GEL OH

GEL OH Step into the life of Chef Gelo's alter ego... DJ GELO

6pm mao pa start sa Mayor's Cup U8 championship GripHub ... Ngano man ni Mayor?
24/08/2025

6pm mao pa start sa Mayor's Cup U8 championship GripHub ... Ngano man ni Mayor?

RANT TIME. PARA MA BASH "KUNG DI NIMO KAYA MAGPASWELDO, PANARADO NA LANG" (Tagalog sa ta para tiyende sa all, Southern E...
07/06/2025

RANT TIME. PARA MA BASH "KUNG DI NIMO KAYA MAGPASWELDO, PANARADO NA LANG"

(Tagalog sa ta para tiyende sa all, Southern Europeans, Sub-Saharan Africans and everyone in between 😉)

Ayan na naman. Pinasa na ang ₱200 wage hike per day. Wow. Ang babait ng mga Kongresista no? Pogi points check! Press release check! Pero guess what, KAMI NA NAMAN ANG MAGDURUSA.

Sabi nyo mga CONGRESSMAN, “MSMEs are the backbone of the economy.” Pero bakit kami lagi ang pinapasan ng lahat ng dagdag gastos? Taxes sa lahat ng sulok ( VAT, Sin TAX, Amusement tax, Real Estate Tax, income tax, percentage tax, business tax, sanitary fees, mayor’s permit, fire permit, BIR penalties, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG) Tapos ngayon ₱200 dagdag kada araw? HA??? ANO??? UNSA???

Hindi porket may negosyo kami eh mayaman na kami. Karamihan sa amin nag-aabang ng benta para makapagpasahod. Kung may isang linggo na mahina ang kita, wala kami choice kundi bawasan tao o magbawas ng kita namin . minsan, sariling bulsa pa ang ginagamit para lang ‘di maputol ang operasyon.

Gusto nyo raw mga CONGRESSMEN na “tulungan ang mga manggagawa.” Pero wag nyo kami gawing punching bag mga negosyante para lang mapaganda pangalan nyo sa balita.

Eto lang yan: gusto ng masa bumaba presyo ng bilihin. Pero paano bababa yan kung tataasan nyo operating cost ng mga negosyong nagsusupply ng produkto at serbisyo?

Ang masakit pa, kayo rin ang may hawak ng BUDGET. Yung AICS, TUPAD, AKAP, MAIP, 4Ps, Ayuda, at kung anu-ano pang insersyon sa GAA na bilyun-bilyon kada taon ginagamit nyo lang pangpondo ng dole-out at pangtahi ng political machinery nyo.

BAKIT HINDI YAN ANG GAMITIN PANGBAYAD NG TAX REFORMS? BAKIT HINDI YAN ANG IPUNIN PARA BAWASAN ANG DEPENDENCY NG GOVERNMENT REVENUE SA BUWIS ?

Kung seryoso kayong magpagaan sa buhay ng Pilipino, LEGISLATE!!! to start, focus nyo dito:

I-redirect nyo yang mga ayuda budget para mas kaunti ang buwis na kailangang singilin sa amin.

Ayusin nyo presyo ng bilihin , ayusin nyo logistics, palengke system, at agricultural supply chain.

Prioritize local rice, corn and agri-product growers.

Totoong i-implement nyo ang “Ease of Doing Business” tanggalin red tape, lagay-lagay, delay-delay, porsyento-porsyento, S.O.P - S.O.P.

Yung mga projects nyo wag na mag over-price, sub-standard, install - today - sira - tomorrow, di pa sira sinisira para may project. Ayusin at maging transparent sa bidding process ng infrastructure projects nyo, dami nyong bulsa dito. Pramis!

Gumawa kayo ng wage support system para sa MSMEs, hindi yung lahat ibabagsak nyo samin.

Gumawa kayo ng road map para mapaganda at mapabango ang Pilipinas sa foreign investors.

Lastly, Tama na pataba ng pitaka at makinig naman kayo sa "backbone of the economy" na tinatawag nyo.

Hindi kami galit sa mga empleyado. Pero paano kami makakabigay ng tamang pasweldo at benepisyo kung kami mismo malulunod sa gastos? Hindi kami ATM ng gobyerno. Hindi kami campaign donor ng mga politiko. NEGOSYANTE KAMI. Umaasang makasurvive.

Yung ₱200 wage hike? BAND-AID NA MAY MUKHA NG KONGRESISTA. Pampaganda sa resume nila, habang tuluyan kaming nilulubog.

Gising Pilipinas. Hindi ‘to solusyon. Ito ang simula ng unti-unting patayan sa tunay na backbone ng ekonomiya. "BLOODBATH" kumbaga.

Bukidnon and Mindanao Representatives galaw-galaw!!! Leche!


Address


Telephone

+639290772114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GEL OH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GEL OH:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share