11/05/2026
Minsan hindi natin napapansin…
si mama pala yung unang gising
at huling natutulog.
Siya yung tahimik na nagluluto,
naglalaba,
nag-aalaga,
nag-aalala…
kahit pagod na pagod na rin siya.
Habang lumalaki mga anak,
akala nila normal lang lahat.
Normal yung may pagkain.
Normal yung malinis na damit.
Normal yung may yakap pag masakit ang mundo.
Pero pag tanda nila…
doon nila maiisip na
hindi pala basta ‘normal’ yun.
Pagmamahal pala yun ng isang nanay.
Kaya nakakataba ng puso makita na
yung dating mga batang inaalagaan niya…
sila naman ngayon yung nagbibigay bulaklak
at nagsasabi ng
Thank you Ma.
Sa lahat ng nanay na tahimik lang nagsasakripisyo araw-araw… salamat po.