11/08/2026
Nais din naming ipakilala ang isa sa proyekto ng SanDIWA Values Club
May isang tao ba kayong gustong pasalamatan pero hindi ninyo pa nasasabihan?
Isang teacher? Kaibigan? Classmate? School personnel? O kahit sinong naging mahalagang bahagi ng inyong school journey?
Minsan, isang simpleng “salamat” lang ang kailangan para mapasaya at ma-inspire ang isang tao.
Kaya ngayong school year, hatid ng SaNDIWA Values Club ang isang proyekto na magbibigay sa atin ng pagkakataong ipahayag ang ating appreciation sa mga taong mahalaga sa atin.
This is...
PROJECT HIRAYA!
HIRAYA — Heartfelt Inspiration, Recognition, Appreciation, and Youth Admiration.
Sa Project HIRAYA, maaari kayong magsulat ng appreciation letters para sa inyong teachers, classmates, friends, school personnel, at iba pang taong nais ninyong pasalamatan at bigyan ng pagkilala.
Maaari ninyong isumite ang inyong letters sa SaNDIWA Values Club o sa Representative ng inyong grade level, anumang araw sa buong school year. Ang unang batch na aming makokolekta ay ipapamahagi sa September 21, 2026, bilang bahagi ng World Appreciation Day, at ang ikalawang batch na makokolekta ay ipapamahagi bago mag-end of school year. Habang hindi pa sumasapit ang araw ng pamamahagi nito sa mga taong nais ninyong pagbigyan, ay iingatan muna namin ang inyong mga letter at makakaasa kayo na hindi namin ito babasahin.
Kaya isipin ninyo ngayon:
“Sino ang taong gusto kong pasalamatan?”
At baka ang simpleng sulat na gagawin ninyo ay maging inspirasyon para sa kanya sapagkat masarap sa pakiramdam ang malamang may nakaka-appreciate pala sa iyo.
Project HIRAYA — dahil ang appreciation ay mas nagiging makabuluhan kapag ipinapahayag.
Maraming salamat, everyone! At aasahan namin ang inyong partisipasyon sa aming mga proyekto! Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal!