Life & Faith by Joel Pelandiana

Life & Faith by Joel Pelandiana Helping you to grow in faith, find purpose, and live a victorious life with God. Tara!”
(6)

21/10/2025

Ang gusto ng mga tao makaramdam ng ginhawa sa serbisyo ng gobyerno. Hindi yong parang utang na loob pa natin sa kanila na magsilbi sila.

Para maunawaan mo ang plano ng Diyos sa buhay mo, dapat nagsisimula ito sa pakikipagkaisa sa Kaniya. Hindi mo makikita o...
21/10/2025

Para maunawaan mo ang plano ng Diyos sa buhay mo, dapat nagsisimula ito sa pakikipagkaisa sa Kaniya. Hindi mo makikita o mararamdaman ang tunay na direksyon kung wala kang personal na relasyon sa Diyos. Madalas kasi gusto natin agad makita ang future, pero ang nais ng Panginoon ay makilala muna natin Siya nang malapit, magtiwala at maglakad ayon sa Kanyang gabay. Hindi lang tungkol sa plano, kundi tungkol sa relasyon.

👉 “Delight yourself in the Lord, and He will give you the desires of your heart.” – Psalm 37:4

20/10/2025

Kapag positibo ang pananaw mo, yong mga pagsubok, pampatibay hindi panmpahina. Go lang

Sige lang Lord. Here I am, use me. Kumusta po kayo?
20/10/2025

Sige lang Lord.

Here I am, use me.

Kumusta po kayo?

Hindi malayo ang Diyos. Siya ay laging nandyan, nakikinig, nagmamahal at naghihintay. Ang problema, madalas tayong tao a...
20/10/2025

Hindi malayo ang Diyos. Siya ay laging nandyan, nakikinig, nagmamahal at naghihintay. Ang problema, madalas tayong tao ang lumalayo. Kapag may problema, mas inuuna natin ang sariling paraan kaysa lumapit sa Kaniya. Hindi rin bingi ang Diyos—ang totoo, Siya ay handang makinig sa bawat iyak at panalangin natin. Ang tanong, tayo ba mismo ang ayaw makinig sa tinig Niya? Huwag nating hayaang abalahin tayo ng mundo at mawala sa presensya Niya. Lumapit ka lang, at mararanasan mo ang Kanyang pag-ibig.

📖 “Draw near to God and He will draw near to you.” – James 4:8


Kapag may kalamidad—bagyo, lindol, bulkan, o sakit—madalas tanong ng tao: “Bakit nangyayari ito?” Sa Biblia malinaw ang ...
19/10/2025

Kapag may kalamidad—bagyo, lindol, bulkan, o sakit—madalas tanong ng tao: “Bakit nangyayari ito?” Sa Biblia malinaw ang sagot: minsan ginagamit ito ng Diyos bilang babala at panawagan sa pagsisisi.

Sabi ni Amos 4:6–11, ipinadala ng Diyos ang tagtuyot at salot, ngunit hindi pa rin nagbalik-loob ang tao.

At sa Revelation 9:20-21, kahit sa matinding salot, marami pa ring hindi nagsisi sa kasalanan.

Ang Diyos ay hindi nagagalak sa kapahamakan, kundi nais Niya tayong magsisi at magbalik sa Kanya.

Kaya habang may pagkakataon pa, piliin mong lumapit at magtiwala sa Diyos. 🙏

Kapag pupunta ka sa church, huwag mong gawing basehan ang mga tao sa paligid mo—ang kanilang kasuotan, kilos, o kung sin...
18/10/2025

Kapag pupunta ka sa church, huwag mong gawing basehan ang mga tao sa paligid mo—ang kanilang kasuotan, kilos, o kung sino ang naroon at wala.

Dahil ang tunay na dahilan ng pagsisimba ay hindi para makisabay sa tao, kundi para makipagtagpo sa Diyos. Kung sa Kanya nakatuon ang iyong puso, mas lalalim ang iyong pananampalataya at hindi ka madaling madala ng pagkukulang ng iba.

Tandaan, lahat tayo ay may kahinaan, ngunit ang Diyos ang walang hanggan at tapat. Kaya tuwing magsisimba ka, isentro mo ang lahat sa Kanya.

“Fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith.” – Hebrews 12:2


17/10/2025

Nagpadala ng iba't ibang salot ang Diyos sa Egypt noon hindi lang para mapalaya ang mga Israelita kungdi para ipakilala Niya na Siya ay Diyos kesa sa mga dyos ng taga-Ehipto

17/10/2025

Hindi ka nilalyuan ng DIYOS, minsan kaya hindi mo Siya maramdaman dahil hindi mo naman Siya priority talaga.

  muna natin
17/10/2025

muna natin

Alam mo ba na may RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act na dapat sinusunod ng bawat barangay at LGU? Dapat may...
17/10/2025

Alam mo ba na may RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act na dapat sinusunod ng bawat barangay at LGU? Dapat may segregation, MRF, at sanitary landfill. Pero bakit hanggang ngayon, tambak pa rin ang basura sa kalsada at dagat? 🤔 Dahil mahina ang implementation, at kulang sa disiplina ang ilan sa atin.

Challenge: Kung seryoso ang gobyerno, ipatupad ang batas. Kung tunay tayong citizen, gawin natin ang part natin. Hindi excuse ang mahina ang sistema kung may magagawa tayo. Basura mo, responsibilidad mo. 🇵🇭




16/10/2025

Nagpaalala ang Diyos sa mga sumasamba sa kayamanan kesa sa Kaniya. Repent.

Address

Santa Cruz
Marinduque

Telephone

+639084265581

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life & Faith by Joel Pelandiana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life & Faith by Joel Pelandiana:

Share