08/04/2021
FYI mga Titas
MARIKINA ONLINE REGISTRATION PARA SA BAKUNA LABAN SA COVID-19
…
Humihingi po ng paumanhin ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina, sa pangunguna ni Mayor Marcy sa nangyaring kaguluhan kahapon dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga senior citizens sa Vaccination Center. Mayroon pong doktor mula sa City Health Office ang nagpakalat ng maling impormasyon na maaaring pumunta lahat ng senior citizens kahit walang stub. Gayunman, personal pong isinaayos at pinamahalaan ni Mayor Marcy ang proseso ng pagbabakuna ng lahat ng nag walk-in na Seniors ng supply ng AztraZeneca vaccines. Ipinagamit ni Mayor maging ang dapat na natira para sa mga Frontliners o Healthworkers. Hindi pa rin po sumapat sa dami ng nagwalk-in na Seniors ang Aztra Zeneca vaccines ng lungsod kaya’t ipinaliwanag po na ipepreregister or inilista ang lahat ng naubusan kahapon.
Upang maiwasan po ang pagdagsa at masiguro ang kaligtasan ng mga babakunahan at kaayusan sa vaccination center, BY SCHEDULE o BY APPOINTMENT po ang pagpunta sa vaccination site. Maghintay ng text, tawag o email na manggagaling sa Marikina LGU or barangay (stub).
Upang maging mabilis ang pag-access sa Online Registration Sites para sa Bakuna laban sa Covid-19, mayroong hiwalay na registration LINKS ang mga PRIORITY GROUPS na senior citizens (A2), senior citizens na bedridden (A2 subcategory 2), at persons with comorbidities (A3). Ang mga registrants sa kategoryang ito ang mga prayoridad sa kasalukuyang pagbabakuna at sa paparating na mga bakuna sa Hulyo, 2021.
ONLINE REGISTRATION STEPS:
1. Ihanda ang iyong valid ID na may address at lagda at supporting documents para sa mga mayroong comorbidity (A3 category)
2. Mag-register base sa kategorya:
- Link para sa Senior citizens (A2) https://bit.ly/2R6k2gr
- Link para sa Senior citizens who are bedridden (A2.2) https://bit.ly/3cVUWJN
- Link para sa Persons with Comorbidities (A3) https://bit.ly/2PAxDwl
- Link para sa ALL other categories https://bit.ly/31XxoxH
3. Siguruhin na natapos o successful ang registration process at nakatanggap ng mensahe na nakalagay ang iyong pangalan at control number
Para sa iyong gabay o reference, matatagpuan ang listahan ng mga prayoridad na sektor o grupo para sa VACCINATION o pagbabakuna laban sa Covid-19 at iba pang mga impormasyon sa facebook post na ito ng Marikina PIO https://www.facebook.com/552721801408793/posts/4613210052026594/?sfnsn=mo