Atee Mayer Stories

Atee Mayer Stories Follow👇🏻
https://www.facebook.com/profile.php?id=100078095228138



HORROR and 𝐅𝐮𝐧𝐧𝐢𝐞𝐬😹

09/08/2023

Author: Merly

"SULAY"

Part 2

Kinaumagahan sinabi ko kay mama ngunit hindi ito naniwala dito.Kinagabihan matutulog na sana ako ng may nakita akong isang babae naka upo sa mesa nakaputi ito at mahaba ang buhok nag susuklay ito at humuhuni ito ng nakakakilabot hmm..hmmm...hmmm...hmmm..Hindi ako makagalaw dahil sa takot.Hindi ko makita ang kaniyang mukha sa salamin ngunit hindi ko ito makita dahil sa buhok niyang naka natatakpan ng mahabang buhok.Biglang itong tumalikod na hindi ko inaasahan.Tanging pagsigaw lanv ang nagawa ko dahilan para dumating sina mama.

Mama:Nak okay ka lang ba?Anong nangyari sayo.(habang niyayakap ang anak)

Umiiyak ako habang sinasabi kay mama ang nangyari kanina.

Yasi:Maa...nakita ko po yung mukha niya wala po siyang mata at ang tutulis po ng ngipin yang puno ng dugo...huhuhu..maa ayoko na po dito.

Mama:Tahan na anak andito na kami ng papa mo.Bukas na bukas din aalis natayo dito.

Nakitulog nalang ako kina mama natatakot na kasi ako sa kwarto ko baka bigla nanamang magpakita ang babaeng naka puti.Ginising ako ni mama upang makag impaki nadaw ako.Habang in impaki ko ang mga damit ko napatingin ako sa suklay bigla nalang nagsitayoan ang mga balahibo ko ng hinawakan ko ang ang suklay kaya agad ko itong itinapon sa basurahan .Umalis na kami nga kami sa bahay at lumipat ulit ng tirahan.Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay napatingin ako sa lamesa ng aking kwarto at nanginig ng makita ko ang suklay parehong pareho ito sa suklay na tinapon ko sa basurahan.Nangatog ako sa takot ng may naka upong babae na nag susuklay at humuhuni hmm...hmmm...hmmm..Bigla nalang umangat ang babae sa ire umaabot hanggang paa niya ang haba ng kaniyang buhok .Bigla itong tumingin sakin at ngumiti ng nakakakilabot

Yasi:ahhhhhhhhhgggg

09/08/2023

Author: Princess Merly

"SUKLAY"

Ako nga pala si Yasi hindi ko totoong panagalan.Ang kwento kung ito ay tungkol sa aking karanasan noong 14 years old palang ako.
Lumipat kami ng tinitirhan dahil nasira ang aming bahay.Malaki naman ang bahay na aming nilipatan ngunit may kalumaan na ito.
Yasi:Maa...Dito nalang po ang kwarto ko..
Habang tinitignan ko ang palagid ng kwarto nabali ang atensyion ko sa isang sukay na parang ilang dikada ng hindi nagagamit.Tinignan ko itong maigi itoy kulay pulang suklay na parabang dugo pinag kunan ng kulay nito.

Mama:Anak hali kana kakain na tayo.
1Yasi:Opo maa..andiyan na
Matapos kaming kumain nakita kung bukas ang pintoan ng aking kwarto.Sinilip ko mona ang loob ng aking silid kung may tao.Nanginig ang mga tuhod ko ng makita kong gumalaw ang suklay na para bang may humahawak nito.Pinikit ko ulit ang mata ko bigla nalang itong bumalik sa mesa na parang walng nangyari.

Yasi:Kakabasa ko tohh ng horror story.
Wala namang kakaibang nangyari ngunit noong ikatlong araw ay..
Nagising ako dahil na uuhaw ako bigla .tinignan ko ang oras sa aking cellphone 12:00 na pumunta ako sa kusina upang uminum ng nakabalik na ako sa aking silid para bang may nakatingin sa akin mavigat sa pakiramdam.Matutulog na sana ako ng may narinig akong umiiyak sa bandang paanan ko kung nasaan naroroon ang suklay.Maya maya pa ay tumigil na ito may naramdaman akong parang buhok na sumgi sa paa ko nanginig ang buong katawan ko lalo na ng narinig ko ang nakakakilabot na huni na parabang nag sinusuklay ang buhok niya.Hindi ako nakatulog ng gabing iyon.

