Hakbang Marikina

Hakbang Marikina Bawat hakbang, may pananagutan.

Iginiit ng GABRIELA National Alliance of Women na itutuloy nila ang planong protesta sa darating na International Women’...
07/03/2026

Iginiit ng GABRIELA National Alliance of Women na itutuloy nila ang planong protesta sa darating na International Women’s Day sa Marso 8 kahit hindi pinagbigyan ng permit ng pamahalaang lungsod ng Manila ang paggamit sa Liwasang Bonifacio bilang lugar ng pagtitipon.

Ayon sa grupo, hindi dapat ipagbawal ang mga aktibidad sa naturang lugar dahil kinikilala ito bilang Freedom Park kung saan maaaring magpahayag ng saloobin ang mamamayan. Idinahilan ng lokal na pamahalaan ang gaganaping ASEAN Summit sa pagdedeklara ng “No Activity Zone” sa lungsod.

Sa kabila nito, nanawagan ang GABRIELA sa mga kababaihan at mamamayan na makiisa sa mga pagkilos upang ipanawagan ang iba’t ibang isyu tulad ng pagtaas ng sahod, pagbasura ng VAT, at pagwawakas sa karahasan laban sa kababaihan.

📸: GABRIELA

JUST IN: Nagpahayag ang aktres at TV host na si Anne Curtis na balak niyang humingi ng legal advice matapos ang naging k...
07/03/2026

JUST IN: Nagpahayag ang aktres at TV host na si Anne Curtis na balak niyang humingi ng legal advice matapos ang naging kontrobersyal na pahayag ni B**g Suntay.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Curtis na hindi niya tinatanggap ang umano’y “non-apology” ng mambabatas at binigyang-diin na hindi dapat balewalain ang mga komentong maaaring ituring na hindi angkop o mapanlait.

Nag-ugat ang isyu mula sa naging pahayag ni Suntay sa isang pagdinig ng House Committee on Justice, na umani ng batikos mula sa publiko.

Sa kabila nito, sinabi ni Curtis na tinatanggap niya ang paghingi ng paumanhin ng asawa ng kongresista, habang patuloy niyang kinokonsidera ang mga susunod na hakbang kaugnay ng isyu.

BUCKLE UP, MOTORISTS!Posibleng makaranas ng malaking dagdag sa presyo ng langis ang mga motorista sa susunod na linggo m...
07/03/2026

BUCKLE UP, MOTORISTS!

Posibleng makaranas ng malaking dagdag sa presyo ng langis ang mga motorista sa susunod na linggo matapos ang limang araw ng trading sa world oil market.

Tinatayang tataas ang diesel ng P20.10 hanggang P20.30 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring madagdagan ng P10 hanggang P10.20 kada litro.

Ayon sa isang source sa oil industry, maaari pang tumaas ang mga presyong ito dahil sa mas mataas na freight cost at premiums dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Kung tuluyang maipatupad, ito ang isa sa pinakamalaking oil price hikes na mararanasan ng mga motorista sa bansa.

📸: Canva

BASAHIN:Pinabulaanan at itinuring na walang katotohanan ang kumakalat na pahayag na nag-uugnay kay dating Marikina 2nd D...
07/03/2026

BASAHIN:

Pinabulaanan at itinuring na walang katotohanan ang kumakalat na pahayag na nag-uugnay kay dating Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo sa umano’y paghahatid ng mga maleta na may lamang pera sa isang bahay na sinasabing pag-aari niya.

Ang nasabing alegasyon ay nag-ugat sa mga pahayag ng dalawang dating Marines na lumabas sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Gayunpaman, iginiit ng mga tagasuporta at ilang sektor na walang konkretong ebidensya na direktang mag-uugnay kay Quimbo sa naturang paratang.

Wala ring inilabas na dokumento, opisyal na rekord, o malinaw na patunay na nagpapatunay na ang bahay na itinuro sa ulat ay tunay ngang pag-aari ni Quimbo. Hindi rin ipinakita sa programa ang eksaktong lokasyon ng bahay o anumang ebidensyang magpapatunay sa kanilang salaysay.

Bukod dito, wala ring naisampang kaso o pormal na imbestigasyon mula sa mga awtoridad na magpapatunay sa sinasabing insidente. Dahil dito, iginiit ng ilang tagamasid na ang naturang alegasyon ay isang walang basehang paratang na hindi dapat agad paniwalaan ng publiko.

Sa gitna ng pagkalat ng impormasyon sa social media, hinihikayat ang publiko na maging mapanuri at responsable sa pagbabahagi ng balita, at tiyaking beripikado ang mga impormasyon bago ito ipakalat.

Sa ngayon, nananatiling malinaw para sa maraming tagasuporta na ang pag-uugnay kay dating Cong. Stella Quimbo sa naturang isyu ay isang pahayag na walang sapat na batayan at walang katotohanan hangga’t walang malinaw at matibay na ebidensyang magpapatunay dito.

