SiniCo Production

SiniCo Production Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SiniCo Production, Film/Television studio, Sta. Elena High School, Marikina City.

21/10/2024
Congrats!
21/10/2024

Congrats!

21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT ✨️

Kilalanin si Sarmie, ang ating Artist of the Week! 🖌️🎨🧡

Si Sarmie, isang labing-pitong taong gulang na alagad ng sining mula sa Pasig City, ay mahilig lumikha ng malikhaing sining gamit ang makukulay na materyales. Patuloy niyang pinayayabong ang kaniyang pagmamahal sa sining. Bilang isang visual artist, higit pa niyang pinalawak ang pagkahilig sa sining nang matuklasan, matutunan, at yakapin ang iba't ibang anyo nito, tulad ng pagsulat ng tula, paggawa ng maikling pelikula, mixed media, paghuhulma, musika, pag-arte, at malikhaing pananaw, mula nang siya'y pumasok sa Senior High School🎨🎶. Bukod sa kaniyang talento, siya ay isang consistent honor student na matagumpay na nababalanse ang pagpapamalas ng kaniyang husay sa sining at pag-aaral🏅.

Kasalukuyan siyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na nagpapamalas ng galing sa visual arts, at itinalagang LIGHTS DESIGNER para sa nalalapit na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang panghuling pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Masigasig si Sarmie sa patuloy na pagpapayaman ng kaniyang kakayahan sa iba't ibang anyo ng sining. Ang kaniyang dedikasyon at kahusayan sa pagbabalanse ng sining at pag-aaral ay patunay ng tunay niyang pagmamahal sa sining at edukasyon.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT✨️

kilalanin si Yas, ang ating Artist of the Week! 🎥🎬

Si Yas, isang labing-pitong taong gulang mula sa Antipolo City, ay may likas na husay sa sining ng media. Nagsimula ang kanyang interes sa sining noong siya’y labing-tatlong taong gulang, at mula noon ay sinubukan niyang tuklasin ang iba’t ibang uri nito. Pinag-aralan niya ang pagguhit at paggamit ng mga instrumento tulad ng piano at ukulele, bagaman kalaunan ay huminto rin siya. Sa kasalukuyan, itinututok niya ang kanyang galing sa pagkuha ng mga litrato📸 upang higit pang mahubog ang kanyang talento. Bukod sa sining, si Yas ay isang honor student🏅 na may kahanga-hangang galing sa akademiko.

Siya ay kasalukuyang Grade 12 student sa Arts & Design Track, na dalubhasa sa media arts, at nakatalaga bilang SOUND DESIGNER para sa nalalapit na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Sa kabuuan, si Yas ay isang batang artist na may malalim na interes sa sining at kahusayan sa akademiko. Sa kabila ng mga hamon, patuloy niyang pinauunlad ang kanyang talento sa media at photography, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon at potensyal para sa hinaharap.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT ✨️

Kilalanin si Krisela, ang ating Artist of the Week! 🎥📷

Si Krisela, labing-walong taong gulang mula sa Sto. Niño, Marikina City ay isang mag-aaral ng Sining at Disenyo. Siya ay may kahusayan sa larangan ng multimedia at ang kanyang pokus ay ang pag-edit ng mga bidyo at pagkuha ng litrato🎞. Nagsimula ang kaniyang hilig sa media arts nang matuklasan niyang maaari palang mag-edit ng mga bidyo gamit lamang ang cellphone. Isang bagay na pumukaw sa kanya sa media art ay ang kanyang mga magulang—ang kanyang nanay na mahilig kumuha ng mga litrato at ang kanyang tatay na graphic designer. Bagaman wala siyang napanalunang mga parangal, nakasali siya sa LIYAB 2019 na naganap sa Philippine Normal University at naging bahagi ng Campus Newspaper bilang photographer✨️📷. Kaniyang inspirasyon sa paglikha ng mga bidyo at pagkuha ng mga larawan ay ang mga galak at kasiyahan ng mga taong kanyang nagawan.

Si Krisela ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng media arts at nakatalaga bilang TECHNICAL DIRECTOR sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Sa kabuuan, si Krisela ay isang masigasig na mag-aaral na patuloy na nagsusumikap sa sining na media, pinapanday ang kanyang kinabukasan sa pamamagitan ng talento at dedikasyon.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT✨️

Kilalanin si Harlle, ang ating Artist of the Week! 🎧🖊

Si Harlle, labing-pitong taong gulang mula sa San Mateo, Rizal, ay may husay sa tradisyonal at digital na sining🖌🎨. Patuloy niyang tinatahak ang mundo ng sining at nag-aaral ng iba pang anyo nito. Nagsimula ang kaniyang hilig sa sining noong siya ay labing-tatlong taong gulang. Ang kaniyang interes ay umusbong noong siya ay nasa ikatlong baitang, ngunit hindi ito tinuloy at nahinto nang siya ay tumungtong sa ikalimang baitang ng elementarya. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglikha ng sining nang magsimula ang long-distance learning, nang siya ay labing-tatlong taong gulang. Sa kasalukuyan, patuloy niyang hinahasa ang kaniyang kaalaman at kakayahan sa sining sa pamamagitan ng paggamit at paggawa ng iba't ibang uri nito.