Kina umagahan ay sina ko ito kay mama ngunit hindi ito naniwala.
Itutuloy....

09/08/2023

Part 11
Genre: Horror. Title: Mundo ng walang Liwanag.

"Balak ko kapag natapos ang lahat. Magpakasal tayong dalawa." saad niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ako umimik. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Gayondin si lenny ay mabilis rin tumakbo. Alam ko na hindi pa ako handa, kung anuman ang mangyari sa 'kin na kapag naging bampira ako ay maglalaho ang mga pangarap niya, kung kaya 't ayaw ko siyang sagutin.

NAKARATING kami sa isang maliblib na kweba. May mga tao sa loob . Ibinaba ako ni mike sabay na hinawakan ako sa kamay. Dama ko ang init sa kan'yang palad. Natumba ako, at nagsimulang lamigin.

"Lenny. Anong oras na?"

"Kuya Mike. Alas -unse na. Malapit nang mag-iba ng anyo si Ate!"

*
"Hindi maaari__!" Lakas niyang sigaw. Binuhat niya ako kahit nagsusuka ako.

"Saklolo! Saklolo! Tulungan n'yo kami. Nasaan na ho si Apo Piero?"

Maraming lumapit sa 'min. Sinalubong kami ng benteng tao. Lumabas si Apo at mabilis niyang ginamot ako.

"Hala! Bakit ngayon lang kayo? Hindi n'yo ba alam na malapit nang kumalat ang dugo ng bampira sa kan'ya?"

09/08/2023

Part 10.
Genre: Horror, Author: Ivyshinichi
Pamagat: Mundo ng walang Liwanag

"Sorry, ikaw pala si Mike. Salamat pala sa pagligtas mo sa 'kin. Kung hindi dahil sa 'yo patay na ako at baka asawa na 'ko ni Abdul." Mapungay na mata ko habang binibigkas ito.

"Wala 'yon." Sabay hawak sa aking kamay. Nagulat ako. Kahit naramdaman ko na malapit na akong maging bampira ay mas matimbang pa rin sa 'kin ang puso ng tao, ang marunong magmahal.

"Totoo. Gusto kita. Ayokong mapunta ka sa demonyong bampira na 'yon. Ililigtas kita sa kan'ya. Kahit kamatayan ay gagawin ko para lang hindi ka lang mawala sa aking piling__!" dugtong niya. Naging itim na ang mga mata ko. Pero patuloy pa rin ako sa pagtitig sa kan'ya. Napansin niya na nag-iiba ang mga mata ko. Hindi pa rin niya ako binitiwan.

"Halika na. Pumasan ka na sa likod ko." Umupo siya. Hawak niya ang kamay ko.

"Teka. Hindi ka ba natatakot na makagat kita?"

"Kung makagat man ako ay mahal ko ang kakagat sa akin. Wala akong pakielam kung mamatay ako. Basta ang akin ay ililigtas kita!" Madiin niyang tinig. Seryoso siya sa kan'yang mga salita. Naantig ang puso ko. Ngayon lang ulit ako nakadama nang may nagmamahal sa 'kin bukod sa pamilya ko sa mundo namin. Pero naisip ko na tagadito talaga ako.

"Diba pinaliwanag ko sa 'yo na Ito ang Dark Earth of Vampires. Kaya nga dapat maingat tayong tatlo. Dapat makapunta tayo kay Apo at para magamot ka n'ya?!" saad niya. Halatang nag-aalala s'ya sa 'kin.

09/08/2023

Part 9
Genre: Horror, Title: Mundo ng walang Liwanag, Author:

"Pero Ate. Huli kana nasa labas na sila nanay. Ang sabi sa akin ay kailangan natin pumunta sa Haraya, naroroon si Apo, ang gumamot sa 'min. Isa siyang ermitanyo at magaling siya."

"Ano?! Hindi maaari. Bakit sila nagdesisyon lahat at ang iyong ina. Masyadong marami ngayon ang bampira. Naaamoy ko sila," namilog ang mga mata ko. Habang tumatagal ay nahihilo ako.

"Tara na Ate, mahaba pa ang ating lalakbayin. Alas-otso na. Kailangan natin ay bago sumapit ang alas-dose ay natanggal na sa inyo ang sumpa," Huling sabi ni lenny.

Inalalayan niya ako dahil sa, nahihilo ako kapag ako lang ang mag-isa. Buti naririto siya. Habang papalayo kami sa simbahan ay narinig namin ang palahaw nang iyakan ng mga tao. Naluluha ako habang naglalakad.
Pakiramdam ko 'y may laging nakasunod sa aming dalawa. "Beh. Huminto muna tayo?"

