13/09/2026
Nung college, I was torn between two dreams.
Magbanda kasama ang mga kaibigan ko dahil pangarap kong maging rockstar… o mag-audition sa Tanghalang Batingaw para sundan ang passion ko sa acting at directing.
Natanggap ako sa Batingaw.
And two decades later, looking back at everything that happened—the stories, the films, the struggles, the victories—napapangiti ako dahil alam kong hindi ako nagkamali ng desisyon.
Maraming salamat sa Gawad Tanghalang Batingaw para sa isang natatanging pagkilala.
Higit sa isang award, paalala ito sa akin kung saan nagsimula ang lahat.
Alay ko ito sa lahat ng kapwa ko alagad ng sining—sa mga patuloy na lumilikha, nangangarap, lumalaban, at hindi hinahayaang mamatay ang apoy kahit gaano kahirap ang daan.
Patuloy tayong gumawa. Patuloy tayong mangarap.
Mabuhay ang sining. Mabuhay ang mga alagad ng sining! 🎭🎬❤️