S'bang Ka Mindanao

S'bang Ka Mindanao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from S'bang Ka Mindanao, News & Media Website, Marikina City.

A community media outfit that brings stories on peace & social justice from Mindanao & the Bangsamoro.

๐Ÿšจ Para sa , i-PM o i-text ang iyong mga report sa 0968 328 1227.

09/09/2026

๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ฒ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ ๐—ธ๐—ผ ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  ๐—•๐—ฎ๐—น๐—น๐—ผ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ? ๐Ÿ—ณ๏ธ

Giya kawma a September 14, na giyapn a boto so mga taw sa Bangsamoro sa pembโ€™tuwan iran sa regional parliamentary election.
Imanto na kiyatumawanka so mga posisyon a gโ€™maw ago kailay nga sa balota samanaya na panimikiranka so party ago mga kandidato a botoan ka. Boto ka piya-piya, ka sii kisabap so maorian o Bangsamoro region ko botonka.

Pakalankapanka giya a kaiimportante o kapamangpud ago kaboto sa gya kawmaa BARMM Election kapakay a i-share ka giya a video para mas madakula.

๐Ÿ’ก Ibinuo ang explainer video na ito kasama ang Rappler, Institute for Autonomy and Governance, Sโ€™bang Ka Mindanao at Sโ€™bang Ka Marawi. Ibinuo ang explainer video na ito sa pamamagitan ng suporta mula sa Brot fรผr die Welt.

๐ŸŽ™๏ธ Bidyo at boses ni Nurainie Kim/Sโ€™bang Ka Marawi

๐ŸŽฅ Bidyo at edit likha ni Ronald M. Sayson/Sโ€™bang Ka Marawi



08/09/2026

๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฒ ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—บ ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ผ๐˜? ๐Ÿ—ณ๏ธ

Bali babo endo bapa kagina malgan den su BARMM Parliamentary elections na nasisita na katawan taw u panun ba e nga ukit nu kapedtendo tanu.

Pamili ka sa mapya a kapamili, kagina saben-sabenal na su nganin a matala nu Bangsamoro sa kanu mga mauma a lagun na endu timpu, na sya ba intu ped sabap sa kanu entayn i initendu nengka.

๐Ÿ’ก Ibinuo ang explainer video na ito kasama ang Rappler, Institute for Autonomy and Governance, Sโ€™bang Ka Mindanao at Sโ€™bang Ka Maguindanao. Ibinuo ang explainer video na ito sa pamamagitan ng suporta mula sa Brot fรผr die Welt.

๐ŸŽฅ Boses, bidyo at edit ni Samarudin Samsudin/Sโ€™bang Ka Mindanao



๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Š๐€๐๐˜๐€๐๐€๐ ๐œ๐จ๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฌ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ, ๐’๐ฎ๐ฅ๐ฎPATIKUL, Sulu โ€” Itinurn-over noong Set...
08/09/2026

๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Š๐€๐๐˜๐€๐๐€๐ ๐œ๐จ๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฌ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ, ๐’๐ฎ๐ฅ๐ฎ
PATIKUL, Sulu โ€” Itinurn-over noong Setyembre 6 ang 100 core shelter units sa Barangay Langhub, Patikul, Sulu, bilang bahagi ng 150 housing units na ipinatutupad sa apat na barangay sa Sulu sa ilalim ng Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) ng Bangsamoro Government.

May 50 units ang inilaan para sa Barangay Langhub at 50 units naman para sa Barangay Pangdanon sa Patikul. Samantala, tig-25 units naman ang inilaan sa Barangay Sapah Malawm at Barangay Pasil sa Indanan. Sa kabuuan, 150 housing units ang ilalaan para sa mga naturang komunidad. Ang mga core shelter ay may solar-powered lighting at water system component na, mga pasilidad na bahagi ng disenyo ng KAPYANAN upang matugunan ang ilan sa pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang tatanggap ng mga bahay.

๐Ÿ“ฐ mula sa Matla' Sin Sulu

๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Š๐€๐๐˜๐€๐๐€๐ ๐œ๐จ๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฌ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ, ๐’๐ฎ๐ฅ๐ฎ

PATIKUL, Sulu โ€” Itinurn-over noong Setyembre 6 ang 100 core shelter units sa Barangay Langhub, Patikul, Sulu, bilang bahagi ng 150 housing units na ipinatutupad sa apat na barangay sa Sulu sa ilalim ng Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) ng Bangsamoro Government.

