Flash Newspaper

Flash Newspaper An informative social media vehicle that delivers news, public issues and social awareness in the Province of Masbate.

14/05/2025

TEAM ARANGKADA KHO LANDSLIDE SA MASBATE CITY

MASBATE CITY - ‘SYURBOL’ ang tiket ni Masbate 2nd District Representative Ara Kho sa mayoral, vice mayoral at Sangguniang Panlungsod race sa katatapos lang na eleksyon sa Masbate City nitong Mayo 12.

Iprinoklama ng City Board of Canvassers o CBOC ang grupo ni Kho sa Legislative hall ng syudad dakong alas 8:00 ng umaga nitong Martes, Mayo 13.

Pinangunahan ni Atty. Mary Mae Caceres, chairperson, Marcial Torres, Vice Chairperson at Nelson Morales, Jr., member-secretary ang CBOC na siyang nangasiwa sa nasabing proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa Lungsod ng Masbate.

Ibinigay ng mga miyembro ng CBOC ang kanilang mga certificate of canvass kung nakalagay ang nakuhang boto ng mga ito.

Tinalo ni Kho ang incumbent City Councilor na si Ruby Sanchez-Morano gayundin ang pagkakapanalo ni dating City Councilor Alex San Pablo kay Konsehal Jamon Espares sa isang intense na labanan sa pulitika.

Iprinoklama ng CBOC si City Mayor-elect Ara Kho kasabay nina City Vice Mayor-elect Alex San Pablo kasama ang sampung miyembro ng Sangguniang panlungsod na sina Rodolfo Abella, Albert Abayon, Joven Aguilar, Carla Tacuyan, Chester Du, Jasper Bala, Rudy Yaneza, Jr., Ricky Celera, Allan Rosero at Bonoy Ponferrada.

Via RUBEN FUENTES

14/05/2025

5 POINT AGENDA TUTUPARIN NI MASBATE GOVERNOR-ELECT KHO

MATAPOS ang ginanap na proklamasyon ng Masbate Provincial Board of Canvassers (MPBOC) sa mga bagong halal na opisyal sa lalawigan na pangunguna ni Governor-elect Richard Kho ng Lakas-CMD nitong Mayo 13, ganap na alas 2:00 ng hapon sa loob ng Legislative hall ng kapitolyo ay tiniyak nito na kanyang tutuparin ang ipinangakong 5-main point agenda noong panahon ng kampanya.

Sa panayam kay Governor-elect Kho, sinabi nito na kanyang ipagpapatuloy ang pag-unlad ng Masbate gayundin ang pagtutok sa problema ng kuryente, kalusugan, kabuhayan, kaalaman at kapayapaan.

‘Ipagpapatuloy natin ang pag-asenso ng Masbate at prayoridad din natin ang kuryente, kalusugan, kabuhayan, kaalaman at kapayapaan” ayon kay Kho.

Marami aniya silang inahandang mga programa na makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.

“Sa ating mga magsasaka at mangingisda napakarami po naming programa ang inihanda para makatulong sa inyo, dyan po pumapasok si Kabuhayan ang aming tulong para sa inyo.”

Nagpasalamat rin si Kho sa Masbatenyo sa ipinakita nilang suporta nitong nakaraang Eleksyon kung saan mayorya sa mga ito ang bumoto pabor sa kanilang pamilya.

RUBEN FUENTES

14/05/2025

GOOD, TRANSPARENT GOVERNANCE ITUTULAK NI MASBATE VG-elect TALISIC

ISUSULONG ni Masbate Vice Governor-elect Fernando Talisic ang good and transparent governance sa Sangguniang Panlalawigan sa pag-upo nila sa darating na Hulyo 1, 2025.

Samantala, tiniyak ni Vice Governor-elect Talisic na siya ay makikipag-usap sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan upang sila ay magkaisa at magtulungan upang mas lalo pang umunlad ang lalawigan ng Masbate.

via RUBEN FUENTES

06/05/2025

(Konstruksyon ng P950-M state-of the-art facility)
MASBATE SPORTS ARENA SINIMULAN NA

SINIMULAN na ang konstruksyon ng Masbate Sports Arena na matagal ng pangarap ng mga mamamayan nitong Mayo 6.

Bumisita si Ako Bicol partylist Representative Elizaldy Co at Governor Antonio Kho para personal na masilayan ang pagpapatrabaho sa naturang arena.

Ayon sa gobernador, nagkakahalaga ng P950 milyong piso ang construction cost nito kung saan galing sa ilang senador ang pondong inilaan para dito.

“Napakiusapan ko ang apat na senador na maglaan ng pondo para dito, sina Senate President Francis Escudero, Senators Koko Pimentel, Lito Lapid at B**g Go, Ako Bicol Partylist Rep. Co at counterpart ng Provincial Government kaya narealized ang arenang ito” ayon kay Kho.

Aniya, ang nasabing sports arena ay may kapasidad na limang libo katao at aircondition na rin.

“This is the only sports arena in the etire Bicol region with a capacity of 5,000 people and fully aircondition.”

