Juan Republik

Juan Republik Hindi paaapi, hindi tatahimik. Ang boses ng makabagong Juan. 🇵🇭

19/05/2026

SANA maging FAIR ang investigation.

31/12/2025

Wasak na tulay at unfinished projects sa Ilocos Norte—ganito ba ang bubungad saten ngayong 2026? Kailan ang Aksyon? Huwag maging selective!

31/12/2025

Bago tayo magpaputok para sa Bagong Taon, throwback muna tayo sa 'pasabog' na hindi dapat ibaon sa limot!

Tandaan niyo ang mga mukhang ito. Sila ang mga self-proclaimed 'Best Friends' sa Kongreso na naging mastermind umano sa bilyon-bilyong budget insertions at flood control projects na PALPAK.

Ang lalaki ng pondo, pero bakit lubog pa rin sa baha ang mga distrito? Yung mga tulay at kalsada, sira agad wala pang isang taon!

New Year na, pero yung perwisyong iniwan niyo, ramdam pa rin ng taumbayan. Huwag tayong magka-amnesia. Singilin ang mga dapat managot!


31/12/2025

Bakit parang "Exempted" ang Ilocos sa imbestigasyon? Ang pondo ng bayan, winaldas sa substandard na infra, pero tahimik ang mga kritiko. Huwag kami!

31/12/2025

Sabi mo 'Makukulong na sila.' Pero bakit parang exempted kapag sa Ilocos? Wasak na ang flood control, pero malaya pa rin ang anak mo na si Sandro Marcos. At mga Congressman, Anyare tapos na ang pasko Mr. President?

31/12/2025

NYARE?! "Flood Control" na inanod ng baha?

Throwback muna tayo sa "World Class" projects daw sa Ilocos Norte 1st District!
Grabe, wala pang isang taon, bumigay na? Yung flood control sa Padsan at Bolo River, parang styro lang na tinunaw! Saan napunta ang budget dito? Sa semento ba o sa bulsa?
Delikado na ang daan, delikado pa ang taumbayan. Sayang ang buwis namin!

Calling the attention of ICI! Yoohoo! Baka naman pwede niyo pasyalan ang balwarte ni Sandro Marcos? Kami na nag-provide ng drone shots at resibo, kayo na bahala sa aksyon. Wag tutulog-tulog sa pansitan!

We will never forget this negligence.

30/12/2025

Matapang sa Davao, pero bahag ang buntot sa Ilocos?

Heto ang throwback na ayaw nilang maalala niyo. Wasak na tulay, bagsak na d**e, sayang na pondo. Wag kami, Cong! Kitang-kita ang ebidensya.

30/12/2025

Happy New Year! 🎉 Isang malaking THROWBACK sa pangakong napako.

Sana kasing-bilis ng pag-giling niyo sa Budots ang pagtapos sa Flood Control project na 'to. November 4, 2024 pa dapat tapos 'yan, Madam! Pero bakit parang skeleton pa rin ang site?
"This is where your taxes go" daw—napunta ba sa sayaw o sa semento?

Hindi kami makakalimot.

30/12/2025

Ayusin mo ang bakuran mo! 🤡🤡🤡

Former Congressman at Pride of Mindanao daw, pero tignan niyo naman ang legasiya: Flood control projects na hindi pa tapos, sira-sira na agad. Milyon-milyong budget, pero tinakbuhan na yata ng contractor?

Sabi ng mga residente, mas nauna pang natapos ang tulay kaysa sa flood control mo na puro cracks at bitak. Never forget ang kapabayaan na 'to!

29/12/2025

Huwag nating kalimutan ang nangyari sa Arayat, Pampanga. Ang flood control project na dapat ay proteksyon ng mga Cabalen, naging mitsa pa ng takot at pinsala. Isang taon lang—ISANG TAON LANG—wasak na agad!

Bilyon-bilyong pondo ang nilaan, pero bakit parang gawa sa "tapi-tapi" ang kinalabasan? Ang pamilya niyo ang nasa likod ng construction, pero ang taumbayan ang nalulunod sa pinsala. Ito ba ang serbisyong nararapat para sa mga taga-Arayat?

HINDI ITO PAGKAKAMALI—ITO AY SINADYANG PAGPAPABAYA.

Nasaan ang bilyong pondo ng bayan?

Bakit substandard ang kalidad ng inyong proyekto?

Hanggang kailan magtitiis ang mga taga-Arayat sa "ghost projects" at palpak na imprastraktura habang ang iilan ay nagpapakasasa?

Huwag niyong ituring na mangmang ang mga taga-Pampanga. Ang baha ay lumilipas, pero ang galit ng taumbayan sa korapsyon ay hindi maghuhugas. PANAGOT, HINDI PALUSOT! ✊🇵🇭

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Republik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share