05/10/2025
ASTRONAUT NA 178 ARAW SA KALAWAKAN, NAGSABI: " NAMUMUHAY TAYO SA ISANG KASINUNGALINGAN"
Matapos ang halos anim na buwang pananatili sa kalawakan, inamin ni astronaut Ron Garan na nagbago ang kanyang pananaw sa buhay at naniniwalang kailangang baguhin ng sangkatauhan ang kanilang mga prayoridad.
Si Garan, na nakalibot ng 2,842 beses sa mundo at bumiyahe ng 71 milyong milya, ay nakaranas ng tinatawag na “overview effect” — ang kakaibang pakiramdam ng pagkakita sa Earth mula sa kalawakan.
Ayon kay Garan, mula sa bintana ng International Space Station, nasilayan niya ang manipis na atmospera ng mundo na siyang bumubuhay sa lahat ng nilalang. Doon niya napagtanto na ang ating mga sistema ay mas inuuna ang ekonomiya kaysa sa kaligtasan ng planeta.
“I saw a biosphere teeming with life, I didn’t see the economy … it’s obvious from space that we’re living a lie,” ani Garan.
Binigyang-diin niya na kailangang baguhin ng tao ang pananaw: mula sa “economy, society, planet to planet, society, economy.” upang mapanatili ang buhay sa mundo.
Katulad din ng unang cosmonaut na si Yuri Gagarin at maging ng aktor na si William Shatner na nakalipad sa kalawakan noong 2021, ipinaalala ni Garan na ang labis na pagkasira ng kalikasan ay resulta ng ating maling pagtuon sa pera kaysa sa buhay.
Dagdag niya, hindi pa huli ang lahat: “Kapag natutunan nating iwan ang ‘kami laban sa kanila’ na kaisipan at yakapin ang ugnayan ng lahat ng bagay, doon natin tunay na mararanasan ang liwanag ng kinabukasan.”
Source: Tyla
Ccto: GisingTala