May 50 units ang inilaan para sa Barangay Langhub at 50 units naman para sa Barangay Pangdanon sa Patikul. Samantala, tig-25 units naman ang inilaan sa Barangay Sapah Malawm at Barangay Pasil sa Indanan. Sa kabuuan, 150 housing units ang ilalaan para sa mga naturang komunidad. Ang mga core shelter ay may solar-powered lighting at water system component na, mga pasilidad na bahagi ng disenyo ng KAPYANAN upang matugunan ang ilan sa pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang tatanggap ng mga bahay.

Kabilang sa mga nanguna sa turnover at ribbon-cutting ceremony ang mga opisyal ng Patikul LGU at District Engineer ng Ministry of Public Works (MPW) 1st District Engineering Office, na si Engr. Ajan S. Ajijul, na naging katuwang ng BARMM Office of the Chief Minister sa pagpapatupad ng mga imprastraktura.

Nagpasalamat naman ang LGU-Patikul sa suporta ng Bangsamoro Government sa mga komunidad sa Patikul, partikular sa mga pamilyang nangangailangan ng mas ligtas at maayos na tirahan.

Ang KAPYANAN, o Kapayapaan sa Pamayanan, ay isang flagship housing initiative ng Office of the Chief Minister ng BARMM na dating kinabibilangan ng Sulu bago pa ang exclusion nito noong 2024. Ang proyekto ay naglalayong magbigay ng core shelters sa mga marginalized na komunidad, kabilang ang internally displaced households at mga pamilyang naapektuhan ng armed conflict.

Mula nang ilunsad ang programa, naipatupad na ang mga KAPYANAN housing project sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Bangsamoro, kabilang ang mga komunidad sa Sulu, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte. Sa Sulu, ilang housing projects na rin ang naipatupad sa ilalim ng programa. Noong Abril 2026, 50 core shelter units ang itinurn-over sa Barangay Malanta, Pandami, Sulu bilang bahagi ng mga hakbang ng programa na magbigay ng permanenteng tirahan sa mga vulnerable na pamilya.

Mga sanggunian:

Bangsamoro Information Office. (2022, July 14). OCM flagship programs undergo rigorous assessment. Bangsamoro Government. https://bangsamoro.gov.ph/news/latest-news/ocm-flagship-programs-undergo-rigorous-assessment

Bangsamoro Information Office. (2025, August 18). 50 indigent families in Sulu village find security with new homes from BARMM. Bangsamoro Government. https://bangsamoro.gov.ph/news/feature-story/a-shelter-for-every-family-kapyanan-uplifts-sulus-marginalized-communities

Municipality of Patikul. (2026, September 6). Housing turnover ceremony: New shelter units delivered to Patikul residents! https://www.facebook.com/share/p/1GJVwH33cj/

08/09/2026

๐Ÿ”Ž ๐—™๐—”๐—–๐—ง ๐—–๐—›๐—˜๐—–๐—ž | ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฒ-๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐˜†๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€

Kumakalat sa Facebook ang isang post na nagsasabing magbabantay ang Turkish police sa darating na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.

Hindi ito totoo.

Makikita sa post na mali ang pagkakagamit ng litrato ng Turkish Police Organization o ร‡evik Kuvvet dahil mula pa ito sa kanilang parada sa Kayseri, Tรผrkiye noong Abril 10, 2026. Sa kasalukuyan, hindi sila matatagpuan sa BARMM.

Sa ulat ni Ali Macabalang ng The Manila Times noong Setyembre 8, 2026, iniulat nito na inaanyayahan lamang ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) ang embahada ng Tรผrkiye para maging bahagi ng international election monitors para sa tapat na pagpapatupad ng peace process sa pagitan ng M**F at pamahalaan ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, miyembro ang Tรผrkiye ng International Monitoring Team (IMT) na katuwang ng M**F at pamahalaan ng Pilipinas sa peace process. Wala pang naging opisyal na tugon ang embahada sa M**F.

โœ๐Ÿฝ Ulat ng S'bang Ka Mindanao






๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป
https://www.dailysabah.com/turkiye/turkish-police-maintain-public-safety-mission-for-181-years/news

https://www.manilatimes.net/2026/09/08/regions/milf-wants-turkey-to-witness-first-barmm-elections/2420098

๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟSAGUIARAN, La...
08/09/2026

๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ

SAGUIARAN, Lanao del Sur โ€” Family planning, wastong nutrisyon at pangangalaga sa ngipin ang ilan sa mga health concerns na tinalakay sa isinagawang health education activity ng Rural Health Unit (RHU) ng Saguiaran sa Pagalamatan Permanent Shelter noong Agosto 27, 2026.

Tinatayang 60 residente ng shelter, kabilang ang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya, ang lumahok sa programa na isinagawa sa gymnasium ng shelter.

