Marikina City Today

Marikina City Today πŒπ€π‘πˆπŠπˆππ€β€™π¬ π“πŽπ 𝐍𝐄𝐖𝐒 πŒπ€π†π€π™πˆππ„

Follow and Subscribe Marikina City Today

πŸ“©[email protected]

OVP, NAGPAHAYAG NG PAKIKIRAMAY SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA CEBUNagpahayag ng pakikiramay ang Office of the Vice Presiden...
01/10/2025

OVP, NAGPAHAYAG NG PAKIKIRAMAY SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA CEBU

Nagpahayag ng pakikiramay ang Office of the Vice President (OVP) ngayong Miyerkules, Oktubre 1, sa mga pamilyang naulila ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Cebu kagabi.

Dagdag pa ng OVP, magpapadala sila ng tulong sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng kanilang mga satellite offices sa Central Visayas, Eastern Visayas, at sa mga isla ng Panay at Negros.

Layunin ng hakbang na ito na mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima at makapagbigay ng suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

01/10/2025

SAYANG ORAS SA COMPUTER SHOP

Nahuli sa CCTV ang isang teenager na tila walang iniintinding lindol habang yumanig ang paligid. Makikita sa video na sandaling lumingon siya bago muling bumalik sa harap ng kanyang computer nang kalmado.

πŸ“Ή Courtesy: JC Dela Fuente/TikTok


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

TINGNAN: SITWASYON SA BOGO CITY CEMETERY MATAPOS ANG LINDOLMakikita ang pinsalang iniwan ng magnitude 6.9 na lindol sa B...
01/10/2025

TINGNAN: SITWASYON SA BOGO CITY CEMETERY MATAPOS ANG LINDOL

Makikita ang pinsalang iniwan ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City Cemetery nitong Miyerkules, Oktubre 1, 2025, matapos yumanig ang lungsod kagabi, Setyembre 30.

Apektado ang ilang nitso at estruktura sa sementeryo, kaya nagpatupad ng pansamantalang pagsasaayos ang lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bumibisita.

Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad sa mga apektadong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang karagdagang pinsala.

πŸ“· Courtesy: Ang Lungsod sa Catmon Karon


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

BARMM ELECTIONS, 'DI NA TULOYHindi na magaganap ang unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parlia...
01/10/2025

BARMM ELECTIONS, 'DI NA TULOY

Hindi na magaganap ang unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections na nakatakda sa Oktubre 13, ayon sa desisyon ng Supreme Court (SC).

Nilinaw ng Korte na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58 at No. 77 na nag-redistribute sa parliamentary districts na orihinal na nakalaan sa Sulu.

Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, kailangang makapagdesisyon ang Bangsamoro Transition Authority hinggil sa parliamentary districts hanggang Oktubre 30, 2025.

Inaatasan naman ng Korte ang Commission on Elections (COMELEC) na isagawa ang BARMM elections bago mag-March 2026.


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

BAYANIHAN, SA GITNA NG SAKUNA YAN ANG TATAK PINOY!Nagtungo ang ilang volunteers sa kapitolyo ng Cebu upang magdala ng do...
01/10/2025

BAYANIHAN, SA GITNA NG SAKUNA YAN ANG TATAK PINOY!

Nagtungo ang ilang volunteers sa kapitolyo ng Cebu upang magdala ng donasyon at tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol ngayong Miyerkules, Oktubre 1.

Kabilang sa mga tumulong ang 100 medical students, health workers, at mga residente na nakahandang sumuporta sa mga relief at medical operations para sa mga nasalanta.

Ipinapakita ng pagkakaisa at bayanihan ng mga Cebuanos ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

πŸ“· Courtesy: Cebu Province/Facebook


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

01/10/2025

STAFF SUMINGIT SA ILALIM NG LUTUAN PARA MAKALIGTAS SA LINDOL

Makikita sa viral video na ibinahagi ng isang residente ang isang staff na sumingit sa ilalim ng lutuan sa kusina upang makaligtas sa malakas na lindol na yumanig sa hilagang bahagi ng Cebu at iba pang lugar nitong Martes, Setyembre 30 ng gabi.

Ayon sa video, tumagal ang malakas na pagyanig ng mahigit 30 segundo kaya nagdulot ng malawakang pinsala sa maraming lugar.

Base sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), humigit-kumulang 60 ang kumpirmadong nasawi sa insidente, karamihan ay mga residente ng Bogo City kung saan natunton ang sentro ng magnitude 6.9 na lindol.

πŸ“Ή Courtesy: Adrian Alison


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

THANK YOU FOR YOUR SERVICE🫑Ipinagluluksa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagpanaw ng kanilang personnel na si FO2...
01/10/2025

THANK YOU FOR YOUR SERVICE🫑

Ipinagluluksa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagpanaw ng kanilang personnel na si FO2 Allier Vincent Catadman habang nagsasagawa ng duty nang bumagsak ang San Remigio Sports Complex dahil sa magnitude 6.9 na lindol nitong Martes, Setyembre 30.

Ayon sa BFP, "We honor his service, bravery, and sacrifice. Our thoughts and prayers are with his family, especially his wife and young child."

Patuloy na nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar habang nagbibigay-pugay sa mga nasugatan at nasawi sa trahedya.

πŸ“Έ Courtesy: BFP


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

OVP, NAGHATID NG TULONG SA MAHIGIT 3,000 PAMILYA SA CAGAYANMahigit 3,000 pamilya sa Cagayan ang nakatanggap ng ayuda mul...
01/10/2025

OVP, NAGHATID NG TULONG SA MAHIGIT 3,000 PAMILYA SA CAGAYAN

Mahigit 3,000 pamilya sa Cagayan ang nakatanggap ng ayuda mula sa Office of the Vice President (OVP) matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo sa nasabing lugar.

