21/07/2025
Sinusuportahan ko ang panawagang itigil na ang quarrying at mining sa Rizal. Hindi lang ito isyu ng kalikasan, ito ay isyu ng susunod na salinlahi, ng kaligtasan, ng kinabukasan. Kung hindi natin pipigilan ang pagkalbo sa kabundukan, paulit-ulit tayong mangangamba at paulit-ulit tayong mawawalan.
Magiging walang saysay ang lahat ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng Marikina, tulad ng dredging at pag-aayos ng mga daluyan ng tubig, kung hindi naman titigil ang pagkalbo sa kabundukan ng Rizal.
โ๏ธ Pirmahan natin ang petisyon. Huwag na tayong maghintay ng susunod na Carina, Ulysses, o Ondoy.
Dapat ligtas ang mga bata. Dapat may kinabukasan sila.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐ฃ๐จ๐ ๐๐ฅ๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก! https://chng.it/xRBqC7G4Gj
Kakaumpisa pa lang ng tag-ulan, ngunit muli na namang nangangamba ang mga residente sa paligid ng Marikina River dahil sa banta ng pagbaha. Wala pa man sa kategoryang bagyo si Crising nang tumama ito sa NCR, ngunit umabot na sa First Alarm ang tubig sa Marikina River.
Bagamaโt may naabot ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng dredging, o ang pagpapalalim at pagpapalawak ng ilog, may malinaw itong limitasyon. Hanggaโt patuloy ang pagkakalbo sa kabundukan ng Rizal, mananatiling bulnerable ang Marikina sa matinding pagbaha.
May dalawang perspektiba sa tumataas na tubig sa Marikina River: una, malaking tulong ang dredging dahil hindi umabot sa matinding antas ang baha; at pangalawa, may hangganan ang dredging, dahil kahit hindi pa bagyo si Crising, First Alarm na agad. Ibig sabihin, hindi sapat ang imprastraktura kung patuloy ang pagkasira ng ating kalikasan.
Mag-iisang taon na ang anibersaryo ng pananalasa ni Bagyong Carina sa darating na Hulyo 24. Huwag na nating hintayin pa na sa mga susunod na buwan ay muling lumubog ang Marikina at mga komunidad sa tabing-ilog. Noong 2024, lumaganap ang iba't ibang satellite images online na nagpakita ng pagkawasak ng maraming kabundukan sa Rizal sa quarrying. Panahon na para tuluyang itigil ito.
Hinahamon namin ang lokal na pamahalaan ng Marikina na magkaroon ng malinaw at matapang na tindig laban sa quarrying, lampas sa kasalukuyang mga hakbang sa imprastraktura. Ipinapanawagan din namin sa DENR na kilalanin ang papel ng quarrying bilang pangunahing dahilan ng pagbaha. Sa mahabang panahon, lalo na matapos ang Bagyong Ulysses noong 2020, binalewala ito ng dating DENR Undersecretary Jonas Leones sa pagsasabing โminimalโ lamang ang epekto ng quarrying.
ITIGIL ANG QUARRYING AT MINING SA RIZAL! ISULONG ANG MAKAKALIKASAN AT MAKAMASANG SOLUSYON SA PAGBAHA!