
26/06/2025
🌿📕📗🌿Sabi Ng Makapangyarihang Diyos
✨️📗📕✨️Maaaring mayroon kang partikular na batayan at partikular na positibong saloobin sa kung paano mo tinatrato ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, pero mayroon pa ring kung ano-anong uri ng hadlang sa pagitan mo at ng Diyos, at mapanlaban pa rin ang saloobin mo sa Diyos pagdating sa iba’t ibang isyu. Malubha ang problemang ito, at ito ang pinakamalaki sa lahat ng problema. Sa panahon na sinusundan mo ang Diyos at ginagawa ang tungkulin mo, ang paggampan mo sa lahat ng aspekto ay maaaring tila medyo disente para sa iba, at maaaring tila tugma sa katotohanan at sa mga katotohanang prinsipyo. Gayumpaman, maraming kuru-kuro tungkol sa Diyos at mga hadlang sa pagitan mo at ng Diyos sa puso mo, at nagkikimkim ka pa nga ng mapanlabang saloobin sa Diyos kapag nahaharap ka sa maraming problema. Napakalubha ng mga isyung ito. Kung umiiral nga ang mga isyung ito sa puso mo, hindi nito pinatutunayan na isa kang naligtas na tao. Dahil marami pa ring hadlang sa pagitan mo at ng Diyos, at nagkikimkim ka pa rin ng mapanlabang saloobin sa Diyos, pagdating sa mga susi, mahalagang isyu, hindi ka lang isang hindi naligtas na tao, nasa panganib ka rin. Kahit na naniniwala kang nagagawa mong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo kapag nahaharap ka sa maraming isyu sa buhay, at ang mga kilos mo ay medyo tugma sa katotohanan, masasabi na ito ay panlabas na anyo lang at hindi nito mapapatunayan na naligtas ka na. Ito ay dahil hindi ka pa nagkamit ng pagkaayon sa ugnayan mo sa Diyos, at hindi ka pa nagpapasakop sa Diyos o natatakot sa Kanya. Samakatwid, sa tuwing sumasapit sa iyo ang iba’t ibang bagay, ang iyong panlabas na ugali o ang mga kaisipan at pananaw mo ay maaari lang magpakita na sumunod ka sa mga doktrina, islogan, at regulasyong pinaniniwalaan mong tama sa mga usaping ito, sa halip na sumunod sa mga katotohanang prinsipyo. Maaaring ito ay isang di-halatang ugnayan, at maaaring tila komplikado ito, pero pagkatapos nating magbahaginan sa partikular na nilalaman ng pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili at ng Diyos at sa pagkamapanlaban sa Diyos, at maingat nang nagsuri ang mga tao, mauunawaan nila ang kahulugan ng mga salita Ko.
✨️mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume VII