"Bakit po?"bulong niya.

"Pssssst! " saad ko.

Nakatayo kami sa gitna ng madilim na daan. Maraming nakapalibot na mga puno kung kaya 't hindi gaanong maaninagan kung sino ang nakasunod sa 'min. Agad akong lumingon. Nagtaka ako dahil bumilis ang paglakad ko ng sinunggaban ko ang lalaki.
Naisip ko na kagatin iyon. Buti na lamang ay naiwasan niya ang pagkagat ko. Nagulat sa 'kin si lenny. " Mukhang ate malapit ka ng maging bampira, senyales na 'yan?!"

"Teka! Ako si Mike. Muntikan muna akong makagat Queen. Hindi pala ako nakapagpakilala sa 'yo kanina. Nais kong samahan kayo ni lenny sa pagpunta sa Haraya." Hingal nitong sabi.

Nakatayo kami. Gusto kong iwasan pero mas lalong lumalala ang sarili ko. Muntikan ko nang mapatay ang isang isonenteng lalaki.

09/08/2023

Part 8
Genre: Horror/ Pamagat: Mundo ng walang Liwanag. Author:

Bangaw na si Ate! Kailangan na po natin umalis. Hanapin na natin si Apo Piero. Dapat nang maagapan ang pagdaloy ng dugo ng bampira sa dugo ni Ate Queen?!" Tarantang saad ng bata, Si Lenny.

"Len," maiksing bigkas sa pangalan ng bata.

"Ano po ma?" tugon ni lenny sa ina.

"Anak. May plano na kaming lahat na magkaisang labanan ang mga bampira sa labas. Habang nilalabanan namin sila ay kailangan nyong magtungo sa bundok ng Haraya, upang hanapin si Apo Piero, Nagkakaintindihan ba tayo?!" Madiin na boses ni ate Riza, ang ina ng batang si lenny.

Isa-isa nang lumabas ng simbahan ang mga dating bampira na ngayon ay tao na. Kaya 't kailangan nilang mag-ingat. Dahil sa, maaaring mapatay sila ng mga kalaban kung hindi sila maging alisto.

Lumabas sila kung saan may lagusan paibaba. Nakita kong nakatanaw mula sa malayo ang bampira na magiging kabiyak ko. Nakalabas ang pangil nito sapagkat may nais itong iparating sa akin. Alam kong nanabik na siyang makasama ako. Nagtago kami ng bata para hindi kami matanawan ng bampira Habang naglalakad kami nang marahan ay hindi ko alam kung paano malalabanan ang nakikita kong mga dugong nasa semento. Muli kong iniangat ang ulo ko para tingnan ang krus.

" Beh, iwanan mo ako sa labas. Tanging ako lang naman ang gusto nilang makuha, hayaan mo kapag nakuha na nila ako baka sakaling umalis na sila. Matagal pa sisikat ang liwanag. Ngayon ay ecplise na, maraming bampira ang susugod. Tiyak maraming mamatay." Utos ko sa bata na iniligtas ko.

09/08/2023

Part 7
Title: Mundo ng walang Liwanag
Genre: Horror
Author: on Wattpad

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko, naiinis ako. Dahil sa tinago nila nanay ang katotohanan. " Bente na ako ngayon. At ngayon ko lang nalaman. Hindi pala ako tunay na anak ni nanay Nilda at tatay Jose. Pati tulad rin nila akong bampira. Kaya siguro nahilo ako, malapit na akong maging bampira. Tulungan n'yo ako__ ayokong maging katulad nila." Naluluha kong sabi.

Naputol ang aking panalangin nang may nagbasag ng bubog ng salamin na galing sa labas. Natamaan ng pana ang kasamahan namin sa loob. Nagulat ang ilan sa kanilang nasaksihan. Kumalat ang pulang dugo sa sahig. Nang titigan ko 'yon ay parang pakiramdam ko 'y gusto kong inumin ang dugo. Uhaw na ako at sabik ko nang kagatin ang tao kung sino ang natamaan ng palaso.

"Queen, Isa 'yang patibong. Mukhang sinusubukan kang inumin ang dugo. Kapag ininom mo ang dugo. Talagang magiging kauri ka nila. Pigilan mo ang pagkatakam mo!" Sigaw ni Ate Riza, ang nagpaliwanag sa akin kanina.

