17/11/2025
🚨 BABALA SA LAHAT NG HAMSTER OWNERS AT FOLLOWERS 🚨
Nais po naming i-alert ang lahat tungkol sa page ng hamster adik. Marami na po kaming nakukuhang reklamo dahil sa page na ito. Huwag po tayong magpauto.
❗ Fake raffle na hindi totoong pinamimigay ang premyo.
❗ Pagbebenta ng hamsters na pinturahan lang ng asul at ibinebenta bilang “blue genes”
❗ Pagpapakita sa iba niyang mga member na mapera at may mga kotse siya pero hindi kanya.
❗ Pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa tamang hamster care. (Pag gamit ng harina as Sand bath, paglagay ng isda sa water bottle, pagpapatubo ng mga lumot sa waterbottle na hindi nililinis, atbp.)
Binlock ng PHA ang PHK dahil ayaw netong ma expose siya sa mga maling gawain niya pero para sa kaligtasan ninyo at ng inyong alaga, iwasan at huwag makipag-transact sa page na ito.
Ang goal namin ay protektahan ang hamster community at tiyaking tama, ligtas, at may responsableng pag-aalaga. 🐹💛
Kung may na-experience kayong kahina-hinala, huwag mag-atubiling mag-message sa amin.
PS: Nasa comment section ang mga ebidensya. Feel free ishare ito para wala nang ibang taong mabiktima.
For Awareness Post.