18/08/2025
Noong panahon po ng pandemic 5 years ago,maraming nabago ang buhay dahil sa paggawa ng content or content creator. Kung tinuloy tuloy ko kaya noon ano narin kaya ang buhay ko ngayon. Pero dahil nga po mahiyain at wala akong lakas ng loob hindi ko po yon sineryoso.
March 2025 nag decide akong bumalik ulit sa pagawa ng content, all do nag a-upload naman talaga ako pero hindi consistent kapag naisipan ko lang. Nag start po akong mag tuloy tuloy last march po. Everyday upload,araw araw nag iisip ng content,pero darating po talaga ang araw at oras na mapapagod ka ma de-drain at nakaka depressed po talaga.
Pero dahil po nasimulan ko na ayaw ko po'ng masayang yong pinagpaguran ko, pahinga lang saglit at laban ulit. Untill july namonetize po ang account ko. Grabe ang saya..Parang napawi lahat ng pagod ko at yong hope ko ay lalong lumawak na kaya ko pala. But suddenly lalo ka palang mapapagod, hindi dahil monetize kana ay magkakaroon kana ng earnings agad agad, Opo meron po talagang earnings pero hindi po ganun kalaki lalo na sa katulad ko na wala masyadong views at walang followers.
Lalo na ngayon na sobrang baba na po talaga ng earnings dito sa blue app. Maraming nag shut down ng mga pages dahil napagod na sila. At sa totoo lang nakakapagod po talaga, Lalo na sa akin na ang dami ko'ng task everyday papasok sa trabaho at nag tatrabaho ng helper at the same time, sabayan ko pa po ng paggawa ng content. Pero sabi ko nga po nasimulan ko na. Mapapagod mag pahinga at lalaban ulit. Alam ko na di lang ako nag iisa na pagod na, kung ikaw nakapag simula na ituloy tuloy mo yan, specially sa mga monetize na. Kung kinaya mo noon mas kakayanin mo ngayon🙂💪🏻