Hindi ako tumingin sa dugo ng sagayon ay maalis ang pananabik kong tumikim ng dugo. Naglalaway na ako, Bula ng bula ang aking bibig. "

09/08/2023

Part 6
Genre: Horror
Title: Mundo ng walang Liwanag
Author: on Wattpad

"Ganito 'yan Ineng . Kami ay tumalikwas na sa grupo nila. Totoo niyan binigyan nila kami ng kapangyarihan na galing sa kanilang ninuno. Hindi nila alam na may makapangyarihan pa sa kanilang ninuno, kundi ang pananampalataya sa tunay na dyos. Binigyan niya kami ng kapatawaran. Hindi siya nabigo sa amin. Kinabukasan pag-gising namin ay may himalang naganap, tamang-tama na may ginawa na gamot si Apo, Piero na kung papaano maaalis ang sumpa ng bampira sa 'min. Pinainom niya sa aming lahat iyon.

Ako ang nakakaalam ng lahat, pinadala ka dito ni Ate Nilda. Tulog ka pa. Kasi habang hindi pa huli ang lahat ay dapat nang maalis ang sumpa sa 'yo?
May masamang nangyari sa kanila, natunton sila ng mga bampira kaya pinatay sila. Katulad ka namin. Kaya ka pinadala dito ay para hanapin si Apo Piero. Tao ka pa rin ngayon, pero mamayang pagsapit ng alas-dose na kapag hindi mo naalis ang sumpa__ magiging katulad ka nila. Magiging Reyna ka ng bampira, at hinahap ni Abdul, ang leader ng bampira. Gusto ka niyang maging kabiyak." Mahabang kwento ng matanda.

"Teka miss. Ano pa lang pangalan mo?" Singit na tanong ng binatang tumulong sa 'kin.

"Ah, eh, Ako si__ Andrea Queen," tugon ko sa binata. Pansamantalang yumuko ako sa harap ng d'yos.

09/08/2023

Part 5
Genre: Horror
Title: Mundo ng walang Liwanag
Author: on Wattpad

"Ibig sabihin, kung mga dati silang bampira ay nakakatiyak ako na hindi na sila takot sa krus..." isip ko.

"Teka, kung dati kayong mga bampira bakit hindi kayo takot sa krus?" tanong ko. Lumayo ako sa kanila. Iniligatas ko rin ang bata at pari.

"Anak... Tara dito. Muhang ayaw tayong paniwalaan na mababait tayong bampira ng kasama mo?" utos ng matanda sa bata.

"Ate, opo isa rin akong bampira. Pero, ate maniwala kayo na mabait na kaming naririto. Lahat kami po ay isinuko na sa dyos ang aming buhay__ nangako kami na kailanman ay hindi na iinom pa muli ng dugo!" Sabi ng bata.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanginginig ako sa takot. Inilayo ko ang sarili sa bata.

"Isa ka palang bampira. Pero bakit hindi kayo nasusunog?!" takot kong tinig.

"Sa totoo lang Ate, wala talaga kaming balak sa 'yo na sabihin. Kasi alam namin na matatakot ka sa amin. Pero alam po namin na kauri ka rin namin. Kasi ikaw ang nawawalang anak ni mang. Jose at aling Nilda. Sinadya kang ipadala dito ng tiya ko. Ang nanay-nayan mo,"

"Hindi ako naniniwala sa inyo. Bakit hindi ako katulad n'yo may mga pangil. Sabik sa dugo at nahahawakan ko ang krus?!" tanong ko.

Matagal silang hindi umimik. Nakatingin sila sa akin. Naramdaman ko naman na mabuti sila, katulad ng aking puso. Kaso nag-aalinlangan pa rin ako. "Paano nila nagawang kontrolin an maging bampira?" Isip ko habang nakatayo sa altar.

09/08/2023

Part 4.
Pamagat: "Mundo ng walang Liwanag"
Genre: Horror.
Author: on Wattpad

"Oo. Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko sa kan'ya.

"Oo. Nahimatay ka. Buti nakita kitang nakahandusay sa daan. Teka miss parang ngayon lang kita na nakita dito ah?" tanong niya sa akin.

Maraming nakatingin sa 'kin. Ilang minuto rin, na hindi ako nakatugon sa kan'yang tanong. Kita ko sa reaks'yon nila na naghihintay sila sa sagot ko.

"Ah,eh, Totoo niyan hindi ako taga-dito. Ang Alam ko nasa bahay ako. Natutulog lang. Ang pamilya ko ay nasa daigdig namin. Ano bang lugar Ito? Bakit ang daming bampira?"