Ang nasabing istruktura ay ipinangako ni Kho na kaniyang tinupad sa mga Masbatenyo.

I via RUBEN FUENTES

25/04/2025

AMYENDAHAN ANG RICE TARRIFICATION LAW!

Ito ang nilinaw ni dating DILG Secretary at Senatoriable Benhur Abalos kaugnay sa public remarks ni Vice President Sara Duterte sa P20 kada kilo ng bigas na ibibenta sa Visayas.

Ayon kay Abalos, kailangang ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na ibenta kaagad sa publiko ang bigas dahil makaing bagay aniya ito sa taumbayan ayon kay dating DILG Secretary at ngayo’y ‘Alyansa’ senatorial candidate Benhur Abalos.

Aniya, mabibili ng NFA ang bigas sa magandang presyo at ang bahagi nito ay pwede ng isubsidiya ng gobyerno.

Importante rin aniya na amyendahan ang rice tarrification law para sa pangmatagalan o long term na solusyo sa krisis sa bigas.

via RUBEN FUENTES

25/04/2025

ABBY BINAY, IGINIIT NA HINDI PAMUMULITIKA ANG PAGPAPATUPAD NG PILOT ROLLOUT NG P20-RICE PROGRAM SA VISAYAS


Nilinaw ni senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na ang pagpili sa mga probinsya sa Visayas para sa pilot rollout ng P20-Rice Program ay hindi bunsod ng pamumulitika, kundi ng pangangailangan.

Sa isang press conference bago isagawa ang Proclamation Rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Dagupan City, iginiit ni Binay na hindi pwedeng maantala ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno para lamang iwasang masabihan na namumulitika. Aniya, dapat na kaagad nang ibigay ang anumang tulong dahil iyon ang trabaho ng gobyerno.

Aniya, inilunsad ng pamahalaan ang naturang programa para maging abot-kaya ng mga mahihirap ang bigas, at matulungan din ang mga magsasaka na apektado ng bumabagsak na presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Binay na maraming mga problemang hindi kontrolado ng Pangulo, tulad ng inflation at patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente at gasolina, kaya’t gumawa ito ng hakbang sa pamamagitan ng rice subsidy program.

Ang hirap aniya ng posisyon ng pamahalaan at hindi malaman saan lulugar dahil tumutulong na nga ito, pinipintasan pa rin.

Giit pa ni Binay, kung pamumulitika ang motibo ng programa, dapat sana’y inuna nila ang Mindanao at hindi ang Visayas.

Naniniwala aniya siyang ang desisyon ng Pangulo at kanyang administrasyon ay batay sa kung sino ang talagang mga nangangailangan.

via RUBEN FUENTES

ABBY BINAY, ISINUSULONG ANG WASTONG NUTRISYON PARA SA MGA MAG-AARALNais isulong ni Senatorial candidate at Makati Mayor ...
14/04/2025

ABBY BINAY, ISINUSULONG ANG WASTONG NUTRISYON PARA SA MGA MAG-AARAL

Nais isulong ni Senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang libreng masustansyang meryenda at pagkain sa mga paaralan upang matugunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga estudyante.

Ayon kay Binay, mahalaga ang tamang nutrisyon upang mapabuti ang pag-aaral ng mga bata sa eskwelahan. Mahihirapan aniyang matuto ang mga estudyante kung sila ay gutom at kulang sa nutrisyon, kahit pa mahusay ang kanilang mga g**o at kumpleto ang gamit sa pag-aaral.

Aniya, kailangan umano ang sama-samang pagkilos ng national at local government, barangay, at pribadong sektor upang maisakatuparan ang nationwide feeding program para sa mga mag-aaral.

Ibinahagi rin niya ang Project FEED (Food for Excellent Education and Development) na inilunsad sa Makati noong Marso 2023. Sa ilalim nito, nagbibigay ang lungsod ng libreng masustansyang meryenda sa mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6, katuwang ang DOST.

Dagdag pa niya, layunin din ng programa na matulungan ang mga magulang na hirap mag-budget.

Binigyang-pansin din ni Binay ang kahalagahan ng nutrisyon mula pa sa pagbubuntis. Dapat aniyang masimulan ang healthy eating habits at tamang supplements tulad ng iron, calcium, at folic acid habang ipinagbubuntis pa lamang ang sanggol.

Noong 2018, sinimulan ng kanyang administrasyon ang Baby Makatizen Project upang hikayatin ang mga buntis na magpa-checkup sa health centers at Ospital ng Makati. Ang mga buntis na nakatapos ng walong prenatal checkups sa ilalim ng Yellow Card Program ay binibigyan ng newborn kits na naglalaman ng mga gamit para sa sanggol.

