
06/07/2025
HINDI NGA SIYA NAGLOLOKO,
Pero ni minsan, hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga problemang paulit-ulit mong sinasabi.
Hindi nga siya nagloloko,
Pero sa tuwing gusto mong magsabi ng saloobin, nauuwi lang sa away dahil hindi siya marunong pakinggan ka ng buo.
Hindi nga siya nagloloko,
Pero kaya niyang tiisin na natutulog ka gabi-gabi na may sakit sa dibdib at luha sa mata.
Hindi nga siya nagloloko,
Pero kailangan mo pang ipagsigawan ang simpleng atensyon at pagmamahal na dapat ay kusa niyang ibinibigay.
Oo, hindi nga siya nagloloko.
Pero tanungin mo sarili mo:
Ganoβn ba talaga ang hindi nananakit?