Team BO.klog

Team BO.klog all about our cousins blog.

03/03/2024

Team BO.klog's broadcast

21/02/2024

Kahit ano pang Taas ng Estado mo sa buhay, Wag na wag Magbabago ang Pakikitungo mo sa Ibang Tao.

Wag mo Ilalagay ang Lahat sa Ulo mo, Kundi sa Puso.

Naniniwala ako, na Kahit ano pang Yaman, Impluwensya, o Katanyagan ang meron ka, Darating ka pa rin sa punto na "Manlilimos" ka.

Kapag Malungkot ka, Manlilimos ka ng Kasiyahan.

Kapag Nangangamba ka, Manlilimos ka ng Kapanatagan.

Kapag sobrang Magulo na ang iyong Pag-iisip, Manlilimos ka ng Kapayapaan.

Kapag Naliligaw ka ng Landas, Manlilimos ka na sana Gabayan ka sa tamang daan.

Kapag wala ni Isang nagmamahal sayo, Manlilimos ka ng pagmamahal.

Kapag Lugmok at dapa ka na, Manlilimos ka na ibangon ka at bigyan ka ng bagong pag-asa.

Kapag Nagkasakit ka, Manlilimos ka na pagalingin ka.

Kapag Wasak na wasak ka na dahil sa mga Pagsubok mo sa buhay, Manlilimos ka rin na buuin ka.

Kahit Bilyon ang pera mo sa banko, Darating sa punto na Manlilimos ka pa rin kay Lord. Kasi hindi lahat ng aspeto sa buhay mo, kakayanin mo, hindi lahat ng mararanasan mo sa buhay, kayang bilhin ng pera o ng Katanyagan mo.

Isang malaking paalala, na ano pa man ang Marating mo, manatili kang nakayuko, mapagkumbaba, at wag mag yayabang o mang hahamak ng ibang tao. Dahil sa kabilang banda ng buhay ng tao, Darating sa punto na Manlilimos tayo ng Awa at tulong galing kay Lord.

Hindi lahat ng Nararansan natin na pagsubok, ay totoong pagsubok. Ang iba, dulot ng mga maling desisyon natin sa buhay. Kaya maging maingat tayo. At Laging humingi ng Gabay sa Diyos.🙌🏻

Magandang Umaga!
Start your Day with a Prayer! Gabayan nawa ni Lord ang puso mo ngayong umaga na ito.

21/02/2024


Good Morning ka BO-KLOG!Have A Blessed Sunday sa inyong Lahat Restday mo din ba today? Family Day?🥰 May Pinagdadaanan ka...
18/02/2024

Good Morning ka BO-KLOG!

Have A Blessed Sunday sa inyong Lahat
Restday mo din ba today? Family Day?🥰

May Pinagdadaanan ka?
Halika Basahin mo to!👇❤️

Minsan kapag Down ka sa Buhay.
Yung Tipong Broken ka , Broken sa Ibat ibang Bagay.

Tipong Feeling mo, Pasan mo na Lahat ng Problema sa Mundo.
Jan Biglang papasok ung Pagkukumpara mo ng Buhay mo sa Iba.

"Bakit ganon? Bakit sila Successful. 😭
Bakit ako kahit anong gawin ko,
Ganito parin ako. " Anong mali?

May pagkukulang ba ako?
Bakit Lagi nalang akong Nag Fafail ?! 🙄

Mapapasabi kang, Ayaw mona ..
Suko kana Dahil Lagi ka namang Nag Fafail! 😭

Pero Isa sa mga Natutunan ko sa Buhay,
na Hindi lang pala ang Sexbomb ang May Karapatang LUMABAN at BUMAWI 🤣

BAWI.. Bawiin mo Lahat ng Negative sa Isip mo. Na Sumisira ng Focus Mo sa Buhay.

LABAN.. Labanan mo ang Bawat Pagsubok na Ibinibigay ng Diyos sayo, in Any Situation. FIGHT & Trust Him. 🙏🏻

Ang Failures mo, Ay isang Malaking Oppurtunity,
Para MAGSIMULA kang Muli.

And This Time..
Magsimula ka ng mas Better, and Stronger💪

Dont Compare yourself To Others ❤️
Stay Focus on your Own Journey mga Classmates🫣! 💋

Wait mo Lang ang Tamang Timing sa Pag Angat mo sa Buhay Darating Din yan Pag Deserve Mo na, Gawin mo un Best mo ❤️
Hindi Lang sa Mata ng ibang Tao,
Kundi sa Mata ni Lord.🥰🥰

Address

425 CHAMPACA 1 Street FORTUNE

1810

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team BO.klog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share