07/06/2026
Tama ba na habang nandito ka pa, hinahanda ko na rin ang sarili ko sa araw na iiwan mo ako?
Hindi dahil gusto kong matapos tayo, kundi dahil ilang beses mo na akong tinuruan kung gaano kasakit ang manatili pagkatapos ng bawat pagtataksil. Paulit-ulit kitang pinatawad. Paulit-ulit kitang tinanggap. Pero sa bawat pagkakataon, may parte sa akin na unti-unting natutong mabuhay nang wala ka.
Hindi dahil hindi na kita mahal. Natuto lang akong protektahan ang sarili ko sa sakit na ikaw mismo ang paulit-ulit na nagbibigay.
At habang nandito ka pa, unti-unti ko nang tinuturuan ang sarili kong mabuhay nang wala ka.