Si Harlle ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng visual arts at nakatalaga bilang STAGE MANAGER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Marami at ibat-ibang uri ng sining ang nais niya na makita at magawa, kaya magsusumikap siyang palaguin ang kaniyang kakayahan at palawakin ang kaalaman sa mundo ng sining.




21/10/2024

ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT ✨️

Kilalanin si Yian, ang ating Artist of the Week! 🎀🌸

Si Yian, labing-walong taong gulang mula sa Antipolo City ay mahusay sa larangan ng sining biswal 🎨🖌️ at film media🎞. Nagsimula ang kanyang hilig sa sining noong siya ay bata pa lamang. Mahilig siyang lumahok sa mga patimpalak sa pagrampa, pagdisenyo ng mga damit at sa pagpinta👗🏆. Sa kasalukuyan, siya ay patuloy na nagpapakadalubhasa sa larangan ng pagpinta, at pagdisenyo ng mga damit nakikilahok sa mga pagsasanay upang higit pang mapaunlad ang kanyang kakayahan. Bagaman limitado pa ang kanyang karanasan, ang kanyang dedikasyon at pagnanais na matuto ay nagtutulak sa kanya upang mag-explore ng iba't ibang estilo at teknik sa sining biswal. Layunin ni Yian na ipakita ang kanyang talento at maging inspirasyon sa mga kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap sa sining.

Si Yian ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng visual arts at nakatalaga bilang COSTUME DESIGNER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Marami siyang mga layunin para sa kanyang sarili, kaya nagsusumikap siyang pahusayin ang kanyang mga kasanayan at paghusayin pa ang kanyang mga talento.




21/10/2024

ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT ✨️

Kilalanin si Nicolai, ang ating Artist of the Week! 🪩🕺

Si Nicolai, labing-pitong taong gulang mula sa Marikina City ay mahusay sa pagsayaw💃🏻, at sa larangan ng sining biswal🎨🖌️. Nagsimula ang kanyang hilig sa sining noong siya ay bata pa lamang. Mahilig siyang lumahok sa mga patimpalak sa pagguhit sa paaralan at nagkamit ng iba't ibang parangal at pagkilala🏆. Sa kasalukuyan, siya ay patuloy na nagpapakadalubhasa sa larangan ng pagsayaw, nakikilahok sa mga pagsasanay upang higit pang mapaunlad ang kanyang kakayahan. Bagaman limitado pa ang kanyang karanasan, ang kanyang dedikasyon at pagnanais na matuto ay nagtutulak sa kanya upang mag-explore ng iba't ibang estilo at teknik sa pagsayaw at gayundin sa sining biswal. Bukod sa kaniyang angking talento, siya rin ay isang consistent honor student🎖️. Layunin ni Nicolai na ipakita ang kanyang talento at maging inspirasyon sa mga kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap sa sining.

Si Nicolai ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng pagsayaw at nakatalaga bilang HAIRSTYLIST at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Marami siyang mga hangarin para sa kanyang sarili kaya nagsisikap siyang paunlarin ang kanyang mga kasanayan at mas lalo pang paigtingin ang kaniyang talento.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT ✨️

Kilalanin si Kels, ang ating Artist of the Week! 🎀🩷

Si Kels, labing-pitong taong gulang mula sa Cainta Rizal, ay dalubhasa sa larangan ng pagsayaw💃, sa sining biswal🎨🖌, at gayundin sa media arts🎥. Nagsimula ang kanyang hilig sa sining noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Mahilig siyang sumayaw at lumahok sa mga dance contests sa kanilang paaralan noong siya ay nasa elementarya at sekondarya. Siya rin ay lumalaban sa pagsayaw sa iba't-ibang baranggay, kung saan siya ay nagkamit ng iba't ibang mataas na parangal. At bilang parte ng LGBT, siya ay naging isang makeup artist at kontesera sa larangan ng miss gay . Nagkamit ito ng 1ST runner up, sagala 2ND runner up, at queen of pasig TOP 10 👑✨️. Kasalukuyan, patuloy niyang pinabubuti ang kanyang kakayahan at galing sa iba't ibang larangan ng sining. Bukod sa kaniyang angking talento, siya rin ay isang honor student na nagpapanatili ng maayos na marka habang balanseng isinasakatuparan ang pagpapamalas ng kaniyang talento.

