13/07/2026
Please lang, bago umutang, basahin at intindihin muna ang terms. Hindi naman yan surprise. Sinabi sa inyo ang terms at nag-aagree pa kayo bago ma-release ang pera.
Mabait ako at mahaba ang pasensya ko. Marunong akong umintindi kapag may valid na dahilan. Pero sana huwag gawing personality ang “next week na lang” o “promise babayaran ko.” 😭
Hindi ko kayo pinilit umutang. Kayo ang lumapit, nag-request, at pumayag sa terms. Buo kong ibinigay ang pera, kaya fair lang na sundin din ang napag-usapan.
At oo, tuloy ang interest hangga’t hindi pa nababalik ang principal. Hindi yan bagong rule, yan na ang terms mula umpisa.
Kaya kung ma-mention o ma-remind kayo, huwag na sana magalit. Part lang yun ng process na pinagkasunduan natin.
Simple lang naman:
Kung ayaw sa terms, huwag umutang.
Kung umutang, panindigan ang usapan. 🤝
Respect goes both ways. Ako tumupad sa part ko, sana kayo rin. ✨