📸: Teacher Stella Quimbo/FB

BASAHIN:Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking umano’y responsable sa pagnanakaw ng mga solar lights sa jogging...
06/03/2026

BASAHIN:

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking umano’y responsable sa pagnanakaw ng mga solar lights sa jogging lane malapit sa Gravity Wall sa Barangay Nangka, Marikina City.

Nadiskubre ng isang barangay inspector ang pagkawala ng ilang solar lights habang nagsasagawa ng inspeksyon noong Marso 5, bandang alas-9:30 ng umaga. Dahil dito, agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at barangay na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinilalang sina alyas “Abdul,” 29, at “Dava,” 23.

Ayon sa imbestigasyon, nahuli ang mga ito habang binabaklas ang mga solar lights sa poste. Narekober din mula sa kanila ang ilang piyesa kabilang ang solar panel, LED light, at mga battery pack na pag-aari ng Barangay Nangka.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng pulisya at nahaharap sa kasong theft.

📸: Cong. Miro Quimbo/FB

Bumisita sa Marikina City si Sen. Risa Hontiveros bilang bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month...
06/03/2026

Bumisita sa Marikina City si Sen. Risa Hontiveros bilang bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Sa naturang pagbisita, tinalakay ang mga adbokasiya para sa kaligtasan at dignidad ng kababaihan, kabilang ang pagpapatupad ng Safe Spaces Act o “Bawal Bastos Law.” Si Hontiveros ang pangunahing may-akda ng batas na naglalayong labanan ang gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, paaralan, at online spaces.

Samantala, sinabi ni Councilor Africa na mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng mga lider sa lokal at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga polisiya para sa mas ligtas na komunidad. Isa siya sa nagsulong ng Safe Spaces Ordinance of 2019 sa Marikina na kilala rin bilang “Bawal Bastos Ordinance.”

Ipinahayag din na kaisa si Cong. Miro Quimbo sa mga inisyatibong nagtataguyod ng karapatan, dignidad, at kaligtasan ng kababaihan sa lungsod.

📷 Carl Africa / Facebook

UTANG NG PILIPINAS, UMABOT SA RECORD-HIGH NA P18.13 TRILLIONUmakyat sa P18.13 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas s...
05/03/2026

UTANG NG PILIPINAS, UMABOT SA RECORD-HIGH NA P18.13 TRILLION

Umakyat sa P18.13 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas sa katapusan ng Enero 2026, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Tumaas ito ng P426.15 billion mula Disyembre 2025.

Ayon sa BTr, sustainable ang pagtaas ng utang sa kabila ng hamon sa lokal at pandaigdigang ekonomiya. Sa kabuuang utang, P12.32 trillion ang domestic debt, samantalang P5.81 trillion ang external obligations ng bansa.

Patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang balanse sa paghiram at paggastos upang matiyak ang katatagan ng ekonomiya sa kabila ng mataas na utang.

Source: Bureau of Treasury/PR

Isang OFW mula sa Dagupan City, si Dorothy Viloria, ay pumanaw kamakailan sa Kuwait. Ayon sa pamilya, huling nakausap si...
05/03/2026

Isang OFW mula sa Dagupan City, si Dorothy Viloria, ay pumanaw kamakailan sa Kuwait. Ayon sa pamilya, huling nakausap siya ng kanilang anak sa telepono bago siya tuluyang nawala. Natagpuan siya sa ospital matapos hindi na makaligtas sa biglaang pangyayari.

Sa kabila ng lungkot at pangungulila, kasalukuyang inaasikaso ng pamilya at ng pamahalaan ang pagpapauwi ng kanyang katawan upang makapagpaalam sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay. Ang trahedyang ito ay paalala sa lahat ng sakripisyo at hirap na dinaranas ng ating mga OFW para sa kanilang pamilya.

Sa mga kaibigan at kababayan, ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa at bigyan ng lakas ang kanyang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.

📸: Jing-Jing Viloria/FB

LIBRENG BIRTH AT MARRIAGE CERTIFICATE SA MGA KABABAIHAN NGAYONG BUWANLibre ang pagkuha ng kopya ng birth at marriage cer...
05/03/2026

LIBRENG BIRTH AT MARRIAGE CERTIFICATE SA MGA KABABAIHAN NGAYONG BUWAN

Libre ang pagkuha ng kopya ng birth at marriage certificate para sa kababaihan tuwing Lunes ngayong Marso 2026, bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Handog ng ito ng Civil Registration Service (CRS) at makukuha nang libre ang dokumento sa mga piling CRS Outlet sa Metro Manila.

Courtesy: Philippine Statistics Authority/FB

Address

Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hakbang Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share