30/01/2026
Idinaos ngayong Miyerkules, Enero 28, 2026, sa Capitol Rooftop at sa Provincial Library ng Capitol Building, Amas, Kidapawan City ang Provincial Festival of Talents 2026 na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Cotabato. Nagpakita ng kahusayan ang mga kalahok sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Population Quiz at Speak Up (Impromptu Oratorical Speech) para sa mga mag-aaral sa sekondarya, habang Kasaysayan Quiz naman ang isinagawa para sa mga mag-aaral sa elementarya.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Commission on Population and Development (CPD) at Department of Education (DepEd) kasama ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamamagitan ng Provincial Governor’s Office – Population and Gender and Development (PGO–PopGAD) Division. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng kabataan hinggil sa mahahalagang isyung may kinalaman sa populasyon, kasaysayan, at panlipunan, gayundin ang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa kritikal na pag-iisip, mabisang pagpapahayag, at responsableng pakikilahok sa mga usaping hinggil sa pag-unlad ng lalawigan.
Dumalo sa aktibidad upang magbigay ng suporta sina Committee on Education, Culture and Tourism Chairperson at 3rd District Board Member Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc na siyang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza; at sina Acting Provincial Administrator Atty. John Haye Deluvio; Jazze J. Sibonga ng DepEd; at Fritzgerald Carmona ng CPD. Nakiisa rin dito ang ilang mga g**o, coaches, at mga magulang ng mga kalahok.//idcd-pgo-bellosillo/Photoby: JPFlores&PopGAD