Ayon sa OVP Disaster Operations Center at OVP-Cagayan Valley Satellite Office, 1,265 pamilya sa bayan ng Amulung at 2,062 pamilya sa Alcala ang naabutan ng food packs ngayong Miyerkules, Oktubre 1.

Bawat food pack ay naglalaman ng 5kg commercial rice, 3 canned corned beef, at 3 canned tuna upang pansamantalang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong residente.

πŸ“Έ Courtesy: Office of the Vice President of the Philippines/Facebook


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

SEN. LACSON PINALIWANAG ANG LITRATO KASAMA ANG MAG-ASAWANG DISCAYANagpaliwanag si Senador Ping Lacson sa larawan na kuma...
01/10/2025

SEN. LACSON PINALIWANAG ANG LITRATO KASAMA ANG MAG-ASAWANG DISCAYA

Nagpaliwanag si Senador Ping Lacson sa larawan na kumalat sa social media ay kuha pa noong unang bahagi ng 2025, bago maupo bilang Senador si Lacson. Anya dinala siya ng campaign supporter mula Davao City na si Fred Villaroman upang personal na imbitahan sa isang campaign rally ng mga Discaya, ngunit tinanggihan niya ang paanyaya.

Ayon sa ulat, ginawa ito ni Sen. Lacson bilang paggalang kay SP Tito Sotto at sa iba pang party-list groups na sumusuporta sa kanya, at wala ring anumang campaign donation na ibinigay ang mga Discaya. Ito rin ang huling pagkakataon na nakasalamuha ni Sen. Lacson ang mga Discaya sa labas ng Blue Ribbon Committee.

Pinabulaanan rin na may espesyal na pagtrato si Sen. Lacson sa kanila sa mga hearings ng Blue Ribbon. Maliwanag na layon ng pagkalat ng larawan sa social media ang siraan ang kredibilidad at reputasyon ng senador.

Basahin ang buong ulat sa comment section para sa detalyadong paliwanag.


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

MALAKAS NA LINDOL, NAG-IWAN NG PINSALA SA YOLANDA VILLAGEGanito ang iniwang pinsala ng 6.9-magnitude na lindol sa bahagi...
01/10/2025

MALAKAS NA LINDOL, NAG-IWAN NG PINSALA SA YOLANDA VILLAGE

Ganito ang iniwang pinsala ng 6.9-magnitude na lindol sa bahagi ng Yolanda Village sa Pulambato, Bogo City. Ilang kabahayan ang gumuho habang naiulat ang pagkasawi ng ilang residente.

Patuloy ang rescue at relief operations ng mga awtoridad at volunteers upang matulungan ang mga nasalanta at mabigyan ng agarang tulong.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto sa posibleng aftershocks at sumunod sa mga safety protocols habang nagpapatuloy ang clearing at assessment ng pinsala.

πŸ“Έ via The Freeman / Rowena Capistrano


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

MULA SA PUSO NI ZSA ZSA: DONASYON PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA CEBUPersonal na nagtungo si singer Zsa Zsa Padilla sa...
01/10/2025

MULA SA PUSO NI ZSA ZSA: DONASYON PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA CEBU

Personal na nagtungo si singer Zsa Zsa Padilla sa Kapitolyo ng Cebu ngayong Miyerkules, Oktubre 1, upang magbigay ng donasyon para sa libu-libong biktima ng malakas na lindol sa lalawigan.

Umaapela ang ilang munisipalidad at siyudad sa Cebu, lalo na ang Bogo City, ng tulong dahil sa matinding pinsala na idinulot ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa rehiyon kagabi.

Pinuri ang kabutihang-loob ng artista habang nagpapatuloy ang relief operations at pamamahagi ng tulong sa mga apektadong komunidad.

πŸ“Έ Photo courtesy of Cebu Governor Pam Baricuatro/Facebook


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

SEN. RISA, NAGPADALA NG TUBIG SA CEBU PROVINCIAL HOSPITALNaghatid ng dalawang truck ng inuming tubig ang grupo ni Senato...
01/10/2025

SEN. RISA, NAGPADALA NG TUBIG SA CEBU PROVINCIAL HOSPITAL

Naghatid ng dalawang truck ng inuming tubig ang grupo ni Senator Risa Hontiveros sa Cebu Provincial Hospital matapos makumpirmang kapos ang supply dahil sa pinsalang idinulot ng magnitude 6.9 na lindol sa lalawigan.

Ayon sa Facebook post ng senador, kinausap ng kanyang staff si Dr. Yurangco, head ng ospital, upang ma-assess ang iba pang agarang pangangailangan ng mga kababayang naapektuhan ng lindol.

"Patuloy tayong nagdarasal para sa ating mga kababayan sa Cebu πŸ™πŸΌ," dagdag pa ni Sen. Hontiveros habang nagpapatuloy ang relief at support operations.

πŸ“Έ Courtesy: Senator Risa Hontiveros/Facebook


Subscribe to our Official page: facebook.com/MarikinaCityToday/subscribe

Address

Marikina City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina City Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marikina City Today:

Featured

Share

Sec. Mark Villar

Mark Aguilar Villar (born August 14, 1978) is a Filipino politician and businessman currently serving as the Secretary of Public Works and Highways of the Philippines. He is the son of former Senate President and 2010 presidential candidate Manny Villar and incumbent Senator Cynthia Villar. He served as the Representative of Las PiΓ±as in the Philippine House of Representatives and has also previously held executive positions in his family's real estate businesses. A member of the Nacionalista Party, Villar was appointed by President Rodrigo Duterte to join his Cabinet on May 17, 2016 and assumed office upon his resignation from Congress on August 1, 2016 replacing Rafael Yabut