13/08/2025
TANDAAN NYO ‘YUNG MUKHANG ‘YAN.
Hindi lang siya basta Angkas driver — isa siyang tahimik na bayani sa gitna ng ulan at trapiko.
June 18, 2025 — late na ako sa meeting, kaya nag-book ako ng Angkas. Si Kuya Jeoffrey Desabelle ang dumating. Maayos, magalang, at may dalang luma pero maaasahang kapote. Inalok pa niya sa akin para ‘di ako mabasa. Hindi siya nagreklamo, hindi nagmadali — basta maihatid lang ako ng ligtas.
Pagdating sa drop-off, wala akong barya. Pamasahe: ₱335, pero ₱1,000 lang ang dala ko. Sabi ko, "Boss, balik ka na lang mamaya, dun mo na lang isoli sukli." Nagkasundo kami, nagpalitan pa ng Messenger.
Sa isip ko, “Babalik pa kaya ‘to?”
Pero bumalik siya — dala ang sukli, dala rin ang tiwala na may natitira pang mabubuting tao sa mundong ‘to.
At ‘yung sukli? Hindi ko na kinuha. Para saan pa? Ilang oras lang lumipas, nag-message si Kuya. May kasamang larawan ng kanyang anak at mensaheng:
“Salamat boss. Malaking tulong ‘yung binigay mo para sa maintenance ng anak namin.”
Dun ako napaiyak. Ang liit ng ibinigay ko, pero ang laki pala ng naitulong. 🥺
Hindi siya nanghingi. Hindi siya nagreklamo. Lumaban lang siya. Tahimik. Disente. Isa siyang paalala na pwede tayong maging mabuti kahit walang kapalit, kahit walang nakakakita.
Hindi ko kailangan ilagay ang GCash niya dito.
Pero kung okay lang sa’yo, pakikalat natin ang kwento niya.
Baka sakaling makarating sa mga taong may mas kakayahang tumulong.