
04/08/2025
‼️MOTORSIKLO, INARARO NG DUMP TRUCK SA TIGAYON, KALIBO
Inararo ng dump truck ang isang motorsiklo sa Brgy. Tigayon, Kalibo nitong umaga ng Linggo, Agosto 3.
Ang driver ng motorsiklo ay 45-anyos na babae at residente ng Brgy. Lapnag, Banga, samantala ang driver naman ng dump truck ay residente ng Brgy. Sigcay, Banga at nasa legal na edad.
Sa inisyal na impormarmasyon na nakalap ng Radyo Todo, binabaybay ng dump truck ang kalsada mula sa Banga papuntang Kalibo at pagdating sa lugar ay lumiko ito papuntang Diversion, Nalook kung saan hindi nito napansin ang motorsiklo na nakatigil sa gilid ng kalsada at dito na inararo.
Ayon naman sa rider, gumulong umano siya nag makitang tatama sa kanya ang sasakyan.
Nagtamo ng sugat sa paa ang rider at agad namang nirespondehan ng MDRRMO at dinala sa hospital.
Sa ngayon ay kasalukuyang nasa himpilan ng Kalibo MPS ang driver ng dump truck para sa patuloy na imbestigasyon at karampatang disposisyon. l Ulat ni Jisrel Nervar
Courtesy: K5 News Kalibo FM 94.5
゚