๐Ÿ“ฐ mula sa S'bang Ka Marawi

๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ

SAGUIARAN, Lanao del Sur โ€” Family planning, wastong nutrisyon at pangangalaga sa ngipin ang ilan sa mga health concerns na tinalakay sa isinagawang health education activity ng Rural Health Unit (RHU) ng Saguiaran sa Pagalamatan Permanent Shelter noong Agosto 27, 2026.

Tinatayang 60 residente ng shelter, kabilang ang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya, ang lumahok sa programa na isinagawa sa gymnasium ng shelter.

Bahagi ito ng paggunita sa Family Planning Month, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na impormasyon at access sa reproductive health at family planning services.

Ipinaliwanag ni Bernadin Saber, midwife ng Rural Health Unit ng Saguiaran, ang iba't ibang ligtas at makabagong pamamaraan ng family planning at ang kahalagahan ng tamang pagitan ng pagbubuntis.

Ayon sa health workers, mahalaga ang family planning hindi lamang sa pagpaplano ng bilang at pagitan ng mga anak kundi maging sa pangangalaga sa kalusugan ng ina at anak.

Sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya, nabibigyan din ang mga magulang ng pagkakataong mapaghandaan ang pangangailangan ng kanilang mga anak, kabilang ang pagkain, edukasyon at pangangalagang pangkalusugan.

Ang family planning ay kabilang sa mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay at isinusulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga health facility at local health office. Layunin nitong matulungan ang mga pamilya na makapagdesisyon nang naaayon sa kanilang pangangailangan, kalagayan at kalusugan.

Kasunod na tinalakay ni Dr. Apasra Macala ang wastong pangangalaga sa ngipin at gilagid. Ipinaalala niya sa mga residente ang tamang pagsisipilyo, regular na dental check-up at pag-iwas sa mga sanhi ng pagkasira ng ngipin.

Mahalaga ang oral health lalo na sa mga bata dahil ang mga problemang hindi agad natutugunan ay maaaring makaapekto sa pagkain at iba pang pang-araw-araw na gawain.

Samantala, tinalakay naman ni Nurse Casamina Dimacaling ang kahalagahan ng sapat at balanseng nutrisyon para sa paglaki at development ng mga bata. Ipinaalala rin niya sa mga magulang ang kahalagahan ng regular na pagsubaybay sa timbang, taas at iba pang developmental milestones ng mga bata upang mas maagang matukoy ang posibleng problema sa nutrisyon o development. Isa sa mga kondisyong maaaring maiwasan o matugunan sa pamamagitan ng maagang intervention ay ang stunting o pagkabansot, na karaniwang nauugnay sa pangmatagalang kakulangan sa nutrisyon at iba pang salik.

Ayon sa mga health worker, mahalaga ang community-based health education dahil hindi lamang paggamot sa sakit ang saklaw ng serbisyong pangkalusugan. Kabilang din dito ang disease prevention, health education at pagbibigay ng impormasyon upang matulungan ang mga residente na makagawa ng mas maayos na desisyon para sa kanilang kalusugan.

Lalo itong mahalaga sa mga komunidad gaya ng permanent shelter kung saan may mga pamilyang maaaring mangailangan ng regular na impormasyon at access sa iba't ibang serbisyong pangkalusugan. Namahagi rin ang RHU-Saguiaran ng hygiene kits at iba pang premyo sa mga kalahok.

Para kay Norhana Pacalangot, mahalaga ang mga impormasyong ibinahagi dahil may direktang kaugnayan ang mga ito sa pangangalaga sa kanilang pamilya.

โœ๐Ÿ“ทSulat at kuha ni Aquidah Abdulmon-im, S'bang Ka Marawi Patroller

๐Ÿฒ ๐—ก๐—” ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ฆ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—ข. Matapos ang ilang reset, itutuloy na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections...
08/09/2026

๐Ÿฒ ๐—ก๐—” ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ฆ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—ข.

Matapos ang ilang reset, itutuloy na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.

Sa susunod na taon, matatapos na rin ang walong taong transition period ng rehiyon magmula noong maipasa ang Bangsamoro Organic Law noong 2019.

Ano ang inaasahan mong pagbabago matapos ang unang BARMM Elections?



 #๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | ๐Ÿญ๐Ÿฏ ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ COTABATO CITY โ€” Naglatag ng...
07/09/2026

#๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | ๐Ÿญ๐Ÿฏ ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

COTABATO CITY โ€” Naglatag ng kani-kanilang panukala ang 13 regional political parties na kalahok sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections Debate na isinagawa noong Agosto 27, 2026 sa Cardinal Quevedo Gymnasium ng Notre Dame University sa Cotabato City.

Inorganisa ang debate ng Institute for Autonomy and Governance (IAG) at Independent Election Monitoring Center (IEMC BARMM), katuwang ang Notre Dame University. Nakasentro ang talakayan sa tatlong pangunahing tema: economy and human development, peace and security, at good governance.

