10/03/2026
Ang control circuit na ito ay may tatlong mode ng operasyon: Manual Mode, Auto Mode 2, at Auto Mode 3. Ang bawat mode ay may sariling paraan ng pagkontrol sa motor depende sa pangangailangan ng system.
Manual Mode
Sa mode na ito, ang motor ay manu-manong kinokontrol gamit ang momentary push button para sa ON at OFF operation.
Mayroon din itong semi-automatic function kung saan kusang hihinto ang motor kapag naabot na ang tamang water level na nade-detect ng float switch.
Auto Mode 2
Sa mode na ito, ang motor ay kinokontrol ng float switch at on-delay timer.
Kapag nag-close ang float switch, unang mag-a-activate ang timer at magbibilang muna ng ilang segundo bago paandarin ang motor.
Kapag umandar na ang motor, automatic na mag-o-off ang timer.
Patuloy na tatakbo ang motor hanggang sa maabot ang tamang water level, kung saan automatic itong hihinto.
Auto Mode 3
Sa mode na ito, ang motor ay kinokontrol ng float switch at twin timer.
Ginagamit ang mode na ito upang bigyan ng pahinga ang motor kung sakaling mahaba ang running time.
Halimbawa, kung matagal mapuno ang tangke, maaaring itakda ang timer upang tumakbo muna ang motor sa loob ng isang panahon, pagkatapos ay magpahinga ng ilang minuto o oras, depende sa time setting.
Magpapatuloy ang run-and-rest cycle hanggang sa mapuno ang tangke.
Motor Trip Protection
Kapag nag-trip ang motor, indicator light lamang ang iilaw. Ito ay nagsisilbing babala na may problema sa system at kailangang i-check ang motor o control circuit.