyayarihan at may lalang ng sanlibutan,
‎pangako Mong buhay na walang hangan
‎sisikapin na makamtan,
‎patnubay Mo ay patuloy kong pahahalagahan.

‎Sa tahanan Mo, doon ay wala ng kalungkutan.
‎Pati mga karamdaman,
‎doon sa langit na bayan tuwa ang mararanasan,
‎kasalanan na Iyong na iwan ay
‎dadalhin sa hukuman,
‎mga nagawa Mong kabutihan ay may pangako na buhay na walang hanggan,
‎ang Diyos ay ang tapat nating kaibigan
‎at sya ang ating kanlungan.


‎ ✍️

"Huling Talata"Kolaborasyon nina Mark Anthony Paño & Lesmel Imperial Quindong‎‎Sa una natin na pagkikita‎ako'y lubos na ...
24/12/2025

"Huling Talata"
Kolaborasyon nina
Mark Anthony Paño & Lesmel Imperial Quindong

‎Sa una natin na pagkikita
‎ako'y lubos na natuwa,
‎at sa araw na kausap ka
‎mukha ay hindi na maipinta,
‎napapatanong kung kumain kana
‎at sinundan ng kumusta ka.
‎✍🏻Mark Anthony

Sa bawat minuto walang ibang iniisip kundi ikaw,
kahit sa pagtulog,
ikaw ang nilalaman ng panaginip,
unti-unti na nga bang nahuhulog?
✍🏻Lesmel

Ako ay naguguluhan
kung ipagpapatuloy pa ba ang nararamdaman?
Dahil ang puso ay may madilim na nakaraan
na kay hirap kalimutan,
sa pagtigil ng ulan
tuluyan ng matatapos ang sinimulan.
‎✍🏻Mark Anthony

Malamig na komunikasyon na lamang ang matatanggap,
dahil ako na mismo ang nagpahinto ng aking paghalakhak.
Hanggang dito na lang din siguro ang pagmamahal,
sapagkat ang pag-ibig ay sugat na hindi na nararapat na maramdaman.
✍🏻Lesmel



Address

Zone 1 San Vicente Pamlona Cam. Sur
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mark Anthony Pens posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share