Lumahok sa debate ang Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party (ABoT), Bangsamoro Party (BaPa), Bangsamoro Empowerment and Social Transformation Party (BEST Party), Bangsamoro Federalist Party (BFP), BARMM Grand Coalition (BGC), Indigenous, Settlers, Sama and Minorities Alliance (ISAMA) Party, Mahardika Party, Moro Ako Party, People's Consultative Party (Mushawara), Partido Bangon Bangsamoro (PBB), Progresibong Bangsamoro Party (PRO Bangsamoro), Bangsamoro Peoples' Democratic Party (Raayat Democratic Party), at United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Sa debate, tinalakay ng mga kalahok na partido ang kanilang mga posisyon sa ekonomiya at human development, peace and security, at good governance, kabilang ang mga usapin sa seguridad, kapayapaan, edukasyon, at transparency sa pamahalaan.

โœ๐Ÿ“ธUlat at kuha ng S'bang Ka Mindanao



๐Ÿฎ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜† ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปDalawang karagdagang Army battali...
05/09/2026

๐Ÿฎ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜† ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Dalawang karagdagang Army battalions ang ipinadala sa Lanao del Sur bilang bahagi ng paghahanda para sa seguridad ng unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

๐Ÿ“ฐ mula sa Sโ€™bang Ka Marawi

๐Ÿฎ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜† ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Dalawang karagdagang Army battalions ang ipinadala sa Lanao del Sur bilang bahagi ng paghahanda para sa seguridad ng unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

Ayon sa 1st Infantry โ€œTabakโ€ Division ng Philippine Army, isinagawa ang send-off ceremony para sa mga karagdagang tropa noong Agosto 31, kasabay ng paggunita sa National Heroes Day.

Sa kabuuan, nasa 10 infantry battalions na ang nakatalaga sa lalawigan, kabilang ang dalawang bagong provisional battalions. Nauna ring ipinadala ang 28th Infantry Battalion at 1st Scout Ranger Battalion para tumulong sa election security operations.

Inaasahan naman ang pagdating ng 3rd Special Forces Battalion bago ang halalan upang higit pang palakasin ang seguridad sa lalawigan.Mayroon ding armor at field artillery units na nakahandang sumuporta sa mga infantry forces, ayon sa Army.

Dagdag pa ng Philippine Army na makikipag-ugnayan ang mga nakatalagang sundalo sa Philippine National Police, Commission on Elections at iba pang ahensya para matiyak ang ligtas at maayos na proseso ng halalan.

Sa send-off ceremony, hinimok ni 1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr. ang mga sundalo na manatiling propesyonal, disiplinado at patas sa kanilang tungkulin, at igalang ang karapatan ng bawat botante.

Ayon sa Army, layunin ng deployment na makatulong na mapanatili ang ligtas na kapaligiran upang makaboto nang malaya ang mga kwalipikadong botante nang walang pangamba o pananakot sa araw ng Bangsamoro election.

โœ Ulat ni Nosaira Gasmala, S'bang Ka Marawi Reporter

Sanggunian:

Agonoy, L. D. (2026, September 1). Army deploys 2 more provisional battalions for BARMM polls. Inquirer.net. https://www.inquirer.net/486955/army-deploys-2-more-provisional-battalions-for-barmm-polls/

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | S'bang Ka Maguindanao community patrollers,  lumahok sa refresher session tungkol sa BARMM Parliamentary...
05/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | S'bang Ka Maguindanao community patrollers, lumahok sa refresher session tungkol sa BARMM Parliamentary Elections bilang paghahanda sa media coverage ng kauna-unahang eleksiyon ng rehiyon sa Setyembre 14, 2026.

๐Ÿ“ฐ mula sa Sโ€™bang Ka Maguindanao

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Community journalists from Cotabato City, Marawi City and other municipalities from Lanao del Sur, Magui...
05/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Community journalists from Cotabato City, Marawi City and other municipalities from Lanao del Sur, Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte re-learn the processes of the BARMM Parliamentary Elections in preparation for election coverage on September 14, 2026.

Atty. Helen Maureen Graido from the Legal Network for Truthful Elections (LENTE) discusses the historical transition of the region to a parliamentary form of government and the technical process of voting.

Editor's Note: Today's S'bang Ka Refresher Session is possible through the support of Brot fรผr die Welt, under IDEALS, Inc.'s (Strengthening Peopleโ€™s Actions for Human Rights and Kalilintad/Peace) project.



Address

Marikina City
1800

Telephone

+639175790667

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when S'bang Ka Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to S'bang Ka Mindanao:

Shortcuts

Share