Newsblast Digital

Newsblast Digital Mga maiinit na balitang kinalap at tinutukan ng SMNI Integrated News and Public Affairs!

13-ANYOS NA BATA, NAS*WI SA PAGKALUNOD SA BAMBAN RIVERIsang 13-anyos na batang lalaki mula sa Barangay Tabun, Mabalacat ...
15/08/2026

13-ANYOS NA BATA, NAS*WI SA PAGKALUNOD SA BAMBAN RIVER

Isang 13-anyos na batang lalaki mula sa Barangay Tabun, Mabalacat City ang nasawi matapos malunod sa Bamban River nitong Agosto 14, 2026.

Narekober ang bangkay ng biktima bandang alas-9:30 ng umaga ngayong Sabado, Agosto 15 at dinala sa Mabalacat District Hospital.

📸Mdrrmo Bamban

15/08/2026

MULAT NA ANG PUBLIKO

Binigyang-diin ni trial lawyer Atty. Mike Operario na hindi umano madaling malinlang ang mga Pilipino dahil nakikita at nasusuri ng taumbayan ang mga ginagawa ng pamahalaan.

Ayon kay Operario, makikita umano ito sa mga resulta ng mga public opinion survey, kung saan sinasabi niyang bumababa ang ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tumataas naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte.

Giit niya, “Alam ng taumbayan ang ginagawa ng administrasyon kaya pabagsak nang pabagsak ang ratings ni BBM at si VP Sara Duterte ay pataas nang pataas.”

Subscribe and follow SMNI Newsblast
facebook / https://www.facebook.com/Newsblast.Digital/
youtube/ https://www.youtube.com/.Online

TULONG-TULONG SA BAMBANGNaghandog ng grocery items ang mga kawani ng Barangay Bambang sa Taguig City sa mga pamilyang na...
15/08/2026

TULONG-TULONG SA BAMBANG

Naghandog ng grocery items ang mga kawani ng Barangay Bambang sa Taguig City sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Layunin nitong maghatid ng munting tulong mula sa pamunuan ng Bambang Paglingkuran ngayong Sabado, Agosto 15.

📸Bambang Paglingkuran

15/08/2026

PROSEKUSYON, TALO NA?

Binigyang-diin ni trial lawyer Atty. Mike Operario na tila bumababa na umano ang interes ng publiko sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa kanya, nasa 6,000 na lamang ang nanonood sa livestream, habang mas pinipili ng iba ang short summaries at vlogs dahil mas madaling maintindihan.

Giit ni Operario, “Talo na ang prosekusyon dahil wala nang interes ang mga tao na manood sa impeachment trial.”

Subscribe and follow SMNI Newsblast
facebook / https://www.facebook.com/Newsblast.Digital/
youtube/ https://www.youtube.com/.Online

GET READY FOR A NEW CHAPTER ✨Inilabas na ng Disney at Pixar ang bagong concept art ni Miguel bilang isang teenager para ...
15/08/2026

GET READY FOR A NEW CHAPTER ✨

Inilabas na ng Disney at Pixar ang bagong concept art ni Miguel bilang isang teenager para sa paparating na sequel na “Coco 2,” na nakatakdang maganap sa taong 2029.

Samantala, nagbahagi rin ang mga animation studio ng bagong concept art para sa “Incredibles 3,” na magbibigay-diin sa mga anak ng pamilyang Parr na sina Violet at Dash, at nakatakdang maganap sa summer of 2028.

Kasalukuyan na ring ginagawa ang “Zootopia 3” matapos ang massive success ng “Zootopia 2.”

📸: Walt Disney Studios (Facebook)

15/08/2026

HINDI KINONSULTA ANG LGU?

Ibinunyag sa pagdinig ng Senado na hindi kinonsulta ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac bago ianunsyo ang planong PAX Silica Project, isang artificial intelligence industrial complex. Umalma rin ang mga katutubong Aeta dahil nanganganib na maapektuhan ang kanilang sagradong burial ground at lupang ninuno sakaling matuloy ang nasabing proyekto.

15/08/2026

OPM lovers, get ready para sa isang gabing puno ng kantahan at sayawan kasama si “Mr. Pure Energy” Gary V., na muling maghahandog ng exclusive concert series na hinding-hindi ninyo malilimutan.

Samantala, mula sa pagpe-perform on stage at paghahatid ng kanyang musika, handa namang manggulat at magpatawa on the big screen ang paborito ninyong vocalist ng Cup of Joe na si Gian Bernardino sa kanyang first-ever feature film.

15/08/2026

Nangangamba si Magnolia coach La Tenorio na maapektuhan ang kanilang momentum matapos sumabak sa siyam na linggong pahinga ang Hotshots sa PBA Governors’ Cup.

Samantala, opisyal nang nagretiro sa NBA si 2017 MVP at all-time leader sa triple-doubles na si Russell Westbrook matapos ang labingwalong (18) taong karera sa liga.

15/08/2026

Ibinunyag ng K-pop superstar at BTS member na si V (Kim Tae-hyung) na under medication siya ngayon dahil sa problema sa kanyang pandinig, kung saan nasa 30% na lamang ang hearing capacity ng isa niyang tenga.

Samantala, inanunsyo naman ng K-pop star na si Chaeyoung ang kanyang pag-alis sa JYP Entertainment upang magsimula ng bagong chapter sa kanyang music career, habang tinitiyak sa kanyang mga fans na mananatili pa rin siyang bahagi ng grupong TWICE.

DOOMSDAY IS COMINGNaglabas ang Marvel Studios ng espesyal na trailer para sa "Avengers: Doomsday," na nagtatampok ng mga...
15/08/2026

DOOMSDAY IS COMING

Naglabas ang Marvel Studios ng espesyal na trailer para sa "Avengers: Doomsday," na nagtatampok ng mga bagong bakbakang magpapabago sa buong MCU.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Disyembre 18, 2026.

📸: Marvel Entertainment (YouTube)

Address

Manila
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Newsblast Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share