Si Kels ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng pagsayaw at nakatalaga bilang MAKEUP ARTIST at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Ginamit niya ang kaniyang pundasyon upang suportahan at ipahayag ang kapayapaan sa isipan ng kaniyang komunidad bilang isang estudyanteng artista na sumusuporta sa tiwala na ipakita ang tunay na sarili. Ayon kay Kels, "Maaari kong ipahayag ang inspirasyong ito sa pamamagitan ng sining sa mas malawak na madla—hindi lamang sa aking agarang kapaligiran kundi pati na rin sa likas na mundo kung saan ang kalayaan ay sining."




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT✨️

Kilalanin si Arlesa, ang ating Artist of the Week!🎀🩷

Si Arlesa, labing-pitong taong gulang na mula sa Marikina City, ay dalubhasa sa media arts🎥, pagsayaw🎀, at gayundin sa sining biswal🎨🖌️. Nagsimula ang kanyang hilig sa sining noong siya ay bata pa lamang. Mahilig siyang gumuhit at lumahok sa poster-making contest sa kanilang paaralan noong siya ay nasa elementarya at high school, kung saan siya ay nagkamit ng iba't ibang parangal. Sa kasalukuyan, patuloy niyang pinabubuti ang kanyang kakayahan sa iba't ibang larangan ng sining, nag-eeksperimento sa mga bagong estilo at medium upang higit pang mapaunlad ang kanyang talento. Bukod sa kanyang angking talento, siya rin ay isang honor student na nagpapanatili ng maayos na marka habang balanseng isinasakatuparan ang pagpapamalas ng talento."

Si Arlesa ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng visual arts at nakatalaga bilang MAKEUP ARTIST at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Nagagawa niyang magsikap bilang isang artista at lumago bilang isang epektibong tagapagkuwento sa pamamagitan ng sining at disenyo dahil sa kanyang husay sa sining na nakabatay sa kanyang pundasyon bilang estudyante.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT✨️

Kilalanin si Jia, ang ating Artist of the Week!🎀💃

Si Jia ay labing-pitong taong gulang na artista mula sa San Mateo, Rizal. Natuklasan niya ang kaniyang interes sa sining noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Siya ay dalubhasa sa pagguhit, masipag na myembro ng Drum and Lyre band, at aktibong manananayaw sa kaniyang paaralan💃🪩. Muli siyang gumuhit ngayong senior high school upang pagbutihin ang kaniyang kakayahan sa sining biswal🎨🖌. Bukod sa kaniyang talento sa sining, may angking talino rin siya pagdating sa akademiko na nagresulta sa kaniyang pagiging consistent honor student mula elementarya hanggang senior high school.🏅

Si Jia ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng visual arts at nakatalaga bilang WARDROBE STYLIST at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Bilang isang student-artist, pinapanatili niya ang balanse ng kaniyang akademiko at pagmamahal sa sining. Sa pamamagitan nito ay makakamit niya ang tagumpay ng walang takot o pagsisisi.




21/10/2024

✨️ARTIST OF THE WEEK SPOTLIGHT✨️

Kilalanin si Binky, ang ating Artist of the Week!📷🕺

Si Binky, labing-walong taong gulang mula sa Marikina City, ay isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na mahusay sa sining biswal at media arts🎨🎥. Nagsimula siyang mamulat sa mundo ng sining noong siya ay limang taong gulang pa lamang at tuluyang naipamalas ang talento sa pagiging aktibo sa iba't ibang kaganapan sa paaralan at nagkamit ng iba't ibang parangal. Nagsimula rin ang kanyang kahusayan sa digital art pagtungtong niya sa ika-limang baitang at mas pinagbuti pa ito hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, lalo pang lumalawak ang kaniyang interes sa sining at patuloy na nililinang ang iba't ibang aspeto tulad ng musika at pagsayaw🎶🕺. Sa kaniyang patuloy na paglikha sa larangan ng sining, kaniyang napagtanto na, "ang pagiging mulat at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa sining ang siya mismong makakapagpabago sa ating sarili”.

Si Binky ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng media arts at nakatalaga bilang PUBLICITY DIRECTOR at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.

Sa patuloy na pagkatuto at paglinang sa mga kakayahan ni Binky, mas lumalawak ang kaniyang kaalaman sa iba't-ibang anyo ng sining. Sa bawat pagharap sa mga pagsubok bilang isang mag-aaral ng sining at disenyo, ang bawat hakbang na kaniyang tinatahak ay mahalaga sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap upang maipamalas ang kaniyang angking kakayahan sa mundo ng sining.




Address

Sta. Elena High School
Marikina City
1811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SiniCo Production posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Featured

Share