Mga tula ko.

Mga tula ko. —Mga tula ko by: Jared Dela Cruz

Sumulat at maghilom.

di na pala mauulit.
06/12/2024

di na pala mauulit.

04/12/2024

At nung pinagpilitan mong isuot ang sapatos na hindi para sa’yo, nasaktan ang mga paa mo.

hindi ito patungkol sa sapatos.

–Mga tula ko

03/12/2024

Manalangin ka lang para gumaan.

Minsan kailangan nating tanggapin na may mga bagay na hindi na magbabalik.Hindi naman dapat magmadali sa pag-usad. Hindi...
03/12/2024

Minsan kailangan nating tanggapin na may mga bagay na hindi na magbabalik.

Hindi naman dapat magmadali sa pag-usad.
Hindi naman magsasara agad ang sugat.
Hindi rin huhupa agad ang luha.
Hindi agad tatahan–hindi agad gagaan.

Ngunit sa puntong ito.
Mas mabuti na ang bumitaw sa pagkakawak.
Mas mainam nang lumaya kahit mahirap.

Sapagkat kahit anong pilit nating maibalik ang dati, kung puso na ang sumuko—

Kailangan nating tanggapin na may mga bagay na hindi na maibabalik.

—Mga tula ko

Hinayaan na kitang humakbang papalayo.Magsisimula na tayo ng bagong yugto. Hindi na natin hawak ang kamay ng isat-isa, y...
27/11/2024

Hinayaan na kitang humakbang papalayo.Magsisimula na tayo ng bagong yugto. Hindi na natin hawak ang kamay ng isat-isa, yayakapin na natin ang magkaibang umaga—na hindi mo na ako kasama.

Wala nang ipag-aalala.

Tanggap ko nang dumaan lamang tayo sa mundong akala natin 'don tayo mananatili. Tanggap ko nang nakilala kita, at nagbigay ng mga aral kahit sandali.

Wala nang ipag-aalala.
Buong puso—tanggap ko na.

—Mga tula ko

Hindi na magdadamot ng mga bagay na nararapat sa'yo, sapagkat mas madalas mong unahin ang ibang tao.Hindi ka na maghihin...
27/11/2024

Hindi na magdadamot ng mga bagay na nararapat sa'yo, sapagkat mas madalas mong unahin ang ibang tao.

Hindi ka na maghihintay ng balidasyon mula sa iba para gawin ang nais mo, sapagkat takot kang magkamali.

Ngayon mas pahahalagahan kita, makakarating at makakain ka sa mga lugar na pinapangarap mo lang noon. Hindi na magiging panaginip lahat ng iyon.

Kaya sisimulan ko nang bumawi sa'yo. Kahit paunti-unti. Kahit maliit na hakbang—iyon ay proseso upang ang tuktok ng hagdan na tinutungtungan ay marating mo.

At sisiguraduhin ko, pipiliin mong maging masaya at payapa sa dulo.

Babawi na sa sarili.

—Mga tula ko

26/11/2024

Huwag ka sanang magbabago, hindi lahat ng Puso ay gaya mo.

—Mga tula ko

Kayanin pa natin.—Mga tula ko
26/11/2024

Kayanin pa natin.

—Mga tula ko

Maaaring biyaya siya sa iba at hindi para sa'yo.Maaaring dumaan lang upang magbigay aral. Maaaring pinagtagpo lang upang...
26/11/2024

Maaaring biyaya siya sa iba at hindi para sa'yo.

Maaaring dumaan lang upang magbigay aral. Maaaring pinagtagpo lang upang magbigay rason, upang mas matuto. Upang lalong pahalagahan ang sarili at upang maging matatag pa yaong puso.

Upang mas mapaghandaan mo pa, ang totoo at tunay na laan Niya para sayo.

—Mga tula ko

22/11/2024

Sana balang araw tayo pa rin sa huli.

kung tatanungin mo ako kung sino ang gusto kong makasama sa dulo–ikaw ‘yon.

gusto kong tuparin lahat ng naging plano natin.
gusto kong mangyari lahat ng bagay na pinangarap natin.

ikaw kasi yung unang taong nakita ko sa hinaharap.

at pagkatapos mo, wala na akong ibang nahanap.

kahit magtungo ako sa malayong lugar, kahit ibaling ang pansin sa mga bagay-bagay

ikaw pa rin ang gusto kong uwian.
ikaw pa rin ang nais kong maging tahanan.

sayang lang.

hindi tayo pinagbigyan ng tadhana, hindi dininig ang bulong natin at salita, kusa tayong bumitaw sa isat-isa.

matagal na panahon na, ngunit ikaw pa rin talaga.

at bakit ganun?

kung tatanungin akong muli kung sinong gusto kong makasama sa dulo– ikaw ‘yon.

walang nabago, ikaw pa rin ‘yon.

–Mga tula ko

19/11/2024

Sa mga oras na ito, maaari na ba akong magpaalam?
Hindi ko kasi alam kung babalik kapa, o hahayaan mo na lang?
Matagal na panahon narin kitang hinintay,
Araw-araw na umaasa, gabi-gabing naring lumuha.

Iniwan mo akong punong-puno ng mga katanungan,
Naging palaisipan ang bigla mong paglisan,
Siguro nga, ganun ako kadaling tiisin,
Siguro nga hindi ikaw ang para sa akin.

At habang tumatagal, nauunawaan ko ang mga bagay-bagay,
Naging malinaw ang lahat, noong hindi kana umakbay.
Tatapusin na itong kwentong kaytagal ko ding isinulat,
Siguro'y sa ibang pahina ka bahagi, at hindi sa aking aklat.

Maaari na siguro akong magpaalam,
Lilisan narin, tulad ng iyong paglisan.
Magpapahinga na sa bigat nang iyong pag-alis.
Sana'y 'di na muling lumuha, 'di na sana muling tumangis.

--Mga tula ko.

kung isang araw makita mo akong hindi na maingay. makita mong hindi na malakas tumawa, hindi na bangka sa istorya, hindi...
19/11/2024

kung isang araw makita mo akong hindi na maingay.

makita mong hindi na malakas tumawa, hindi na bangka sa istorya, hindi na yung bida–

maunawaan mo sana.

kung isang araw nabalitaan mong hindi na ako magaling, hindi na tulad ng dating pinapalakpakan, hindi na matunog at madali nang makalimutan,

iyo sanang maunawaan.

kung isang araw hindi mo na ako matagpuan. Hindi na nagtutungo sa lugar na madalas nating pasyalan, wala nang baon-baon at ambag sa usapan,

maunawaan mo sanang may sarili na akong laban.

at kung minsan hindi ko rin alam kung paano ipaiintindi sa iba, na maraming pagkakataon na wala na akong gana, may mga sandaling ako’y pagod na.

mauunawaan kaya nila?

na patuloy ko paring binubuo ang sarili na winasak ng maraming pagkakataon, na nasira ng panahon.

maunawaan mo sana na kailangan kong maitayo ang sarili sa pagkakadapa.

kahit wala na munang tulong, kahit wala na munang kamay.

ang gusto ko lang ay pang-unawa.

—Mga tula ko.

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga tula ko. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share