Sa pamamagitan ng komprehensibong nutrition program, napanatili ng Makati ang isa sa pinakamababang malnutrition prevalence rates sa bansa – 0.27% noong 2024.

via I RUBEN FUENTES

(Naniniwalang paninira gamit ang emergency alert system)‘TEXT BLAST’ ITINANGGI NG MASBATE REPRESENTATIVEISA umanong pani...
09/04/2025

(Naniniwalang paninira gamit ang emergency alert system)
‘TEXT BLAST’ ITINANGGI NG MASBATE REPRESENTATIVE

ISA umanong paninira sa kanilang kampo ang lumabas at nag-viral na ‘text blast’ sa social media gamit ang emergency alert system ng National Telecommunications Office (NTC) kamakailan ayon kay Masbate 1st District Representative at ngayo’y tumatakbong gobernador Richard Kho.

Sa isang panayam kay Kho, mariin nitong itinanggi na may kinalaman ang kanilang kampo sa lumabas na emergency alert kung saan nakalagay na pinabobotohan ang mga ito sa midterm elections ngayong Mayo.

Aniya, mali pa ang pagkakagamit ng kanyang pangalan sa naturang ‘message alert’.

“My running mates and I did not allow anyone to use our names shown in the emergency alert screenshots, nalaman lang po namin na ginamit ang mga pangalan namin through the post on Facebook” ayon kay Kho.

Idinagdag pa ng Kongresista na hindi nila papayagan ang maling paggamit ng emergency alert systems.

“As members of the legal profession, my sister and I do not and will never tolerate the use of emergency alert systems for any campaigning nir for any other purpose beyond those authorized by law” ani Kho.

Samantala, inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na ipinarating na nila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ang ilang tumatakbong kandidato na gumagamit umano ng text blasting para sa kanilang political campaign.

Inihayag ng poll body chief na ang ganitong mga text blast na ginagamit para sa pangangampanya ay walang violation sa election law ngunit labag sa telecommunications law bukod sa iba pa.

MAYOR BINAY GAWING NO. 1 SENATOR SA KYUSIHINIKAYAT ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang mga constituents na gaw...
24/03/2025

MAYOR BINAY GAWING NO. 1 SENATOR SA KYUSI

HINIKAYAT ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang mga constituents na gawing number one senator sa Quezon City si Makati City Mayor Abby Binay.

Sa pagbisita ni Binay ito ay mainit na sinalubong ng mga residente at lokal na opisyal sa Quezon City Hall nitong Lunes.

Aniya, tiwala siya sa karanasan at kakayahan ng alkalde ng Makati bilang isang abogado, congresswoman at mayor.

Sa kanyang mensahe sa mahigit 1,500 na kalahok sa Kababaihan Dance Competition, sinabi ni Binay na maituturing na "Superwoman" ang bawat isa dahil kinakayang gampanan ang iba't-ibang tungkulin nang sabay-sabay.

Tinukoy din nya ang mga hamong nalagpasan ng mga babaeng mayor tulad nila ni Mayor Belmonte bilang patunay na pwedeng balansehin ang career at pagpapamilya.

Nangako rin ang alkalde na isusulong ang regular na pasahod sa mga opisyal at kawani ng barangay sa halip na honoraria at ang security of tenure para sa trained barangay health workers.

Mainit ding tinanggap ng local officials at mahigit 2,000 kasapi ng mga civil society organizations sa Quezon City si Binay.

Tiniyak niyang isusulong niya ang libreng maintenance medicines at ang pagsama ng preventive healthcare sa PhilHealth coverage.
Sumali rin si Binay sa pagpupulong ng may 1,000 urban farmers kung saan pinuri niya ang Quezon City Government para sa tuloy-tuloy na pagsuporta sa urban farming.

I RUBEN FUENTES

08/03/2025

PANOORIN: BINABAWASAN ang pondo ng ‘Project Noah’ kaya ‘unprepare’ ang pamahalaan tuwing may bagyong pumapasok sa bansa ayon kay Senatorial aspirant Abby Binay ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’.

“Pagdating ng tag-init too late na, pagdating ng bagyo, too late na, kung tutuusin kung merong pondo para sa forecasting we can tell oir farmers, Mainit ang expectations ko sa taon na ‘to kumpara don sa previous years kaya lets prepare” wika ni Binay sa tanong ng mga reporter sa ginanap na press conference sa Pili, Camarines Sur.

Aniya, ang bottomline ay resiliency kung saan ang climate change ay hindi magri-revert dahil ito ay hindi na babalik sa dati, dagdag pa ni Binay.

I via RUBEN FUENTES

08/03/2025
08/03/2025

TINGNAN: “Tulungan natin ang mga MSMEs dahil 67 to 70% ng mga trabaho dito sa Pilipinas ay nanggagaling sa MSMEs so in addition we should support itong maliliit na negosyante para magsucceed sila, ang mga policies in doing business dapat padaliin natin ang proseso ng pag-opening ng negosyo” ayon kay Senatorial candidate Camille Villar sa isinagawang press conference ng ‘Alyansa’ sa Pili sa Camarines Sur kahapon, Marso 7.

“Ang mga polisiya natin at access to funding para dito sa mga nagninegosyo is more accessible so there are many ways to support MSMEs para mabawasan ang unemployment” ayon kay Villar.

I via RUBEN FUENTES

Address

Masbate

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Flash Newspaper posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Flash Newspaper:

Share