"Miss. Lugar Ito ng mga nakakatakot na nilalang. Mundo ng walang liwanag. Alam mo bang ang mundong ito ay tinatawag na Dark Earth of vampires," saad nito.

"Kaya dito, kapag sasapit na ang dilim asahan mo ng magsisilabas na ang mga bampira, Hindi mo ba alam kung bakit ka napadpad dito sa 'min? May kaunti ka bang naaalala?" Magkasunod na tanong sa 'kin ng matanda.

"Hindi ko po talaga maalala, kahit miski kaunti. Alam ko natutulog ako. Tapos, pag-gising ko naririto na ako," tugon ko.

Pinaliwanag nila sa 'kin kung ano ang dapat namin na gagawin. Kailangan namin na maging handa kung sakali na lusubin kami ng mga bampira.

" Hangga 't nasa simbahan tayo ay asahan nyo na hindi tayo nila makakagat." Sabi ng pari.

Naging magaan ang loob ng bawat-isa.

" Father. Kailan tayo magiging sunod-sunuran sa kanila. Gusto na namin magbagong buhay, ayaw na namin na makisama sa kanilang mga kasamaan! Hindi kami na mga bampira. May sinumpaan na rin kami sa bathala na hindi na kami iinom ng mga dugo ng tao!" saad ng isang lalaki na nakaitim na damit.

09/08/2023

Part 3
Pamagat: Mundo ng walang Liwanag
Genre: Horror
Author: on Wattpad.

H'wag mo akong isipin... kaya ko syang labanan. Sige na beh. Bilisan mong tumakbo,"

Tumakbo siya nang mabilis. Nang makita ko na nakadako ang mga mata ng bampira ay kaagad akong lumapit sa kan'yang kinaroroonan. Sinaksak ko siya nang hawak ko na kutsilyo. Napulot ko ito sa daan.

"Awwwhhhh," saad ng bampira.

Napatay ko ang bampira. Samantala habang nakaangat ang kamay nito ay mukhang pinipilit nitong tumayo. Nakita kong hindi na rin nito nakayang bumangon pa. Nakatingin ako sa kan'ya hanggang sa malagutan ito nang hininga. Naawa naman ako, pero mabagsik s'ya. " Tama lang sa kan'ya ito," bulong ko.

Umiikot ang aking paningin. Nakaramdam ako ng pagkahilo. May natatanaw ako na kahit blurb ang paningin ko ay maraming tao na papalapit sa 'kin. Naging taranta silang patungo sa simbahan.

"Paano na 'ko. Katapusan ko na nga?" Huling saad ko habang malapit na 'kong matumba.

"Miss! Gumising kaah_ h'wag kang matulog." Boses na narinig ko bago ako tuluyan nang makatulog.

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos kong mahimatay.
Pagdilat ng aking mga mata ay may naaninawan akong ilaw at may malaking krus. May mukha din ni hesus. Napabangon ako.

"Ayos ka na ba miss?" tanong sa akin ng lalaki. Gwapo ito, at matikas ang pangangatawan.

09/08/2023

Part 2.
Pamagat: Mundo ng walang Liwanag
Genre: Horror
Author: on Wattpad

Naging handa ako. Nakakamao ang aking kamay habang hawak ang krus. Sabi ng iba kapag ang krus ay itinapat sa bampira ay matatakot ito. Hindi ito basta makakalapit, dahil sa masusunog sila.

Kaya sinunod ko ang lahat, nakakapit sa damit ko ang bata. "Ate natatakot ako!" sabi ng bata.

"Andito lang si Ate huh? Basta pray ka lang_ H'wag kang makakalimot na may d'yos tayo?"

"Sige po Ate,"

"Oh Ano. Lapit ka, Hindi ka makalapit noh? Natatakot ka ba?" tanong ko bampira.

Ngumisi ito, habang nakaabang ang mahahaba nitong kuko. Nakalabas din ang dalawang pangil nito.

Nang lumapit siya ay mabilis kong inilantad ang krus na hawak ko. Hindi siya makapaniwala na nahagip ko ang braso niya, dinampian ko siya ng krus sa balat. " Ano. Naisahan kita!"

"Ate.... Nawala!" Sigaw ng bata. Naging alisto ako. Pakiramdam ko nasa paligid lang siya.

"Beh. Nakikita mo ba ang simbahan na 'yon?" habang nakatanaw sa simbahan.

"Te. Paano po kayo?"

Address

Marawi City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atee Mayer Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share